22.TOP

1.6K 66 3
                                    


Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng naisipang gimik  ni GD para sa isopresa sana si Sally.Habang hawak ko kasi si Dess papasok sa sasakyan,nararamdaman ko ang panginginig nya.

"Hey,relax ka lang.Wala naman akong gagawing masama sayo._AKO.
Hindi na kasi ako makatiis na di magsalita sa nararamdaman kong takot ni Dess kahit kahit hindi ko naman sya masyadong hinahawakan kundi inaalalayan lang sa pagpasok sa loob ng van.

"TOP?_Dess.Nagulat ako na kilala nya pala ako kahit sa boses lang.Madilim kasi dito sa parking lot kaya hindi talaga nila kami makikita kaagad.Tapos piniringan pa namin sila at nilagyan ng panyo sa bibig.Baka nga kasi magsisigaw kaya mabuti na yung sigurado.

"Patay tayo dyan TOP,Kabisado naman pala yang boses mo kahit hindi ka makita eh!_Terry.Saka kami sabay sabay na nagkatawanan.Kinalag na din nila ang takip sa mata nila Joyce at Sally kaya inalis ko na din ang kay Dess.

"Anong kalokohan ito?Hindi nyo ba alam kung gano nyo kami pinakaba at tinakot sa pinag gagagawa nyo?_Joyce.Agad na binuksan ni Terry ang ilaw sa loob ng sasakyan kaya kitang kita namin ang galit sa mukha ni Joyce habang nagsasalita.

"Ohh,Im so sorry Joyce.Hindi namin intensyong takutin kayo.Balak ko lang kasi sanang isorpresa si Sally ngayong Monthsary namin.Sakto namang kasabay nya kayo ngayon kaya pati kayo naisali sa pag cover up.
Im really really sorry._GD.Habang si Terry naman ay patuloy sa pagda drive ng sasakyan.

"Hon talaga,Ang dami mo kasing pa gimik kaya pati mga kaibigan ko muntik ng himatayin sa takot eh!
Alam nyo namang kagagaling lang ni Dess sa trauma dahil sa panunugod at pananakit sa kanya,kaya kahit kami kinabahan na may mga humila sa amin sa dilim._Sally.Saka ako napatingin kay Dess na nakayuko lang at may mga kalmot sa braso.

"Pakibaba na lang ako dyan sa kanto.Uuwi na ako.Malapit ng gumabi at kailangan ko ng makauwi kaagad._Joyce.Seryoso sya habang nagsasalita.
Pero desidido si Terry na wag ihinto ang sasakyan.

"Joyce,Pwede bang mag usap muna tayo?Pakiusap naman,wag mokong dedmahin.I need to know the reason bakit bawal na akong lumapit sayo,ano bang kasalanan ko?_Terry.Habang nagda drive ay nagsasalita sya.

"Ako din,bababa na.Need ko na ding umuwi._Dess.Hindi na sya takot at nahimasamasan na pero hindi sya tumitingin sa akin at saka sya lumayo sa tabi ko

"Guys,pwede bang kumalma lang tayong lahat?Wag naman tayong mag iwasan.Pwede naman nating idaan sa pag uusap hindi ba?Joyce,look Im sorry sa ginawa ko,maling mali dahil hindi ko naisip ang mararamdaman ni Dess.Pasensya kana Dess,hindi ko intensyong takutin ka._GD.
Hindi pa din hinihinto ni Terry ang sasakyan.

"Wala namang dapat pag usapan.Pasensya na din kung nasira ko ang supresa mo para kay Sally dahil sa mga sinabi ko.Gaya nga ng sabi ko, kailangan ko ng umuwi.Pakihinto na lang ang sasakyan._Joyce.
Ibang klase nga pala talagang magalit si Joyce,kaya takot na takot si Terry na gumawa ng kahit na anong bagay na ikagagalit ni Joyce sa kanya dahil nakakatakot pala talaga sya kapag nagsasalita.

"Sorry pero hindi ko ihihinto ang sasakyan hanggat di tayo nakakarating sa pupuntahan natin._Terry.Woooh!Si Terry nga ba ang nagsasalita?Parang now ko lang nadinig na maging ganun kaseryoso si Terry.Sino nga kaya ang mananaig sa kanilang dalawa this time?

"Teka nga kasi,san nyo ba kami dadalhin?May mga pasok kami bukas.At isa pa,hindi kami nakapag paalam sa pamilya namin na hindi makakauwi baka nag aalala na ang mga yun._Sally.Saka sya tumingin kay Joyce na unang unang nag aalala para sa nanay nyang may sakit.

"Hon,Wag kang mag alala.Naipagpaalam na kita kila tatay Caloy kanina pa.Tapos dumiretso kaming tatlo sa bahay nila Dess.Nakilala pa nga namin pati yung kapatid nyang lalaki eh.Mabait sila Lola Anna at tita Sarah kaya hindi kami nag alangan na ipagpaalam si Dess sa kanila._GD.
Napansin ko naman na sumaya ng bahagya si Dess sa nadinig nya.

"Really,Nagpunta talaga kayo sa bahay para ipagpaalam ako?Buti naman at pinapasok kayo,wala naman kayong kakilala sa amin ah?_Dess.
Saka ipinaliwanag ni GD sa kanya na sinamahan kami ni MIYA AT JANE para ipagpalam sya kaya hindi kami nahirapang mapapayag ang lola at tita nya.

"Papano naman si Joyce hon,Alam mo naman ang sitwasyon ng nanay nya.
Hindi din mapapakali si Joyce kapag malayo sya sa tabi ng nanay nya.
_Sally.Napatingin kaming lahat kay Joyce na tahimik lang at di kumikibo.

"Soorry Joyce,magalit kana kung magagalit ka pero gusto talaga kitang makausap ng sarilinan.Tungkol sa magbabantay kay nanay Joy,
May pinadala akong private nurse na magbabantay sa kanya habang wala ka.Kahit sina ate Zeny,pwedeng patingin tingin lang dahil yung private nurse na ang bahala sa lahat._Terry.Napangiti naman bigla sina Dess at Sally sa nadinig nila.Kahit papano,mababawasan ang alalahanin ni Joyce kahit wala sya sa tabi ng nanay nya.

"Pero papano naman yung trabaho namin?Baka pagbalik namin sa CK mall,tanggal na kami pare pareho sa trabaho?_Dess.Natawa naman kami sa reaksyon nya,para kasi syang bata na kitang kita sa mukha ang pag aalala.

"Para ano pa at naging anak ng may ari ng CK MALL yang si GD?
Natural madali lang para sa kanya na ipagpaalam kayo dun sa HR.
Ang sabi nya,may seminar kayong pupuntahan at kayo ang representative ng department nyo._AKO.Saka ko biglang naramdaman na kalmado na ang lahat.Wala ng mabigat na alalahanin.Lahat kami makakahinga na din ng maluwag habang nagta travel.

May kalayuan din ang Zambales kaya naman salitan kaming tatlo sa pagmamaneho para hindi antukin.Kapag nadadaan kami sa mga kainan, bumababa kami para kumain.Napansin ko ding walang fastfood masyado papunta ng Zambales kaya bigla kong naisipang magtayo dito ng isang branch.

"Kapag nagustuhan nyo dun sa pupuntahan natin,Saka ako magdedecide kung magtatayo nga ako ng branch ng happybee dito.Para kasing pag summer lang sya matao kaya siguro bihira ang may gustong magtayo ng kainan._AKO.Bumaba muna kami sa sasakyan at saka kami namili ng mga kakainin namin papunta ng Isla.Since wala pang tao dun sa lugar,at first time pa lang kaming mag i explore dun,siguradong wala din kaming makakainan at mabibilhan ng pagkain.

"May resthouse naman tayong matutuluyan duon kaya lang walang pagkain talagang mabibilihan.Kaya bukod dito sa mga prutas at mga basic needs na dala natin,kailangan din natin ng maisusuot guys._Terry.
Alam ko namang walang imposible sa may mga perang gaya namin,pero iba din talaga itong plano ni Terry.Palalabasin daw nyang may oras lang ang pagsundo at paghatid ng bangka kaya hindi kami basta basta makakalis ng Isla agad agad.

"Teka,Bakit magtatagal ba tayo duon?Siguro naman,bukas din makakauwi na tayo kaagad hindi ba?_Joyce.Malakas talaga ang pakiramdam ni Joyce at hindi basta basta naniniwala kaagad.

"Hahahhaa.Hindi pa nga tayo nakakadating,uwian na kaagad ang nasa isip mo Joyce?Wag kayong mag alala,i'll make sure na mag eenjoy tayo duon at baka hindi nyo na gustuhin pang umuwi._GD.Nagkatingin kaming tatlo.

Hindi naman na kami nagtagal pa sa pamimili at saka kami sumakay na sa bangka pagkatapos.Motorboat ang gamit namin at hindi yate ni Terry.
Mas mainam na daw na hindi yate ang gagamitin para may dahilan kapag hindi kaagad kami masusundo sa Isla.

Desidido talaga si Terry na mapasakanya si Joyce bago pa kami ulit makabalik ng Maynila.Well,Sa palagay ko naman magtatagumpay sya.Lalo pa at nakikita kong nagugustuhan din ni Joyce ang idea ng pagsasama sama nilang tatlong magkakaibigan.

Gusto ko din namang mag enjoy si Dess.Para kahit papano,makalimutan nya yung ginawa sa kanya ni Leslie.Wag syang mag alala,hinding hindi ko sya hahayaang muling malapitan pa ni Leslie.Hinding hindi na sya muling masasaktan ng kahit na sino pa man.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now