56.DESS

1.2K 63 1
                                    

Isang buwan matapos ang aksidente,Sinikap kong kalimutan na muna ang lahat ng nangyari.Nalaman ko buhat kina Terry at GD na okey na naman daw si TOP at bumalik na sa normal ang lahat.Nalaman na din nila Lola at Tita na nag aaral ako sa gabi kaya hindi ko na kailangan pang maglihim sa kanila.Kasabay ng pag aaral ko ang pagta trabaho sa boutique kaya alam kong hindi magiging ganun kadali ang lahat.

"Hindi ko na napapansing suot suot mo yung enggagement ring na binigay sayo ni TOP,hindi pa din ba kayo nagkaka ayos na dalawa?_Joyce.
Inaantay namin si Sally sa Hollycafe at sabay sabay daw kaming mag gagala.
Restday namin pare pareho kaya ngayon na lang ulit kami magkakaroon ng chance mag bonding.

"Matagal ko ng tinanggal yun sa kamay ko.Medyo sumikip na din kasi kaya hindi na kasya._AKO.Dahilan ko lang yun pero ang totoo ayoko lang na maalala pa yung mga pangit na nakaraan.

"Hindi naman kita masisisi kung hanggang ngayon masama pa din ang loob mo kay TOP,Naiintindihan ko.Pero sana wag mong isarado ang puso mo sa pagpapatawad._Joyce.Parang baliktad na ngayon ang sitwasyon,dati kasi si Joyce yung mahirap makapagpatawad talaga,Pero mula ng maging sila na ni Terry,Malaki ang pagbabago sa kanya.

"Kilala mo naman ako diba,Madali naman akong magpatawad.Saka hindi lang naman sya ang may kasalanan,Kahit naman ako may pagkukulang din.Hindi ko sya masisisi kung hanapin nya yun sa iba._AKO.Isa yun sa napag isip isip ko.Hindi lang puro pagmamahal dapat sa relasyon,dapat meron ding showmanship.

"Sira ka talaga,Anong showmanship ka dyan! Normal lang naman na magalit ka kay TOP,kasi sobra naman kasi yung ginawa nya sayo.Kahit nga sila GD at Terry nagalit din sa ginawa nya noh.Tama yang wag mo na muna syang patawarin para matuto!_Sally.Kadarating nya lang at medyo hinihingal pa dahil nasa 2nd floor kami ng cafe.

"Agree!Saka natiis mo nga syang di kausapin ng almost 1 month eh,tuloy tuloy mo na.Kahit na para syang aso na bubuntot buntot sayo sa school nyo,wag ka pa ding bibigay.Tiisin mo muna hanggat di pa sya nadadala._Joyce.Nag apir pa silang dalawa at saka nanahimik bigla dahil dumating sina GD at Terry na may dala dalang kape sa tray.

"Sumama eh,Gusto daw makisali sa bonding natin.Pati nga si TOP nandun sa sasakyan._Sally.Kaagad naming inubos ang mga kapeng inorder nila at saka kami sumakay na sa coaster dala dala ni Terry.Artista van ang tawag sa sasakyang dala ni Terry na costumized ang disenyo.Magpipiknik daw kami sa ibaba ng bundok kaya yun ang dinala nyang sasakyan.

"Dess,Dito kana sa tabi ni Sally maupo.Hayaan mo si TOP dun sa likuran.
Hindi natin sya bati._GD.Natawa naman kaming lahat sa biro ni GD.

Solo lang na nakaupo si TOP sa likod.Tahimik lang sya habang kami dito sa harapan ay masayang nagkukwentuhan.Si Terry at si Joyce kasi ang nasa harapan  at kami sa gitna.May mini bar sa loob, at meron ding maliit na kitchen.Sa bandang likuran ang CR,Sa likod ng pwesto ni TOP.

"Dess,Alam ko masarap ka magluto ng sisig diba?Ipagluto mo naman kami, request lang.Para may partner yung malamig na beer na ipabili ko kay TOP._Terry.Isang maaliwalas at magandang tanawin ang bumungad sa amin sa pagbaba namin ng sasakyan.Ito yung sinasabi ni Terry na ibaba ng bundok na pinuntahan nila nuon ng mga kasama nya sa foundation.

"Walang problema,Ipagluluto ko kayo sympre naman.Malakas kayo sa akin eh._Biro ko.Napatingin ako kay TOP na serysosong nakatingin lang sa kawalan.Mula pa kanina,tahimik lang sya at hindi nagsasalita.

"Hon,Ipagluto mo din kami ng adobong pusit mo ha.Yung madaming sili para mas masarap._GD.Si Sally kasi ang nakatoka sa pagluluto ng ulam namin.Si Joyce naman ang nagsaing at saka nagmarinate ng karne na iba barbeque nila mamaya.

"Ganito pala ang feeling kapag pinagluluto ka ng asawa mo noh?Tapos ikaw naman nakaupo lang sa duyan habang nag aantay na makaluto.
Gummie,Pwede bang pakimasahe na din ako pagtapos mo dyan?_Terry.
May duyan kasi silang dala na ikinabit nila sa puno.Malaki din yung tent na dala nila para daw kasya kami lahat pagtulog.

"Aba,sinuswerte ka naman dyan direktor.May taga luto kana,may taga masahe pa?Kung tinutulungan mo kaya ako dito sa ginagawa ko?_Joyce.
Actually,matrabaho kasi talaga ang pagtusok tusok ng baboy sa stick kaya need ng maka katulong.Lumapit naman kaagad si Terry sa kanya.

"Hahahhha.Ano ka ngayon Terya?Papamasahe kapa ha.Di mo ko gayahin, taga tikim ng chef ko.Ano hon,papasa na ba kong assistant chef mo?_GD.
Sweet na sweet namang naglalambingan sina GD at Sally habang nagpi prepare ng iluluto para sa lunch namin.Nakamasid lang ako sa kanila dahil wala naman akong pwedeng gawin.Naisipan kong maglakad lakad muna.

"Mag iingat ka,madulas sa banda dyan._Kahit di ako lumingon kilala ko kung sino ang nagsasalita sa likuran ko.Bahagya akong lumayo sa pababang daanan at saka bumalik sa kalsada.

"Mabuti sinabi mo,Balak ko pa sanang bumaba dun ng kaunti._Ako.May mumunting sapa na pala dun sa ibaba kaya madulas kapag nilakaran.
Diretso akong naglakad sa may kakahuyan.Medyo malayo layo na din kami sa truck namin.Nalilibang ako sa mga naglalakihang puno.Isa pa,alam ko namang kasunod ko si Top kaya di ako natatakot kung sakaling maligaw dahil may kasama ako.

"Kamusta naman ang pagsa summer mo,Hindi kaba nahihirapang pagsabayin ang trabaho at pag aaral?_TOP.Nasa likuran ko lang sya habang kinakausap nya ko.

"Ayos lang naman,Sanay na din ako.Konting tiis na lang naman at makaka graduate na ko kaya hindi ko kailangang magpatalo sa pagod at gastos._AKO.Mas magastos kasi kapag graduating na.
Umupo ako sandali sa nakabuwal na sanga ng puno,medyo malayo na din kasi ang nilakad namin kaya kailangang magpahinga.Isa pa,medyo masukal na din itong lugar na nilakaran namin kaya hanggang dito na lang siguro kami.

"Alam ko na malaki ang kasalanang nagawa ko sayo.Alam ko din na hanggang ngayon,hindi mo pa ko napapatawad,Pero sana lang Dess, bigyan mo pa ako ng chance na patunayan sayo na nagsisisi na ako sa nagawa ko.Im sorry,please forgive me._TOP.First time ko syang nakitang umiiyak na nakatingin sa akin.Kahit naman siguro sinong bato,kapag iniyakan ka ng taong mahal mo mawawala ang galit sa puso mo.

"Tahan na,Wag ka ng umiyak.Pinapatawad na kita.Pasensya kana din kung natiis kong di ka dalawin sa hospital nuon,Masakit na masakit pa kasi sa akin yung nararamdaman ko nung mga oras na yun eh,kaya gustuhin ko mang puntahan ka,Tiniis ko na lang muna na di magpakita._AKO.Matagal ko na namn sya talagang napatawad,At ayokong sayangin ang mga sandaling ito na di namin naaayos ang relasyon namin.Ayoko ding mawala sya sa buhay ko,hindi ko yun papayagang mangyari.

"Thank you BABE..Salamat sa pang unawa at pagpapatawad.I miss you so badly,Namiss kong kayakap ka ng ganito._TOP.Mahigpit na yakap at halik,sapat na para mapatawad ko si TOP...Kahit hindi ko madinig ang SALITANG I LOVE YOU,maghihintay pa din ako.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now