6.DESS

2.3K 88 0
                                    




Medyo malalim na ang gabi pero nonstop pa din ang inuman at tugtugan sa reunion party.Pati naman din si Kelvin ay hindi ko mahagilap sa sobrang kabisihan.Halos lahat yata ng section ng batch namin nilapitan at kinausap kaya hindi pa din nakakabalik dito sa upuan.

"Hi Dess,Ang ganda ganda mo naman...Pwede ba kitang maisayaw?_Lasing na guy.Nasa lower section sya ng batch namin sa pagkakatanda ko kaya hindi ko sya masyadong kakilala sa pangalan.

"Sorry,Pagod na kasi tong paa ko kakasayaw kaya hindi na ko matayo.
Pasensya na._AKO.Saka ako luminga linga para hanapin si Kelvin.

"Suplada mo naman Dess.Porke ba wala akong kotse gaya ni Kelvin kaya ayaw mo kong pagbigyan sumayaw ha?_Guy.Napalakas na kasi ang boses nya kaya napatingin na sa amin yung iba pang ka batch namin.

"Hindi naman sa ganun,Pagod na lang kasi talaga ako.Madami namang iba dyan na pwedeng kasayaw.pasensya na._AKO.Napapansin ko na masama ang tingin nya sa akin lalo na sa bandang dibdib ko kaya medyo natakot ako.Naka off shoulder pa naman ako na gown kaya pansin na pansin ang may kalakihan kong hinaharap.

"Yabang mo.Kundi kapa saleslady lang.Pwe!_Yung guy.Saka sinagi yung bote dun sa mesa ko kaya natumba at nabasag.Nagsilapitan naman yung iba pa naming mga ka batch at inilayo na yung lasing na guy sa akin.

"Dess Nakpil,Sumama ka naman sa amin.Dito tayong magkaka section.
Bakit ba kasi mag iisa ka dyan?_Jing.Sya yung Salutatorian ng batch namin
Saka lang nila ako nilapitan nung umalis na yung lasing.

"Oo nga naman Dess,Wag mo ng antayin si Kelvin.Kasama si Rosita na lumabas ng venue,malamang nag alam mo na yung dalawa na yun._Lota.
Tsismosa ng section namin nuon.Na hanggang ngayon pala hindi pa din nagbabago.

"Hahahhaa.Grabe kayo kay Kelvin,Im sure hinatid lang yung tao dahil lasing na.Babalik din kaagad yun._Art.Gay na ka klase din namin pero dati at maingay pero ngayon mahinhin na.May jowa daw kasi syang pa min din na ayaw sa magaslaw na jowa.

"Pasensya na talaga guys,Mauuna na ako.Masakit na kasi talaga yung paa ko eh.Pakisabi na lang kay Kelvin kung sakali na nauna na ako umuwi.
Next time babawi ako sa inyo._AKO.
Saka ako paika ika na lumabas na ng venue mag isa.Medyo madilim pala sa lalakaran bago makarating ng hiway kaya tiniis kong maglakad ng dahan dahan at pautay utay.Saka naman may isang itim na kotse na tumapat sa akin at huminto.

"Ang lakas naman ng loob mong maglakad ng naka ganyan dito sa madilim na kalsada na toh Miss Nakpil?...Pamilyar yung boses nya pero hindi ko masyadong mamukhaan dahil madilim sa parte nya.

"TOP?...Ikaw nga ba yan TOP?...Bakit ka nandito,Anong ginagawa mo dito?_AKO.Hindi ako makapaniwala na andito si TOP ngayon sa harap ko.
Agad nyang binuksan yung pinto ng kotse nya at saka ako sinenyasan na sumakay.

"Sumakay kana kung ayaw mong mabastos kapa nung mga lalaking lasing na makakasalubong mo paglabas mo dito sa kalsada._TOP.Saka naman ako nagmadaling sumakay sa kotse nya.

"Papano mo nalaman tong Eskwelahan namin at saka bakit ka andito?_AKO.Ni wala kasi akong idea kung pano nya ko nasundan dito.
Saka ko napansin na mayroon ngang mga nag iinumang mga tambay sa gilid ng kalsada na dadaanan ko sana kung di ako nakasakay.

"Wala namang ibang SAN FABIAN High School dito sa Caloocan kaya hindi mahirap hanapin at puntahan.Isa pa,anong ginagawa ng WAYS?
Buti na lang pala naisipan kong daanan ka,Asan na ba yung nagsundo sayo at hinayaan kang maglakad magisa sa dilim ha?_TOP.Yung tono nya na parang galit pero may kasamang pang iinis.

"May hinatid din kasing lasing naming kaklase kaya umalis muna.Hindi ko na din naantay kasi ang sakit na talaga ng mga binti ko._AKO.Medyo malayo layo na din ang tinakbo ng sasakyan nya kaya komportable na ako sa pag upo.

"Loko din naman pala yang escort mo eh.Ikaw ang kasama tapos may inihatid pang iba.Im sure may milagro lang na ginawa yun kaya nawala bigla.hahahha._ TOP.Pareho sila ng iniisip ni Lota.Ganun nga kaya talaga ang ginawa nung dalawa?Pokpok pa naman ang bansag dun sa babaeng ka batch namin na yun nung high school.

"Ewan ko lang.Parang hindi naman ganun si Kelvin.Mabait lang talaga siguro sya kaya tinulungan nya lang yung mga need tulungan._AKO.
Teka nga lang,kanina ko la napapansin na panay ang pagtataray sa akin itong TOP na to eh.

"Sandali lang at bibili ako ng bandage sa drugs store,Wag ka ng bumaba ah.Baka mapa away pa ko mamaya nyan kapag bumaba ka._TOP.Saka nya inabot sa akin yung jacket na hinubad nya at saka sya nagmadaling pumasok sa botika.

Inabot nya sa akin yung isang hot choco,at saka isang pares ng bagong tsinelas,Tapos binuksan nya yung pinto ng kotse nya at saka ako inalalayan na ilabas ko yung paa ko para lagyan pala ng bandage yung paa ko na may sugat.Tapos pinasuot nya sa akin yung bagong bili nyang tsinelas.

"Komportable na ba yang mga paa mo kahit papano?Buti natiis mo yung hapdi nya kahit malaki na yung mga paltos nya?_TOP.This time,hindi na sya galit magsalita kaya hindi ko na din sya nagawang tarayan.

"Okey na ko,Salamat.Pasensya na din sa abala._AKO.Saka kami parehas ng di nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Goodnight and sweetdreams na lang Miss Nakpil.Hindi na ko papasok sa bahay nyo kasi gabi na din.Bye._TOP At saka mabilis nyang pinaharurot ang kotse nya pauwi sa bahay nya.

Hanggang ngayon,nagtataka pa din ako kung papano at sinong nagsabi sa kanya kung nasaan ako.At mas lalo akong nagtaka kung papano nyang nalaman pati ang bahay ko.Hindi kaya stalker ko sya?Bakit alam na alam nya lahat ng tungkol sa akin at sa pupuntahan ko?

Isang tawag ang lalong nagpagulat sa akin habang nakahiga na sa kama ko.Pagkatapos kong magsipilyo at maglinis ng mukha at katawan,Agad na akong humiga at nagjanda sa pagtulog.

"Hello,Sino toh?_Ako.Wala kasing name yung number na naka register sa fone kaya hindi ako sure kung sino ang tumatawag.

"Its me...TOP! Just in case lang na nag alala ka na baka hindi pa ko nakauwi,andito na ko sa bahay namin.About naman sa tanong mo kung papano ko nalaman kung saan yung venue ng reunion nyo,Tinanong ni GD kay SALLY.Tapos im sure nagtataka ka din kung papano ko nalaman yung bahay nyo,TINAWAGAN ni Terry si Joyce at saka nya idinitalye kung saan at papano ang papunta sa bahay nyo._TOP.

"E di ikaw na ang maparaan.Wala na akong itatanong pa kundi papano mo nalaman itong number ko?Siguro naman wala ka ng ibang palusot nyan.
_AKO.Saka ko biglang naalala kanina,hawak hawak nga pala nya yung fone ko habang nagsusuot ako ng tsinelas sa kotse nya.

"Hahahhha.Alam mo na kung pano yun im sure!Yung jacket ko nga pala pakilabhan nalang.favorite ko kasi yan.sige pahinga kana.Sweetdreams ulit._TOP.Saka ko ipinatong sa ibabaw ng drawer yung fone ko at pumikit na.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon