67.TOP

1.2K 62 0
                                    

Kasabihan na nga ng nakararami na kapag ang puno ay hitik sa bunga, madaming gustong pumitas at kumuha.Kaya naman hindi na ko magtataka kung bakit padami ng padami ang mga taong gustong manira ng relasyon ng may relasyon kahit na sabihin pang hindi pa naman nakatali si Dess sa akin.

"What the hell is going on here?Bakit may mga guy na aali aligid sayo.
Look at them,Kailangan talaga na nagpapa cute ka sa kanila ng ganyan ha Dess?_AKO.Kaagad ko syang sinita pagka pasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng boutique na pinapasukan nya.

"Top ano kaba,Dun kana muna mag stay sa loob.Mamaya tayo mag usap.
May VIP akong ina assist._Dess.Kaagad nya akong hinila muna sa loob ng opisina nila kung saan naka upo si Joyce na biglang nagulat sa pagpasok namin.

"Top?Dess?What happened,Bakit parang nagtatalo yata kayo?May problema ba?_Joyce.Saka ako bahagyang kumalma dahil bigla akong nahiya kay Joyce.

"Joyce,Ikaw na muna ang bahala kay Top.Ina assist ko pa kasi yung VIP nating si  sir VITO Deleon.Sandali lang at babalik din ako kaagad._Dess.
Saka sya muling bumalik sa costumer na kinakausap nya kanina.

"Top,Are you okey?Para kasing hindi yata maganda ang mood mo today, May problema ka ba?_Joyce.

"Actually,Kanina naman okey ang mood ko eh.Kaya lang pagdating ko dito hindi ko nagustuhan yung naabutan kong eksena.Kailangan ba talagang ina assist nya pa sa pag aayos ng necktie yung gunggung na yun na obvious naman na nananamantala lang dun sa nag aayos sa kanya._AKO.

"Ah,Tungkol pala sa pag aassist ni Dess.Pasensya kana kung si Dess ang kinailangang mag assist kay Sir De leon,Sya kasi ang palaging ni request ni Sir kapag pupunta sya dito.Hayaan mo,Sa susunod hindi na si Dess ang ipadadala ko._Joyce.Lalong naningkit ang mga mata ko.Ibig sabihin,palagi ngang si Dess ang nag aassist sa bwisit na lalaking yun.

"I'll talk to ate Sydney na palitan ang nag aassist sa VIP nyo  ng ibang saleslady at wag si Dess.Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari.
Hindi ko matatanggap na may ibang tao na nakaka hawak or kahit nakaka agaw ng atensyon ni Dess maliban sa akin.I cannot tolerate that._AKO.

"Aba'y teka naman sir Pamintuan,Tama ba tong nadinig ko ha?
Bawal ang may ibang tao na makakalapit sa girlfriend mo liban sayo?
Wow! Bakit naman ganun.Masyado ka naman yatang possesive boyfriend.
_Terry.Saktong papasok sya ng opisina para sunduin din si Joyce.

"Hindi ako possesive,Ayoko lang dun sa guy na yun.Kung makatingin kay Dess,parang hinuhubaran na eh.Kanina ko pa nga gustong bigwasan,Nagtimpi lang ako._AKO.Umupo ako sa couch.

"Alam mo ang OA ng reaction mo.Ganun naman talaga ang trabaho nila. Ang mag assist sa mga costumer.Natural lang naman na kailangang may kasamang pag aasikaso at pagka giliw sa mga costumer para balikan sila.
Lalo pa't VIP sila ng shop.Wag ka ngang paranoid!_Terry.Sinamaan ko sya ng tingin at saka ako muling tumayo.

"Bahala ka nga dyan.Basta ako,Iuuwi ko na si Dess ngayon din._AKO.Nagmamadali akong lumabas ng opisina at kaagad kong hinatak si Dess papalabas ng boutique.

"Ano ba Top,Nasasaktan naman ako sa paghila mo sa akin.Bitiwan mo nga ako pwede ba._Dess.Saka ako biglang natauhan at binitiwan ko sya kaagad
Halos mamula ang pulsuhan nya sa higpit ng pagkakahawak ko.

"Im sorry pero we need to go home.Pinaalam na kita kay Joyce na mauuna kana kaya sumakay ka na ng kotse._AKO.

"TOP,Are you serious?Nagta trabaho ako,Wala akong ginagawang masama kaya hindi moko kailangang kaladkarin na para bang may kasalanan akong nagawa at hilahin pabalik ng bahay._Dess.

"Wala ka ngang ginagawang masama pero yung manyakis na lalaking yun meron.Hindi mo ba nahahalata na sinasamantala nya ang pagkakataon para maka chansing sayo?Dess naman,Wag ka ngang manhid._AKO.

"Top naman,Trabaho lang yun at walang personalan.Hindi naman porke nakita mong inaayos ko ang kurbatang binili nya,Nananamantala na yung tao.Mabait sa akin si Sir Deleon at wala akong nararamdamang may malisya ang mga kabutihang pinapakita nya sa akin._Dess.

"So ako pa pala yung masama mag isip ganun ba?Ayos din ano,Kinakampihan mo pa yung manyak na yun kesa sa akin.Fine!Magsama kayong dalawa!_AKO.Pumasok ako sa kotse at saka inistart ang makina.
Kaagad naman syang sumunod sa akin sa loob.

"Top ano ba.Kumalma ka nga.Bakit kaba nagkaka ganyan ha?Alam mo naman na trabaho ko ang mag assist ng costumer at alam mo naman yun pero bakit biglang bigla namang nagkaganyan ka,May problema ba?_Dess

"Mag resign kana sa trabaho mo para hindi ako magka ganito.Hindi ko na nagugustuhan yang paglapit lapit ng kung sino sino sayo specially yang mga VIP clients nyo na mga manyak naman.Bukas na bukas din,mag pasa kana ng resignation letter kay Ate Syd._AKO.Ewan ko ba,hindi naman ako ganito before,Pero kaninang nakita ko si Dess na nakangiting nag aassist sa client nya,bigla nalang akong nakadama ng selos.

"Top naman,Sinabi ko na sayo hindi ba.Hindi ako basta basta makaka alis sa boutique ni Madam Sydney.Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa maganda nilang pagtrato sa akin kahit nuon pa mang saleslady lang ako.Ayoko namang isipin niya na porke naka graduate na ko sa pag aaral,
Basta ko nalang sila iiwan sa ere._Dess.

"Dess naman,Buntis ka.Sa palagay mo,mapapanatag ako sa ibang lugar na iwan ka sa ganyang  kalagayan mo?Look at you,Ang payat payat mo na.Bakit ba kailangang magtrabaho pa kung kayang kaya ko naman kayong buhaying mag ina,Sapat at sobra pa! Tapos may mga ganung eksena pa kong madadatnan.Bullshit!The hell with that stupid maniac!_AKO.

"Napag usapan na natin ito diba?Alam mong di ako sanay na nasa bahay lang at nagmumukmok lalo pa at wala ka.Top naman,Sinasabi ko naman sayo na trabaho lang yun at walang malisya.Sa tagal ko ng saleslady,Alam na alam ko na kung anong mga galawan nila,At alam na alam ko din naman kapag may masama silang tangka o gusto lang nilang manamantala._Dess.

"Basta tapos na ang usapan.Mag resign kana ora mismo kung ayaw mong ako mismo ang magsabi kay Ate Syd.Ayokong makikita na may ibang lumalapit sayo bukod sa akin.At ayoko din na magpakapagod kapa sa trabaho.Isipin mo ang kapakanan ng baby natin,At mag focus ka na lang sa pag aalaga sa kanya._AKO.

Ilang araw lang akong nawala,Pero ngayon ko lang naramdaman na miss na miss ko na pala si Dess kaya nagmadali akong bumalik ng Manila.Tapos ganung eksena pa ang madadatnan ko.damn!

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon