5.TOP

2.6K 88 2
                                        

Kahit pagod at wala pang tulog mula sa pag byahe ko from Cebu with my parents,Agad akong nag shower at nagbihis para maka attend ng Anniversary ng CK MALL.Imbis na gown,suit ang napili kong isuot sa okasyon.Mas kumportable ako sa ganung suot kaysa ang magsuot ng gown.Hindi naman sya mukhang lesbian kapag tinignan,Uso na din naman kasi ang SUIT na tailormade para sa mga babae.

Nagmamadali akong maghanap ng space para sa dala kong kotse sa parking lot ng mapansin ko ang pasakay naman sa kotse na si Dess habang pinabuksan pa ng pinto ng isang lalaki.Napa angat ang kilay ko.May escort si Miss Nakpil sa party?Hindi naman ako kaagad makababa sa kotse habang hindi pa umaalis ang sasakyan dahil makikita nyang mamahaling kotse ang dala dala ko.Ilang minuto pa,bago ako nakalabas ng sasakyan.

"TOP,Were here!_Sigaw ni Terry na naka suot ng elegante at mamahaling red gown.Malakas kasi ang background music kaya hindi maiiwasang sumigaw para mapansin ka ng kausap mo.

"Hello po Tita,Congrats po and happy anniversary sa CK mall._Ako.Sabay beso sa mommy CK ni GD na nasa bungad ng mesa kaya sya kaagad ang unang nilapitan ko.Saka naman ako sunod na bumeso sa mommy ni Terry na si Tita Gina...

"Asan ang daddy at mommy mo iha?Hindi ba sila pupunta dito ngayon?_Daddy ni GD.Bumeso din ako sa kanya at kay Tito Leon na dad naman ni Terry.

"Padating na po iyun Tito,kasunod ko na din sila.Kagagaling lang po kasi namin ng CEBU today kaya ginabi kami ng dating._AKO.Saka ako kumaway naman kila GD at Terry na lumipat na sa isang table.

"Ganun ba,Siguradong padating na nga ang mga yun dahil malalim na ang gabi.
Namimiss ko na ang pagsa shot naming tatlo gaya nuong di pa kami masyadong mga busy sa negosyo._Tito Mandy.Saka tumawa at nakipag cheers kay Tito Leon.

"Kaya nga po,madalas nga po nya kayong kamustahin sa akin.Matagal tagal na nga daw po kayong di na nakakapag kwentuhan._AKO.Saka ako nagpaalam na dun na mauupo sa mesa nila GD at Terry.Medyo naiilang din ako kay Tito Leon dahil alam ko hindi sya masyadong komportable sa pag amin ko na lesbian ako.

"Sige iha,mag usap na kayo ng mga kaibigan mo.Kanina ka pa inaantay ng mga yan._Tito Leon.Saka naman dumating na sila mom and dad na magka akbay papasok ng venue.

"Look at Tita Ava...Ang bata ng itsura.Hindi mo aakalaing nasa fifties na.
Im sure magtatanung yan si mom sa doctor ni Tita.hahahha._Terry.
Nakatingin kasi silang dalawa sa mga mommies namin na nagbebesohan dahil kadarating lang ni mommy.Habang si Daddy naman ay agad na lumapit sa daddy ni GD at Terry at kumamay.

"Kakapa botox lang kasi ng Mommy last night.Alam mo na,walang paglagyan ng pera nya kaya puro sa pagpapaganda ang ginagawang libangan._AKO.Saka ako mabilis na uminum ng wine sa baso ko.

"Hey!Kakadating lang alak kaagad?Is there something wrong?Akala ko ba okey naman si Yaya Linda sa Cebu?_Terry.

"Okey lang naman ako ah,Nauhaw lang kaya napainum ng madami._AKO.
Saka ako tumanaw sa mga taong nasa loob ng venue.Mahirap na baka may mga staff at crew na makakita sa akin dito at malaman pa ang tunay na ako.

"May hinahanap kaba?...Sorry ka nalang dahil umuwi na kanina pa.
_Terry.Saka tumingin kay GD at saka sila nag toast dun sa wine glass nila.

"Sino naman yung umuwi na?Baka may sumundo.Ang dami namang iba dyang magaganda,pwede kayong makakita ng mas magaganda pa._AKO.
Saka ako lumingon lingon at naghanap ng pwedeng mai takehome mamaya.

"Tado,gagaya mo pa kami sayong palikero!Wala ng gaganda pa kay Joyce kaya sorry nalang sila.Loyal yata toh!_Terry saka muling linagok yung baso nya.

"Hahahhaha.Para kang ewan Terry!Kapag narinig ka ng nanay at tatay mo lagot ka na naman.Para namang aagawan ka sa Joyce mo kung maka angkin ka.Di ka pa nga makapag tapat eh!_GD.Saka umapir sa akin.

"Sinabi mo pa!Ang galing din nyan magpaka OA eh...Tamang inlove pero torpe naman.Alam mo kasi TERRY,bago ka pumasok sa isang relasyong gaya ng sa akin,Siguraduhin mo na muna na kaya mo na.At dapat kaya mo syang mapanindigan kahit na anu pa ang mangyari._AKO.Base kasi sa experience ko as a lover,madami dami na din akong relasyong nilagpasan.
Kaya masasabi ko na hindi ganun kadali kapag pumasok kana sa isang relasyon.

"Oo na.Alam ko naman yun.Kaya nga hindi na muna ako masyado naglalalapit kay Joyce until hindi pa kami okey nila ermat.Baka mamaya pati sya madamay pa sa inis sa akin ng daddy at pati sya isabit kahit wala syang kamalay malay._Terry.Bigla naman akong naawa kay Terry.Iba kasi ang ugali ng parents nya,Tapos iisang anak lang sya.Kaya ganun nalang sila ka over protective sa kanya.

"Hey,Cheer up!Para naman tayong mga naluging bakla nyan eh.Mas okey na din na hiwalay ang personal life natin sa problema ng pamilya natin para walang nadadamay.Saka na tayo magpaka loko sa pag ibig kapag may mga maipagmamalaki na talaga tayo sa parents natin._GD. Malaki laki na din ang pinagbago ng dati ay tatamad tamad na si Dane sa ngayon.

"Hahahha.Tama! Enjoy lang muna sa life habang bata.Anyways,maiba ako.
Sino yung guy na sumundo kay DESS kamo kanina ha Terry?_AKO.Hiidi na ko nakatiis kaya tinanong ko na.Di din kasi ako mapakali eh.

"Ayan tayo eh!Kunwari walang paki pero gusto din pala malaman.hahaha.
Classmate daw nga nung High School,meron daw yatang reunion yung batch nila kaya umalis na sila kaagad._Terry.Napasulyap ako kay GD na relax na relax lang kasi nasa bahay na si SALLY.

"Ahhh,Classmate pala.Okey.Bakit ikaw,di mo sinamahan si Joyce magbantay sa nanay nya sa hospital nyo?Di ka makatakas sa nanay mo noh?hahahhha._AKO.Dinadaan ko lang sa biro pero bakit ba bigla akong nag alala kay Dess ng di ko malaman.

"Lielow na muna,Mahirap ng malaman nila mommy,Baka mapa alis pa ng di oras yung mag ina dun kapag nabalitaan nilang palagi akong nag i stay dun._Terry.Saka lumingon sa mommy nya na masayang nakikipag kwentuhan kila mommy.

"Look at Tito Leon,Tawa ng tawa sa mga korny jokes ni Dad.Im sure wala namang bagong joke ang daddy,puro luma na pero bentang benta pa din sa mga daddy nyo.Palibhasa kasi,PURO mga negosyante lang ang madalas nakakausap ng mga tatay nyo kaya sabik din sila sa nakakatawang kwento._AKO. Cool parents kasi ang dad and mom ko.Kahit busy sila sa negosyon,mahilig pa din sila umattend ng mga gathering para sa mga couples.

"Alam mo sana mahawa ng kaunti yang mommy ko sa mommy mo TOP.Sana magpaganda at mag relax relax na lang din sya paminsan minsan at hindi yung puro negosyo at ako ang inaatupag nilang dalawa._Terry.

Loko ka pala eh,Papano makakapagrelax relax yang parents mo e ayaw mo tulungan!Sayo din naman mapupunta lahat ng kayamanan nyo kaya dapat ngayon pa lang pinag aaralan mo na._GD.Saka ako napatingin kay Terry.Tama ba ko sa nadinig ko,Si GD nga ba itong kaharap namin ngayon

Tahimik namang nag isip isip lang si Terry.Mukhang tinamaan ang loko.
Kahit pati ako tuloy napa isip.Pero maya maya din,naalala ko na naman si Dess kaya hindi na naman ako mapakali.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now