60.TOP

1.3K 46 0
                                    

We made love at the attic

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

We made love at the attic.Pinasadya ko talagang palagyan ng kwarto ang itaas kahit na hindi sya kalakihan.Ito yung pinaka itaas ng bahay kung saan mayroon syang maliit na balcony na makikita mo ang kabuuan ng THE mansion.At dahil parang castle inspired ang bahay,pupwede kang kumaway kaway duon sa balcony habang nakatingin ang mga taong nasasakupan mo.

Top,Halika ng bumaba.Hindi kaba papasok?Tanghali kana nyan._DESS.
After namin mag make love kagabi,Inabutan na kami ng pagsikat ng araw kinabukasan dito.Hindi na sya nakapasok sa trabaho nya at tumawag na lang kay Joyce para magpaalam.

"Hindi na din muna ako papasok Babe,Dito na lang muna tayo mag stay.
Tumawag na ko sa secretary ko para magpa deliver.Saka isa pa,hindi pa natin nabibisita yung kwarto natin at ng mga bata._AKO.Lumapit sya sa akin dito sa balcony at yumakap sa akin sa likod.

"Ang akala ko talaga ito na yung magiging room natin.Hindi pa pala...
Bakit mo naman naisip na magpalagay pa ng room dito sa tuktok.Ang dami namang room dun sa ibaba._Dess.Dahil nakayakap sya sa akin,ramdam ko yung mainit nyang paghinga sa tenga ko kaya may kakaibang sensasyon na naman akong nararamdaman.

"Iniisip ko kasi na baka kapag may mga anak na tayo,Mawawalan na tayong dalawa ng privacy.Kaya sabi ko dun sa architect ko,gumawa ng secret room na para sa atin lang na walang makakapansin at makaka alam._AKO.Kapag kasi nasa ibaba ka,hindi mo iisipin na may kwarto dito sa itaas dahil kahit yung balcony nya,puro salamin at wala kang makikitang tao sa loob.Pero kapag ikaw ang titingin mula sa itaas,buong subdivision ang matatanaw mo.

"Ang dami mo din talaga alam ano,Ibang klase ka talaga Boss Pamintuan,Ang lawak ng imahinasyon mo basta tungkol sa sikretong silid.
Kaya pala pati yung ipinagawa mong elevator,wala ding makapansin unless may makasunod sayo.Iba din talaga._Dess.Saka ako tumawa ng may kahulugan.Wala naman akong choice kundi ipaalam sa kanya na ipinasadya ko talaga ito para lang sa aming dalawa.

"Bumaba na muna tayo para makapag brunch babe,Andyan na daw yung pinadeliver ko.Lets go.Mamaya ko na sayo ipapakita yung room natin at saka ng mga baby natin._AKO.Mula sa elevator hanggang sa unang palapag na kaming dalawa dumiretso.Nasa ika tatlong floor kasi yung kwarto namin kaya hindi na kami duon dumaan muna kagabi at agad ko syang dineretso sa itaas.

"Alam mo,masyado mo kong sinususpense sa magiging room natin.Bakit ba kagabi,hindi mo pa ko dun kaagad dinala ha.Para tuloy natatakot na kong pumasok dun,hindi kaya merong mga posas at mga latigo dun sa room na ipinagawa mo?Yung parang sa FIFTY SHADES of GRAY ba yun?_Dess.
Saka ako biglang natawa sa sinabi nya.Muntik ko tuloy maibuga yung chicken na kinakain ko.Dahil brunch na din naman,medyo heavy ang inorder naming pagkain... May rice,friedchicken,steak,sinigang na baboy,inihaw na bangus at saka fruit salad ang mga nakahain sa mesa.

"Hahahahha.Pambira ka naman babe!Bakit mo naman naisip yun.
Sobra ka naman sa pa posas at latigo.Wag kang mag alala,Walang mga ganyan sa kwarto natin,mga baril,kutsilyo at mga bomba lang._AKO.
Isa mga nagustuhan ko kay Dess ang pagiging inosente nya.Wala din kaming masyadong boring moments together dahil sa pagiging palabiro at masayahin nya.

Malay ko ba,Kasi naman ang dami mong pa effect.Sinupresa mo na nga ako dito sa bahay mo,tapos may mga pa sikretong kwarto kapa.Hindi na ko magtataka kung ang itsura ng mga kwarto natin at ng mga magiging anak natin ay parang sa mga hari at reyna,prinsipe at prinsesa!_Dess.
Muli na naman akong ngumiti ng makahulugan sa kanya at saka sya biglang napa takip ng bibig nya.

"Ohhhh nooo!Tama ba ko,King and Queen inspired talaga yung magiging room natin babe? Hay,Excited na kong makita.Bilisan mo na kumain bilis!
_Dess.Para syang bata na hindi na makatulog sa surpresa sa reaksyon nya kaya tawa ko ng tawa sa kanya.

"Halika na nga.Ikaw talaga,Hindi ko alam kung mas matanda kaba talaga sa akin o mas matanda ako sayo.Para kang bata eh.Mas okey siguro kung mag anak na talaga tayo para may kalaro yung mga anak natin.hahahaha._AKO.Saka nya ako kinurot at iniwan mag isa sa lamesa.
Bago kami umakyat ay naghugas na muna kami ng kinainan namin.Ayaw kasi ni Dess na iiwanan lang namin sa sink yung mga pinagkainan namin.

"Woooow Babe,Its really beautiful! Its like a fairytale.Parang hindi sya totoo,Look at those designer wall carpet and this super softy couch and sofas.So pretty in white and light green combination._Dess.Malaking recieving area ang bubungad na may mga mamahaling painting na nakasabit sa paligid.Sa sumunod na pinto ang entertainment room(May mini theater at minidisco bar) at library naman sa left side,para sa gustong magbasa basa at opisina na din.Diretso pa ng kaunti sa paglalakad sa susunod pang pintuan at saka mo matatagpuan ang BEDROOM na may pagkalaki laking kama.

"Babe,Masyado bang maliit itong kama natin?Pwede ko pang papalitan kung naliliitan ka?_AKO.Gusto ko lang syang i tease dahil ito na talaga yung pinaka malaking kama na mula pa sa ITALY.Kahit si GD at Terry ay namangha sa laki ng kamang pina gawa ko.

"Bakit naman sobrang laki nitong kama na pinagawa mo Top?Kahit yata buong baranggay kakasya dito eh.Para namang madami tayong hihiga dito.Kaya naman pala,itong kama lang ang laman nitong isang buong room eh._Dess.Ipinakita ko din sa kanya ang wardrobe room na halos singlaki ng isang karaniwang room na dito sa bahay,Habang sa kabila naman ang shower room,Jakuzzi,bathtub at saka toilet.

"Mas okey na yang malaki para kapag gustong tumabi sa atin matulog ng mga anak natin pupwede.Kahit isama pa nila ang mga girlfriend nila sa pagtulog kasyang kasya.Btw babe,Parang naliliitan ako sa jakuzzi eh,
Gusto ko sanang mas malaki na parang pool size na._AKO.Sa pinaka dulo ng room namin ay may pintuan pababa ng pool area.Para kahit sa gabi at gusto naming maligo sa pool,dito na kami magmumula.

"Alam mo TOP,Sobra sobra na itong ipinagawa mong bahay para sa atin.As in,hindi na ko talaga makapagsalita sa sobrang saya at excitement na nararamdaman ko.Ganito ba talaga kayong mayayaman,As in bahay pa lang,halos hindi mo na mabilang kung gaano kadaming pera ang inilaan mo sa pagpapatayo.Nakakalula sa laki at sa garbo,Para lang akong nanunuod sa isang palabas._Dess.Ramdam ko si Dess,Alam kong nagugulat at namamangha pa sya sa mga nakikita nya ngayon.Pero lahat ng ito ay inilalaan ko para sa kanya at sa magiging pamilya naming dalawa.

Isang marubdob na halik sa labi lang ang isinagot ko sa kanya.Alam kong paunti unti,masasanay din sya sa magarbong pamumuhay na meron ako.
Kung ano man ang meron ako ngayon,Lahat iyun ay dahil sa mga magulang ko at sa pagsisikap ko.Kaya naman,hindi ko iyun ipagdadamot sa ina ng magiging mga anak ko.Unti unti...Masasanay din akong mayroon na akong katuwang sa buhay,Hindi ko pa alam kung kelan ko mararamdaman yung LOVE,PERO alam kong hindi na yun magtatagal.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now