7.TOP

2.2K 83 1
                                    

Trishia Oliveros Pamintuan. Youngest daughter of PATTY(AVA) OLIVEROS PAMINTUAN AND VIC ORTEGA PAMINTUAN,KWINTOP SUPERMARKET OWNER AND FOUNDER.

I have an older brother name TOMMY OLIVEROS PAMINTUAN na isang sundalo sa Canada.Ang asawa nyang doktora na si Mildred ang nagdala sa kanya duon,hanggang sa nagdecide sila na dun na din manirahan at bumuo ng pamilya.May tatlo na silang mga anak na puro lalaki.

Regular naman syang nakakatanggap ng share sa kinikita ng sampung branches ng KWINTOP.Dahil sa sipag at matyagang pagtutok nila mom and dad sa negosyo,kaya naman lalong umuunlad ang negosyo ng pamilya.At sa tulong din ng perang natatanggap ko mula sa share ko sa Kwintop nakapagpatayo ako ng dalawang na sangay ng HAPPYBEE na napalago ko naman kaya nasa ika apat na branch na ako ngayon.

"Trishia,Ano itong nababalitaan ko na may bago ka na naman daw biniling apartment sa Cavite?Lahat na lang ba ng location na meron yang negosyo mo,may binabahay kang babae ha?_Mommy. Over dinner kami nag usap habang inaantay namin si Dad na may kausap pa daw sa fone.

"MOM,Porke ba bumili ng apartment may ibinabahay ng babae agad?Ang exagg naman nung Investigator na hinired nyo.May maibalita lang kahit mali.Ofcourse i need to buy an apartment near my location.Madalas akong mag OT sa work,alangan namang from Cavite,uuwi pa ako ng Makati or Alabang?_AKO.Na totoo naman.Pero totoo din namang may mga babae akong dinadala dun pero paminsan minsan na lang yun.

"Trishia,Kelan kaba titinong bata ka?Bili ka ng bili ng mga apartment pero hindi mo naman talaga nagagamit ang mga yun.Sayang lang.Bakit hindi mo paupahan para may pakinabang ka naman.May condo kana,may limang apartment kapa.Lahat pa yun brand new house,pati mga kasangkapan._Mommy.The way I see mom,Para ngang stress talaga sya sa akin sa mga pinag gagagawa kong kalokohan.Lalo pa kapag nalaman nyang may mga bahay at lote din ako sa Canada,Australia at Hawaii kung saan ako nag stay nuon.

"Ava,Pabayaan mo na yang anak natin.Malaki na yan.Sa dami ng branch na inaasikaso nya,Natural lang yung paminsan minsang may napaglilibangan.Mabuti nga at mabubuting barkada ang nasamahan kaya hindi pasaway eh._Daddy.Kadarating lang at sumabay na sa amin sa pagkain.My dad is a cool dad.Kaya naman si mom din,hindi sila ganun ka strict sa akin pero may mga bodyguards pa din naman ako na sa malayo nga lang nakatanaw.

"Kaya lumaking rebelde yang anak mo at ayaw ihandle ang negosyo natin dahil kinukunsinti mo!Sampung KWINTOP ang inaasikaso nating dalawa,Pero yang dalawang anak mo,Walang kainte interes sa negosyo natin.Papano na lang in the near future?_Mommy.

"Mommy naman,kalma lang.Look at your face,nagkakaroon na ng wrinkles yang nuo mo.Wag kang mag alala,mag aasawa ako ng magaling sa sales at ma PR like you para sya ang bahalang tumulong sa inyo._AKO.
Sympre nagbibiro lang ako,para lang gumaan ang atmosphere.

"That's why pinatawag ka namin ng mommy mo.Sayo na din nang galing na dapat ang mapangasawa mo ay magaling sa PR at Sales kaya naman ganun na nga ang hinanap namin para sayo._Daddy.Saka ako napahinto sa pagsubo sa pagkain.

"What do you mean pinahanap?Dont tell me dad,para ka ng si Tito Mandy na sinupresang magdala ng fiancee para kay GD nung birthday nya?hahaha._AKO.Tinawanan ko na lang pero kinakabahan pa din ako.

"Parang ganun na nga.Pero hindi ito surpresa dahil sinabi ko na sayo kaagad._Daddy.Saka ako napalingon kay Mommy na di tumitingin sa akin.

"Dad!Anong kalokohan naman yan.Alam nyo namang kahit na anong mangyari,hindi ako papayag sa ganyang pakulo nyo.Kahit pa anong gawin nyo sa akin!_AKO.This time seryoso na talaga ako.

"Anak naman,Wag kang sumigaw.Na i stress ako sa inyong mag ama eh.
Pakinggan mo na muna ang tatay mo bago ka mag react ng ganyan._Mommy.

"Ikaw na bata ka,Hindi kita pinalaki na suwail alam mo yan.Lahat ng gusto mo,ibinibigay namin ng nanay mo.Kahit yang pag amin mo tungkol dyan sa kasarian mo.Pero mahalagang maisaayos namin ng mommy mo ang future mo kaya ginagawa namin ito para din sayo._Daddy.

"Pero dad,Hindi nyo naman ako kailangang alalahanin.I can handle my self.May sarili akong negosyo at sariling pera na kahit hindi nyo na ako pamanahan,mabubuhay pa din ako sa karangyaan in the near future._AKO.Totoo naman yun.Mula kasi ng lumago ang negosyo ko,Lahat ng shares ko sa Kwintop,Naka save na lang sa bangko at hindi ko na ginalaw pa.Ang kinikita ng Happybee ang syang patuloy kong pinapaikot at pinapalago kasama na duon ang gastos at mga luho ko.

"At saan naman namin ibibigay ang KwinTop kapag wala na kami?
Natural na paghahatian nyo yun ng kapatid mo.Kaya sa ayaw at sa gusto mo,kakailanganin mo ng katuwang sa pagpapatakbo nito.Kaya naman hindi na kami nagdalawang isip ng mommy mo na ipakasal ka kay LESLIE._Daddy.Saka ako napakunot ang nuo sa sinabi nya.Tama ba ako, Leslie?As in girl ang napili ng dad na ipakasal sa akin?

"Teka teka lang dad,Tama ba ko ng dinig?As in LESLIE na babae ang gusto nyong ipakasal sa akin,tama ba?_AKO.

"Yes anak.Ang sabi mo sa amin ng daddy mo nuon,Masaya ka sa kung ano ka,kaya sana tanggapin ka namin sa naging desisyon mo bilang isang Lesbian.Kami naman ng daddy mo,Kahit masakit na malamang pusong lalaki ka...Dahil anak ka namin,Nararapat lang na tanggapin ka namin ng buong puso sa kung anong magpapaligaya sayo._Mommy.Yung mangiyak ngiyak pa sya habang nagsasalita.Kaya pati ako na touch naman sa sinabi nyang tanggap na pala talaga nila ako ni daddy.

"Kaya naman,Imbis na lalaki ang hanapin namin para sayo...Babae ang pinili namin para pakasalan mo.Kilala din sa Business world ang mga magulang ni LESLIE,Nagtapos sya ng MA sa Boston at ang parents nya ang may ari ng Leslie Philippines(kumpanya ng kape,juice at iba pang inumin)
_Daddy.

"Pero Dad,Aware ba ang pamilya nya na babae din ang pakakasalan nya?
At saka how about her,imposible namang wala syang boyfriend or kahit manliligaw man lang na lalaki na nagugustuhan kaya sya papayag na babae din ang ipakasal sa kanya._AKO.Yung wala kang maisip na ikatwiran kaya puro ka na lang tanong.

"Napag usapan na namin yan ng pamilya nya.Nasabi ko na din na lesbian ka,At hindi yun naging malaking issue sa kanila.Laking America si Leslie kaya aware sya sa mga ganyang relasyon.May mga kabarkada din syang lesbian at mga babae na straight na nagpakasal na din._Daddy.

"Maganda at mabait na bata si Leslie anak.Masunurin sya sa mga magulang nya,kaya nung sinabi ng magulang nya na magpakasal sya kahit pa sa lesbian,Wala naman daw kaso sa kanya kung pareho kayong babae.
_Mommy.Parang bigla tuloy akong na curious dun sa Leslie na yun.Anong klaseng pagkatao meron sya at basta na lang syang papayag magpakasal kahit na sa kapwa nya babae pa para lang sundin ang mga magulang nya.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon