14.TOP.

2K 73 1
                                    

Kaninang kanina ko pa sana gustong lapitan si Dess at sapakin na lang bigla si Marfil habang hinihila nya sa braso.Pero hindi ako dapat makita sa CCTV para malinis ang record.Ilang saglit pa,Naka alpas din si Dess at nakatakbo na papalayo sa sasakyan.Agad naman syang hinabol ng dalawang bodyguard ni Marfil kaya hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at tinawag ko si Dess mula dito sa sasakyan ko.Muli ko syang dinala sa Rancho Katarina para makapagrelax sya.

"Sana nga ganun lang kadali ang lahat.Sana nga bukas pag gising ko parang wala lang yung nangyari._Dess.Napasandig sya sa akin at saka ko napansing nakatulog na pala sya.Sa pagod at sa takot dahil sa nangyari kanina.Hindi ko tuloy napigilang haplusin ang buhok nya habang nakapikit sya.

"Top...Bakit ganun?Hindi naman ako masamang tao.Hindi din naman ako masamang babae,bakit ba palagi na lang akong nilalapitan ng mga lalaking tulad ni Mr.Marfil?_Dess.Akala ko natutulog na sya pero nakapikit lang pala sya.

"Ikaw talaga,Bakit mo naman iniiisip yan.Hindi ka lapitin ng mga manyak.Nagkakataon lang yun.
May mga tao lang talagang sadyang maiitim ang budhi.Nagkakataon lang siguro na ganung klase ng mga tao ang nai encounter mo pero hindi naman ibig sabihin nun masama ka ng babae.Sabihin na lang natin na kasi masyado kang maganda kaya agaw pansin ka sa mga lalaki._AKO.
Medyo kalmado na sya kasi hindi na sya umiiyak ngayon.

"Sabagay,Kahit naman sila Joyce at Sally ganun din ang problema eh.
Palagi din silang agaw atensyon kapag nasa byahe.Minsan nga daw,pati yung mga girlfriend nung katabi nila sa jeep gusto silang sabunutan dahil naka tingin sa kanila yung boyfriend._Dess.Napangiti tuloy ako ng lihim.
Normal na kasi yun sa magagandang tulad nila.Aangat at aangat talaga sila sa karamihan.Ganyan din kaming tatlo kapag magkakasama eh.

"Kaya nga mag iingat ka.Wag kang basta basta sasama kapag di mo masyadong kilala yung mag aayaya sayo,lalo sa pag iinum at madali ka pa namang malasing.Hindi mo alam kung may inilalagay na pala sa baso mo tapos dalhin ka nalang sa kung saan.Iwasan mo din magsuot ng masikip at maiksing damit para di ka takaw pansin._AKO.Para naman akong naninermon na nanay sa mga pinagsasabi ko.

"Uhmmm,Para kang si Tita.Ganyan din ang palaging sinasabi sa akin.
Wag daw akong magsusuot ng masisikip na damit.Ang hirap namang maluluwang at mahahabang damit lang ang isusuot ko,para naman akong manang nun...Haaaist!_Dess.Tumayo sya at saka naglakad lakad dun sa damuhan kaya agad ko syang sinundan.Mayroon din kasing manmade falls sa bandang gilid nitong ranch na im sure magugustuhan nya.

"Hindi naman kailangang mahaba at parang sa manang yung isuot mo.
Wag lang yung sobrang hapit...At saka kahit naman siguro anong klaseng pagtago at pagbalot mo dyan sa figure mo,lalabas at lalabas pa din yang kaseksihan mo eh!_AKO.Patay na,bakit ko ba nasabi sabi pang seksi sya.

"Talaga,Sa tingin mo din ba seksi ako?Para naman hindi eh.Palagi mo nga akong inaasar na panget at taklesa eh._Dess.Saka sya umupo sa gilid nung falls at inilagay ang mga paa sa tubig.

"Hahahha.Sira ka talaga!Ang sabi ko taklesa ka pero hindi ka pangit.
Ako nga ang sinasabihan mong pangit remember? Tungkol naman sa body figure mo,uhmmmm pwede na._AKO.Saka ako ngumiti ng pilyo sa kanya.

"Ang yabang mo talaga!Anong pwede ka na dyan ha?Sa palagay mo mas sexy ka sa akin?Ang payat mo kaya saka maputla ka...Tapos maliit pa yang.....
_Dess.Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya at napa cross sya ng mga kamay sa dibdib nya.

"Hahahaha.grabeh sya sa akin oh! O sige na,hindi na kita kokontrahin.
Maputla,payatot at flat chested na nga ako.Ikaw na talaga ang reyna!
_AKO.Saka naman sya natawa din sa sinabi ko.

"Mabuti kapa,Parang walang kaproble problema.Masaya lang. Syanga pala,napansin kong iba yang kotseng dala dala mo ah...Mukhang mamahalin.Kanino mo naman nahiram yan?_Dess.Akala ko hindi nya mapapansin na BLACK LAMBO ang dala ko.Sa pagmamadali ko kasi kanina,yung kotseng dala ni mommy pala ang nagamit ko.

"Kotse yan ng boss ko sa Happybee.Pinapark nya sa akin duon kaya lang nakita nga kita kaya ayun,nadala ko.Wag kang mag alala.Tinext ko na sya na nahiram ko muna._AKO.Sana naman lusot yung alibi kong walang kwenta.

"Isa pa yang pinagtatakahan ako kung bakit nasa parking lot ka kanina?
Saka pauwi na ang mga tao bakit sabi mo pinagpark ka ng boss mo ng sasakyan nya?Baka ibig mong sabihin,pinapakuha nya sayo yang sasakyan nya tama ba?_Dess.

"Yun nga!Pinakukuha ng boss ko yung sasakyan nya.Dun na daw sa harapan ko dalhin dahil ayaw nyang maglakad.Nagkataon namang nakita nga kita at saka dinala dito._AKO.

"Okey.Kung ganun pala dapat mo ng isoli yan sa boss mo.
Need ko na ding umuwi dahil baka nag aalala na sila lola sa akin.
Maraming salamat ulit sa pagtulong mo sa akin._Dess.
Saka nya ako biglang hinalikan sa pisngi at saka tumakbo na papasok sa kotse.

Tahimik lang kami sa kotse habang papauwi.Hindi na ako tumuloy sa kanila at saka ako dumiretso sa condo kung saan kanina pa nag aantay sila GD at Terry sa akin.

"Problem solve na dude!Wala ka ng dapat alalahanin.Bukas,back to normal na ang lahat._Terry.Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa ref para kumuha ng beer.

"Sa palagay mo hindi nagka trauma si Dess sa nangyari ha?
Alam mo ba yung nararamdaman nya habang umiiyak syang nagsasabi sa akin na bakit daw ganun ang tingin sa kanya ng mga lalaki? Gusto kong balikan si Marfil ng mga sandaling yun at basagin yung mukha nya eh._AKO.Dinadaan ko lang kanina sa hinahon para hindi matakot lalo si Dess pero talagang galit ako.

"Wag kang mag alala,Hinding hindi na ulit makakalapit si Marfil sa kanya.
At saka nangako din ang mommy na gagawin nya ang lahat para matulungan si Dess.Sya din mismo ang makikipag usap sa mas nakakataas para matanggal na sa pagka chairman si Marfil._GD.

"Kamusta na si Dess,Top?Naging okey na ba sya after nyong mag usap?
Sabi mo,masaya sya kapag nasa Rancho Katarina sya hindi ba...
Nakatulong naman ba ang pagdala mo sa kanya duon?_Terry.
Bata pa lang si Terry ng ipinagawa nya yun.Para daw may pahingahan sya.Tapos yung park naman na nasa kabilang side,Ipinagawa nya para sa mga batang mga sakit at mga may kapansanang tinutulungan nya.Hanggang sa gawin na nga iyong parke at pasyalan para sa lahat.Kapag sumakay ka sa kabayo,makakarating ka dun sa rancho katarina kahit hindi ka na dumaan sa kabilang kalsada.

"Medyo bumuti buti na din ang pakiramdam nya.Hindi na kagaya kanina na halos nanginginig sya sa takot.Hindi ko talaga maimagine yung itsura nya habang nire rescue ko sya kanina eh,as in awang awa ako._AKO.

Kahit palaging masaya lang at kalmado kung titignan si Dess,Madami din siyang napagdaanang mabigat.Hindi lang iisang beses syang nakursunadahan at muntik muntikan ng mapahamak.
Saka ko tuloy naramdaman na gusto ko syang bantayan at alagaan...
Pero hindi ko alam kung saan at papaano ako magsisimula.
At kung tutulungan ko nga ba sya dahil sa awa o meron pang iba akong nararamdaman?

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now