25.DESS

1.6K 61 1
                                    

Magbubukang liwayway na kami nakarating lahat sa dalamapasigan.
Masaya dahil walang naiwan sa amin sa higaan.Kahit kasi si TOP na inaasahan naming maiiwan ay maaga ding bumangon at unang una pang nakaligo at nakapag toothbrush habang kami ay magmamadali na din sa paliligo at paglalagay ng lotion para di mainitan.

"Woooooohh!Ang ganda ng view...Parang nasa ibang bansa ka._Joyce.
Excited na bungad nya pagsilip ni haring araw.
Napangiti naman si Terry sa kanya at sabay silang nagkatawanan.

"Nagustuhan talaga ni Joyce itong Island Terry,Pwede mo ng tawagan si Holly na ipalipat sa pangalan mo yung title_TOP.Si Holly na kaibigan nilang lesbian na may ari din ng Hollycafe ang nakabili sa Island na ito.Na ibinibenta naman nya kay Terry ngayon.

"Hahahaha.Tamang tama nga yan.Meron na kayong mapuntahan ni Joyce kapag gusto nyong mag usap.Ang sosyal lang diba,mag uusap sa isang tahimik na Isla pa._TOP.Nagblush naman si Joyce pero natawa din.Masaya akong makita na masaya ang pareho kong kaibigan ngayon kasama ang mga taong mahalaga sa buhay nila.Sa nakikita ko kasi kay Joyce,pinipigilan nya lang ding mahalin si Terry dahil mayaman ito.Pero pasasaan ba at paunti unti din nyang matatanggap si Terry at ang estado nito sa lipunan.

"Ang lalim ng buntong hininga mo ah,Parang pati ikaw gandang ganda dito sa lugar.Nag eenjoy ka din ba sa ganda nitong place?_TOP.Dahil kami lang naman ang walang kapartner,wala kaming choice dalawa kundi kami ang mag usap.Para kasing may mga sariling mundo yung mga kasama namin kapag magkakasama kami.

"Oo nga eh.Breathtaking talaga lalo na sa umaga itong Isla.Kung painter lang ako,iguguhit ko ang bawat tanawing nakikita ko ngayon at gagawing obra.Napakaganda nya talagang pagmasdan,parang agad napapawi ang lahat ng nararadaman mong kalungkutan kapag nakatingin ka lang sa dagat._AKO. Naghubad ako ng sapin ko sa paa at saka nagpalakad lakad sa buhanginan.Nakita ko namang kinukunan ako ng camera ni TOP kaya naman panay din ang pose ko at pagpapa cute.

"Hahahahha.Nice pose! Sige lang,umanggulo ka lang at kukuhanan kita ng mga pics para may pang IG post ka._TOP.Nag enjoy kaming dalawa sa pagsi selfie at saka ko ipinost ang mga kuha kong larawan sa IG acount ko.
Alam naman kasi sa work na umatend ako ng seminar kaya pwede akong magpost ng kahit ano.Wag lang na kasama namin sila TOP.

Dinalhan kami ni Manang Hilda ng drinks at beer habang nasa kubo kami at nagpapahinga.Mahilig kasi talaga sa beer yung tatlo pero in moderation lang naman at hindi nagpapaka bangag lalo kapag kasama kami.Nakatanaw kaming dalawa ni TOP sa naghahabulang sina GD at Sally sa buhanginan.Sila yung magkasintahan na almost perfect na sa relasyon at kasal na lang din ang kulang.Natutuwa din ako na kahit papano,may time din para makapag usap sina Terry at Joyce ng sila lang habang nakaupo naman sila sa dalampasigan.

"Hindi kaba naiinggit sa mga kaibigan mo at meron na silang mga kapartner?Ahhh,sabagay...Ikakasal kana nga pala dun sa babaeng si...Sino nga ba yun?_AKO.Naaalala ko naman ang name nya pero parang hindi ko syang gustong bigkasin o banggitin manlang.

"Pwede bang wag na natin syang pag usapan?Ni i mention ang name nya, hindi ko magawa lalo na sa ginawa nyang pananakit sayo.Never in my dream na pakakasal ako sa ganung klase ng babae.I'd rather be a bachelor for life kaysa matali sa kanya._TOP.Hindi lang pala ako ang ganun ang pakiramdam,lalo na pala si TOP.At naiintindihan ko sya sa nararamdaman nya.Hindi nga naman talaga biro ang pilitin kang ipakasal sa taong hindi mo gusto.

"Sabagay,Andito nga pala tayo para mag relax at mag chill at hindi para pag usapan ang mga malulungkot na bagay.Gusto mo bang maligo?Magkarerahan tayo sa paglangoy, at ang matalo sya ang magiging alipin nya buong araw.Payag ka?_AKO.
Sinasamantala ko lang na magkasama pa kami ngayon,pero after nitong bakasyon namin,tuluyan ko na syang iiwasan.Sa totoo lang,habang papalapit kami ng papalapit sa isat isa,lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Hahahaha.Seryoso ka ba dyan?Dati kaya akong swimmer sa school namin,Para patas ang laban,pauunahin na kita sa paglangoy saka ako susunod._TOP.Hindi kami sa dagat magkakarera kundi sa pool.Maglalakad pa kami pabalik sa resthouse dahil nasa likod ang pool area.Agad kaming naglakad at nagshower muna sa shower area bago pumwesto sa starting line.

"Bawal ang mandaya ah!Baka mamaya maglakad ka lang papunta dun sa kabilang side eh.Mag stretching muna tayo bago natin simula ang karera okey?_AKO.Ganun kasi yung nakikita ko sa mga teledramas na pinapanuod ko kaya ginagaya ko lang.Ang kaibahan nga lang,magjowa yung madalas na nagkakarerahan.Parang kilig bonding moment nila yun.

Natatawang sumunod naman si TOP sa akin sa pag i stretching.Mabuti na lang at nauso ang rashguard,dahil kung hindi parehas kaming magkakailangan kapag parehas kaming naka twopiece ngayon.

"Sige na,Lumayo ka sa akin ng bahagya para fair ang laban.Umusod kapa ng kaunti.Ayan dyan then at the count of three sabay tayong lalangoy okey?_TOP. Saka sya nagbilang ng hanggang tatlo at saka kami nagpatuloy sa paglangoy.Tama nga,mabilis syang lumangoy pero hindi ako nagpatalo.
Nag swimming lesson yata ako nuong wala pa akong pinagkaka gastusan dati.Ayoko kasing lulubog lubog lang ako sa pool at dagat kapag nagkakayayaan kami mag outing.

"Hahahahaha.Ang bilis pala lumangoy ni DESS eh!Talo ka TOP!_Terry.
Nakita namin silang nakapanuod sa amin pagkaahon sa tubig.Medyo mainit na din kasi sa balat duon sa dagat kaya siguro naisipan nilang sumunod nalang din dito sa amin.

"Yeeessss!Panalo ako.hahahahhaa.Ano ka ngayon TOP,Sabi mo swimmer ka,wala ka pala eh!_AKO.Saka ko sila binelatan na parang bata.Tawa naman sa amin ng tawa sina Joyce at Terry.

"Nakachamba ka lang noh! Gusto mo isa pa,Iba namang pustahan?_TOP.Nasa mukha nya ang disapointment at gustong makabawi pero hindi na ko  pumayag.Mahirap na baka matalo pa ako.Napansin ko na naman si Helga na nakatingin sa amin at saka umalis ng makita kong nakatingin sya sa amin lalo na kay TOP.

"Pano ba yan TOP,isang araw ka palang alipin ni Dess...Kaya mo bang ipagluto si Dess tapos susubuan habang kumakain?hahahaha._Joyce.Inaasar nila si TOP na hindi naman makapaniwalang natalo ko sya.

"Wala naman akong choice kundi pagsilbihan ang mahal na prinsesa eh.
Naisahan ako dun eh,pinauna ko pa kasi sya ng ilang dipa tapos magaling pa pala sa akin lumangoy!Haaaaissst!_TOP.Saka kami parehas umahon na sa pool at saka nagshower muna bago kami bumalik sa resthouse.Nauna na sila GD at Sally na magshower at magbihis para daw tumulong sa pagluluto ng lunch kay Manang Hilda.

Nagsimula naman ang pang aalipin ko kay TOP habang pabalik na  kami sa bahay.Sinabihan ko kasi sya na paypayan nya ako habang naglalakad kami papasok sa loob at saka payungan.Tawa naman ng tawa sa amin sina Terry at Joyce habang lalo ko naman syang iniinis at dahan dahan lang ako sa paghakbang.






DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant