73.TOP.

1.3K 67 4
                                    

          
             Kaagad kong chineck si Dess kung may mga pasa o galos ba sya.Sa nakita ko naman sa itsura nya,Mukhang nakatulog sya ng maayos at maaliwalas ang aura nya at walang nangyaring masama sa kanya.Kahit isang araw lang kaming hindi nagkita,bakit ganun na lang ang pagka miss ko sa kanya.Kaagad ko syang ikinulong sa aking mga bisig na para bang sampung taon ko syang hindi nakita.Ganun na nga ako talaga kahibang sa babaeng ina ng magiging anak namin?

"Teka teka nga,Bitiwan mo nga ko.Naka yakap ka kaagad dyan kahit alam mo namang galit pa ako sa yo.Alis ka sa tabi ko,ayaw kitang makita._Dess.Kaagad syang naglakad papunta sya sa kama hawak ang tyan nya kaya kaagad ko syang inalalayan pag upo.

"Babe naman,Sobra akong nag alala sayo.Bakit ka naman umalis ng di nagpapa alam.Alam mo bang kung saan saan kita hinanap.Pati sila lola tuloy nag alala sayo._AKO.Later ko na lang nalaman na alam pala nilang lahat kung nasaan talaga si Dess at ako lang ang walang alam kung nasaan sya.

"Meron ba namang naglayas na nagpaalam sa nilayasan nya aber?Saka galit pa ko sayo kaya wag mo nga akong kinakausap! Alis ka dito,ayaw kita makita.Tsuupiii!_Dess.Napaka ganda pa din ni Dess kahit na naka simangot at bagong gising.Hindi ko napigilang hawakan sya sa magkabilang pisngi nya at halikan sa labi.Kaagad naman nya akong itinulak ng marahan papalayo sa kanya.

"Babe,Im sorry.Please forgive me.Wala talaga akong alam na hahalikan nya ko.Swear,hindi ko yun inasahang gagawin nya kaya sa gulat ko nakagat ko ang labi nya.Patawarin mo na ko pleaseee babe._AKO.
Imbis kasi na gantihan ko ang paghalik sa akin ni Vivian,kinagat ko na lang ang labi nya para hindi na tumagal.Baka kasi madarang din ako kapag pinatagal ko pa.Sa totoo lang,dun ko lang narealize na wala na pala akong nararamdaman sa kanya.As in,matagal na pala talaga akong naka move on talaga.

"Wag na tayong maglokohan pa TOP,Alam na alam ko na ang kahinaan mo pagdating sa babae.Kundi lang siguro ako dumating dun,hindi lang halik ang gagawin nyong dalawa dun for sure.Lalo pa at matagal tagal na din yung last nyong ginawa yun tama ba?VIVIAN LEGARDA WAS YOU FIRST LOVE. At sya din ang dahilan kaya ayaw mo ng magseryoso pa sa mga babae dahil labis ka nyang sinaktan at pinagpalit sa iba._Dess.Hindi na ako magtataka kung alam nya na ang tungkol sa nakaraan namin ni Vi.

"Thats not true.Matagal ko na syang kinalimutan at wala yung kinalaman sa pagiging womanizer ko.Sadyang mahina lang talaga ako sa tukso at aminado naman ako dun.Pero ng makilala kita,PINILIT KO NAMANG MAGBAGO hindi ba?Im soorry kung sa kabila ng lahat,nagawa pa din kitang saktan pero maniwala ka babe,FROM THE BOTTOM OF MY HEART, UNTI UNTI NA KONG NAGBABAGO.Alam ko mahirap yun paniwalaan pero ipapakita ko sayo na kahit ano pa at sino pang babae ang tumukso sa akin, HINDI ko sila papatulan.Maniwala ka sa akin._AKO.Lumuhod talaga ako sa harap nya para lang maniwala sya at mapatawad nya ako.

"Tumayo ka na dyan at wag mo na akong daanin dyan sa pagpapa cute mo.Akala mo,basta basta na lang kita mapapatawad?Dahil dyan sa ex mo, naging instant sikat ako.haaaaist!Ang hirap mo maging jowa noh,Dami ng kaagaw,dami pang eksena at eskandalo.Pasalamat sya at kabuwanan ko ngayon,kasi kung hindi malamang manghiram sya ng mukha sa aso._Dess.Saka kami biglang natawa ng sabay.Totoong palaban at mataray si Dess pero nasa lugar.Kaya alam kong kahit nagbibiro lang sya,hindi sya yung tipong papa agrabyado sa kahit na sino kaya naman suportado ko sya at dahil alam kong nasa tama sya.

Dahil sa kahihiyang inabot ni Vivian Legarda,Mabilis pa sa alas kwatro ang pag alis nya sa bansa.Hindi nya siguro akalain na hindi na kagaya nuong mapagtatakpan nya pa ang mga kamalditahan nya sa mga taong inaapi api nya.Mabilis na ngayong nakukunan sa video kapag gumawa ka ng di maganda sa kapwa mo.Kaya naman wala ng nagawa ang pera nya para pagtakpan pa ang ginawa nya.Nalaman pa tuloy ng lahat kung ganu sya ka desperadang babalikan ko pa sya.

"Pasalamat ka sa girlfriend mo at hindi ka tuluyang iniwanan.Pwede ba Trishia,Magtino ka na nga!_Mommy.Since nandito na din lang si Dess sa hotel na malapit sa hospital nya,dito na din kami nagdecide na mag stay  kaya dinalaw kami nina mom and dad.As usual,para sermunan na naman ako.Tanggap ko naman kaya tahimik lang ako sa isang sulok.

"Darling tama na ang sermon.Nadidinig ka ng apo natin ikaw din.
Pabayaan na muna natin silang dalawa na magka usap ng maayos.Umuwi na tayo.Babalik na lang tayo bukas.Baka imbis na magka ayos,mag away pa ang mga anak natin dahil sa kaka sermon mo dyan._Daddy.Sumenyas sya sa akin ng palihim na wag na daw akong sumagot para hindi na humaba ang usapan kaya hindi na nga ako sumagot pa at hinayaan na lang si mom na mag ingay.Ilang sandali nga lang at napagod na din sya sa kakasermon at tuluyan na silang nagpaalam para umuwi na sa Forbes.

"Ano,Wala kang naisagot kay mommy anoh?Kasi lahat naman talaga ng sinabi nya sayo totoo.
Anyways,Makapag shower na nga muna para makatulog na.
Sya nga pala,dun ka sa sofa matutulog ha.Ayoko kitang katabi._Dess.Mabilis nyang isinara ang shower room kaya huli na para makasabay pa ako sa paliligo nya.Nagbukas na lang ako ng tv habang inaantay syang lumabas mula sa banyo.Nadismaya ako na sa paglabas nya ay nakasuot na sya ng ternong pajamas na alam nyang ayaw kong sinusuot nya pag matutulog.

"Babe naman,Bakit moko pinagsarhan ng pinto.Sasabay pa naman sana ako mag shower eh.Saka bakit sa sofa moko patutulugin samantalang ang laki laki ng kama?Babe naman,miss na miss na kitang katabi eh!_AKO.
Papalapit pa lang ako sa kama ay kaagad nya akong binato ng tuwalyang nasa ulo nya.

"Hep hep hep! Wag na wag mong tangkaing lumapit sa kama ko at makakatikim ka talaga.Bukod sa hindi kapa naliligo at nagtu toothbrush, ayaw kitang makatabi tonight.Nakadikit pa sa katawan at nguso mo ang amoy nung first love mo kaya ayaw muna kitang makatabi._Dess.Kaagad syang nagtalukbong ng kumot at saka patalikod na nahiga.

"Babe naman,Sampung beses na kong nagshower at nakapag toothbrush mula pa kanina.Wag mo naman akong pandirihan.Haaaissst!_AKO.Wala naman akong choice kundi sundin sya kaya nagtiis na lang akong sa sofa matulog ngayong gabi.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now