31.TOP

1.4K 66 2
                                    

Sinundo ko si Kuya Tom sa airport at saka kami dumiretso sa Terry's para maglunch.Eksakto namang nandun sina Tita Gina at Tito Leon...ang parents ni Terry kaya sinamahan nila kami sa mesa at nakipag kwentuhan.

"Kamusta naman pala yung nalalapit na kasal mo TOP,Handa ka na bang mag asawa?_Tito Leon
Hindi ko alam kung papano ko sila kakausapin.Pwede kasing mas kakampi sila sa parents ko kaysa sa akin.

"Actually tito,Kaya din ako nandito ngayon para pakiusapan ang parents ko na wag ng ituloy ang binabalak nila._Kuya Tom.Napatingin ako kay Kuya.Parang gusto kong maiyak,kakampi ko talaga sya.

"Uhmm,Mabuti pa nga.Kasi naman bakit ba nakipagkasundo pa yang si Vic dun kay San jose.Hindi naman talaga maganda ang background ng pamilyang yun kahit nuon pa._Tito Leon.So pati pala sina tito kakampi ko

"Kaya nga po tito eh.Syanga po pala,kamusta naman si Terry...Sya ba wala pa ding boyfriend hanggang ngayon?_Kuya Tom.Hindi pa nga pala alam ni kuya na umamin na din si Terry na lesbian sya.

"Naku isa pa din yan sa pinoproblema ko.Napakahirap talagang intindihin ang mga bata ngayon,pabago bago ng desisyon.Alam mo bang ayon sa source ko,Isang saleslady ang kinahuhumalingan ngayon...Im sure alam mo ang tinutukoy ko TOP hindi ba?_Tita Gina. Si Joyce ang tinutukpy nila for sure.Ibig sabihin,aware sila sa lovelife ni Terry kahit pilit yung itinatago sa kanila ni Terry si Joyce.

"Wait lang,Tama ba ako ng dinig?Saleslady as in girl na din ang preferrence ni Terry ngayon?Wooohh.Huli na pala ako sa balita!_Kuya
Sinipa ko naman sya sa paa para wag ng mag elaborate pa.Ako pa naman ang sinasabi nilang bad influence sa anak nila kaya naging lesbian.

"Ano pa nga bang magagawa namin kung dun sya magiging masaya diba.
Kaya lang wag naman sana sa  hindi natin ka level sya mahumaling.
Para saan pa at nagpapakahirap kami sa pagtatrabaho para sa maganda nyang kinabukasan kung sa isang karaniwang saleslady lang sya babagsak._Tita Gina.Ayan na nga,nagkalabasan na ng saloobin.
Pero bago pa sila mag tanong ng magtanong sa akin,Palihim ko ng chinat si kuya na umalis na kami dun.

"Hahahahha.Tita talaga.Anyways,magpapa alam na po kami.Nagtxt na si mommy na inaantay nya na daw kami ni TOP.Pagkakataon ko na din para makiusap.Sige po,salamat sa masarap na food._Kuya.Saka kami sabay ng tumayo paalis.

"Goodluck sa pagpapa alam nyo.Sana nga'y maliwanagan na yang tatay nyo.Ayos lang naman ipakasal,basta sa magandang pamilya sana at hindi kay Crazy girl.hahahaha._Tito Leon.Natawa kaming lahat sa sinabi nya. Marahil ay ikwinento na din sa kanila ni Terry ang kabaliwang pinag gagagawa ni Leslie kaya aware sila.

"Hindi na ako pwedeng umurong pa.Pormal na kaming nakapag usap at naka set na ang lahat.Wala ng urungan pa.Kahit na anong sabihin nyo, Hindi na tayo pwedeng umatras._Daddy.Magkakaharap na kami ngayon at si Kuya Tom ang nagbukas ng usapan.

"Pero dad,Alam mo ba ang family background ng ipapakasal mo sa kapatid ko? Pamilya sila ng mga warfreak.Mga nagwawala kapag may mga komokontra at kumakalaban sa kanila,gusto mo bang pati anak mo madamay sa pamilyang yun?_Kuya Tom.Kay mom sya mas nakatingin.
Mas madali kasing paliwanagan ang mom kaysa kanya.

"Mga kwentong barbero lang at walang basehan lahat yan.
Paninira sa negosyo nila ng mga kalaban.Para namang di mo alam ang kalakaran sa negosyo,kanya kanyang siraan para lang sila ang sumikat.
Bago ako nakipagkasundo sa kanila,pina background check ko na muna sila at wala silang bad record kahit pa sa kapulisan._Daddy.Talagang desidido syang ipakasal ako kay Leslie.

"Oo nga naman anak,Hindi naman sympre papayagan ng daddy mo na maging kapamilya natin ang mga sanggano at mga may masasamang reputasyon sa lipunan,Sa pakikipag usap naman namin sa kanila ng daddy nyo,Maganda naman silang kausap at masunurin namang bata si Leslie._Mommy.Parang nawawalan na ako ng pag asa talaga base sa mga sinabi nila parehas tungkol sa pamilyang yun.

"But Mom,Dad...As I told you before...I CAN'T! Hindi ko talaga kayang magpakasal sa babaeng yun.Mas mabuti pang tanggalan nyo na lang ako ng mana or ipatapon sa Afghanistan kaysa pakasal sa babaeng lukaret na yun!_AKO.

"At saka daddy,Unfair naman yun sa totoong girlfriend ni bunso.
Matagal na syang nagtitiis na itinatago lang sya ni Top sa publiko tapos basta basta nalang syang ibabasura?Isipin nyo din naman yung mararamdaman nung tao hindi ba?_Kuya TOm.Saka ako napatingin sa kanya.Ako may tinatagong gf?Sumenyas naman sa akin si Kuya na back apan ko sya.

"Yeah,That's right Kuya.Unfair talaga.At saka sabi ko naman sa inyo mom dad...Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko.Kaya kapag ipinilit nyo pang ipakasal ako sa Leslie na yun,Mapipilitan akong ilipad ang GF ko sa CANADA at magpapakasal kami dun ng di nyo nalalaman._AKO.

"Hindi ako naniniwala!Kalokohan yang may mahal kang iba.Alam na alam natin pare pareho na puro fling lang at hindi ka pa talaga nagkakaroon ng seryosong relasyon dahil dyan sa pagiging babaero mo.Kaya wag na wag kayong mag imbento na na may itinatago kang karelasyon!_Daddy.
Ouuuch naman,pagdiinan pang babaero ako.San pa ba ko magmamana?

"Tama!At saka kung talagang may gf kang siniseryoso,bakit hindi ko pa sya nakikita?Kahit mga picture nung  investigator na kinuha ko,wala naman syang pinapadalang may babae kang kasa kasama._Mommy.
Haaaist!Di lumabas din ang totoo,ang tanda tanda ko na may mga bantay pa din ako kahit san ako magpunta.

"Actually mom,nakita mo na sya at nakilala.Hindi nga lang pormal na ipinakilala ko pero nag met na kayo ng GF ko.Kapag kasi lumalabas kami, as a group kaya di mo talaga makikita na kami lang dalawa.Pero since ngayong nalaman nyo na naman,IPAKIKILALA ko na din sya sa inyo soon.
_Ako.Nasa isip ko si Dess habang sinasabi ko ang lahat ng kwento kong gawa gawa ko lang.Wala na kasi talaga akong choice.

"Good idea!Dalhin mo sya sa Anniversary ng KwinTOP sa sunday para makilala na din namin sya.Right Mom and Dad? Payag ba kayong ipakilala na ng pormal ni Bunso sa lahat ang totoong GF nya?_Kuya Tom.
Kumindat sya sa akin at saka kami parehong nag aantay sa sagot nila Mom and Dad.

"Kung parehas naming magustuhan ng Mommy mo yang babaeng ipakikilala mo,Ako na mismo ang puputol sa kasunduan namin ng tatay ni Leslie.Pero kapag hindi ko sya gusto at ayawan din sya ng mommy mo, Wala kang magagawa kundi kay LESLIE magpakasal sa ayaw at sa gusto mo._Daddy. Nagkatinginan  naman kami ni Kuya.Kinabahan naman ako bigla sa naging kasunduan namin ng daddy.

Papano kung hindi nila magustuhan si Dess?Papano kung ayawan nila lalo pa kapag nalaman nilang karaniwang pamilya at isang saleslady si Dess?
Pero ang mas higit na kinababahala ko...Papano kung hindi pumayag si Dess na pumapel bilang kunwaring GF ko?

*tentenenenten tenten! Ang dami namang PAPANO NYAN...Subukan mo kc muna kaya syang tanungin noh!hehehhe😜😜😜








DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon