29.DESS

1.4K 60 3
                                    

Halos isang linggo na din mula ng magkasama sama kami nuon sa Isla pero hindi pa kami nagkikita ni TOP.Samantalang sina Sally at GD ay araw araw nagkikita dahil sinusundo sya ni GD dito sa mall tuwing uwian.
Habang si Terry naman ay pinayagan na ulit ni Joyce na dumalaw dalaw sa bahay nila pero pinagbabawalang magbitbit ng kung ano ano.

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo,Boyfriend mo ba?_Boses babae mula sa kotseng nakahinto sa harapan ko.Napangiti na sana ako pero napahinto ako bigla dahil si TOP ang inaakala kong nasa loob ng sasakyan pero hindi pala.


"Miss Zoey?_Yung regular costumer namin ngayon sa store.Napapansin ko kasi na napapadalas ang pagpunta punta nya sa boutique namin ngayong linggo na ito.

"Sakay kana,sa palagay ko mahihirapan kang makasakay ngayon dahil may rally ang mga jeepney driver at operator ngayon._Miss Zoey.
Agad nyang binuksan ang pinto ng kotse kaya wala na akong nagawa kundi sumakay na nga.

"Pero Ma'm nakakahiya naman po.Malayo dito at out of way na po ang bahay namin sa uuwian nyo._AKO.Nasa Makati din kasi ang bahay niya pero dito din sa Manila sya nag oopisina bilang Editor in chief ng isang fashion magazine.

"Okey lang yan,Hindi naman ako nag mamadaling umuwi.RD ko bukas.
Gusto mo bang kumain na muna or diretso kana pauwi sa inyo?_Zoey
Bigla ko tuloy naalala si TOP.Kapag hinahatid nya kasi ako sa bahay,hindi sya pumapayag na di kami kakain muna.

"Naku hindi na po Ma'm.Inaantay na din kasi ako sa bahay para sabay sabay kaming kakain.Pasensya na._AKO.
Hindi pa kasi ako komportableng kausap sya kaya sinabi ko na lang na sa bahay na lang namin ako kakain.

"Hahahha.Okey sa bahay nyo na lang kita ihahatid.Kaya lang di na ko makakapaghatid sayo sa loob ng bahay nyo kasi hindi ko pwedeng iwan itong kotse ko._Miss Zoey.
Mamahalin nga naman ang kotse nya at baka magasgasan.Saka mabuti na ding wag syang pumasok para hindi makita ng mga kapitbahay kong tsismosa.Lesbian kasi sya pumorma kaya parang hindi din ako sanay na makitang may ganung kasama.

"Ayos lang po ma'm.Kahit nga po sa edsa nyo na lang ako ibaba para hindi na kayo masyadong maabala._AKO.Iba kasi ang pakiramdam ko sa kanya, parang may gusto yata sya sa akin base sa mga titig nya.

"Wag mo na nga kasi akong mina ma'm hindi naman ako teacher.Sabi ko naman sayo na Zoey nalang ang itawag mo sa akin diba?Btw,Tama ba ako sa sinabi ko kanina na boyfriend mo yung iniisip mo habang nag aantay ka ng jeep?_Zoey
Para paraan din sya para sa usapang lovelife kami mapunta.Wala naman akong choice kundi sagutin ang mga tanong nya.

"Naku hindi.Wala naman akong boyfriend na iisipin._Sagot ko.
Maiksi lang para mahalata nyang hindi ko sya gustong kausap.

"Hahahhhaa.Hindi Boyfriend,Baka naman girlfriend? Hey, biro lang ha. Baka mapikon ka na.Pasensya kana kung masyado akong madaldal kahit hindi pa naman tayo ganun ka close,sa totoo lang kasi gusto ko sanang makipag kaibigan sayo._Zoey.
Sinasabi ko na nga ba sa ligawan din ito mapupunta.haaaist!

"Naku wala namang kaso yun.Basta nakikipag kaibigan sa akin hindi ko naman yun pwedeng tanggihan.Tungkol naman dun sa sinasabi mong iniiisip ko,meron nga pero about sa family ko yun hindi tungkol sa lovelife. Wala pa kasi sa plano ko yan._AKO.Para sa simula pa lang alam nya ng wala akong interes sa pagjojowa.

"Ganun ba,Sabagay kapag talaga magagandang gaya mo choosey yan pagdating sa lovelife.hahahha.Pero open ka naman ba sa pakikipag kaibigan sa mga kagaya ko,alam mo na...Lesbian?_Zoey.

"Wala namang kaso sa akin ang gender basta nakikipag kaibgan eh.Basta sincere at mabait okey sa akin.Pero friendship lang talaga ang kaya kong ibigay,more than than hindi siguro._AKO.LIAR!Kay TOP nga nagkakagusto kana eh,tapos aarte kapa dyan na walang chance ang tomboy sayo.Bulong ng utak ko.

"Ooouuuch naman!Parang prangkahan na ito.hahahahha.Pero honestly, buong akala ko open ka sa same sex dahil nuong una pa lang kitang nakita dun sa mall,sanay na sanay kang makipag usap sa akin._Zoey

"May mga kaibigan din kasi akong mga lesbian at mga may BF na lesbian kaya familiar ako sa kagaya mo.Kumbaga,sanay na ako na makipaghalubilo pero never pa akong nagkakajowa ng lesbian._AKO.
Malapit na kami sa bahay kaya sinabi ko na dito na lang ako sa kanto bababa.Tanaw na din naman ang bahay namin dito.

"Well,hindi naman ako kaagad agad sumusuko.Malay mo kapag binigyan moko ng chance,magkaroon ka na din ng jowang lesbian sa katauhan ko.
SO papano,See you nalang ulit next time.Sana after mong malaman ang confession ko ng feelings sayo...Hindi moko iwasan._Zoey.

"Hindi naman ako ganung klase ng tao.Pero mas mabuti na yung sa simula pa lang tinatapat na kita para hindi ka na umasa.Ang totoo nyan,meron talaga akong nagugustuhan pero kumplikado ang sitwasyon kaya hindi maaari._AKO.

"Then may chance pa din pala ako kahit 1% lang.Hayaan mong ipakita ko sayo kung papano magmahal at mag alaga ang isang lesbiang gaya ko.
_.Zoey.Ngumiti lang ako ng bahagya then bumaba na sa kotse nya. at saka nya pinaandar na ang kotse nya pagtapos.

Kung sakali mang makikipag relasyon ako sa isang tomboy,Mas pipiliin ko ng si TOP ang taong yun kahit pa sabihing babaero sya kaysa kay Zoey.

Unang una...mas kampante at may tiwala ako kay TOP kaysa sa kahit na sino pang lalaki o tomboy pa man na manligaw sa akin
Pangalawa...Kilala na sya ng pamilya at mga kaibigan ko kaya wala akong dapat ipag alala at ang
Pangatlo...Sa simula pa lang naman talaga na magkakilala kami,Attracted na ko sa kanya kahit di ko pa nuon alam na lesbian sya.

"Ate bakit ngayon ka lang...Kanina pa si Ate TOP dito ah.Sinusundo ka daw nya sa trabaho pero may iba daw na sumundo din sayo,sino naman yun?_Ding.Inabangan ako sa may terrace.Si TOP andito?Ibig sabihin nakita nya ako kanina na sumakay sa kotse ni Zoey? Agad akong pumanhik sa bahay para makapagpaliwanag kay TOP...Pero teka,bakit ko naman kailangang magpaliwanag,di ko naman sya Jowa ah...

"TOP,Kanina kapa ba?Bakit hindi pa kayo kumain na muna?Tita Sarah,Nakapagluto kana ba?_AKO.Sa totoo lang nataranta ako bigla pagkadinig ko pa lang sa pangalan ni TOP tapos eto pa sya ngayon kaharap ko na sya.

"Hey!Relax lang...Hindi pa naman ako nagugutom.Inantay ka muna talaga namin para sabay sabay tayong kumain._TOP.Napatitig tuloy ako sa maganda nyang mukha.Bakit ba naman kasi ganito ka babayface ng bruhang to.

"Naku,Ikaw na bata ka...Hala at magpalit kana muna ng damit bago kumain.Maghapon mo ng suot yang uniporme mo,baka ubuhin ka dahil sa natuyuan kana ng pawis._Tita Sarah.Agad naman akong pumasok sa kwarto para magpalit.

Pagkapalit ko ng damit,Nadatnan ko silang nakaupo na sa mesa at ako na lang ang inaantay.Napansin ko ding close na close na si TOP kay Lola dahil panay ang tawa ni lola sa mga corny jokes nya.May dala syang Happybee chicken joy at saka burger steak.Meron ding fries,sundae at saka spaghetti.Para kaming kumakain sa isang kiddie party sa dami ng dala nyang pagkain.

*Ikaw na may ari ng fastfoodchain* hehehehehe.😉😉😉

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now