10.TOP

2.1K 80 1
                                    

Kahit medyo madilim at hindi naman revealing ang suot na damit ni DESS
ay kapansin pansin pa din sya.Standout ang beauty nya at idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nya.

"Babe,May problema ba tayo?Mukhang may pinag uusapan tayong seryoso ah!_AKO.
Mula kasi sa dance floor,natanaw ko ang isang lalaki na papalapit sa mesa kung saan mag isa lang na nag iinum si Dess.

"Hah?Ahhh,Meron lang itinatanong si kuya.Pasensya na kuya,may mga kasama din kasi ako._Dess.Sa pagkaka akbay ko sa kanya,ramdam ko ang bahagyang panginginig nya.

"Pasensya na,Akala ko kasi mag isa ka lang.Sige babalik na ko sa mesa namin nung mga kasamahan ko._Guy.Grupo sila ng mga may mga asawa na pero gumimik pa para maka hook ng mga babae.

"Bakit naman kasi gusto mong nag iisa ka.Tapos ganyan pa ang suot mo.
_AKO.Hinubad ko ang suot kong blazer at ipinatong ko sa balikat nya.
Hindi talaga sya aware na kahit hindi naman malaswa ang suot nya, mapapansin pa din ang magandang tindig ng hinaharap nya.

"Bakit ba,Anong masama sa suot ko?Desente naman ah.Di naman ako kagaya nung kalampungan mong ai bisugo na halos kulang na lang maghubad na sa sobrang iksi at sikip ng suot._Dess.Inayos pa din naman nya ang pagkakasuot sa blazer kahit umaangal sya.

"Hindi nga kasi maiiwasang pagtinginan ka kasi..Haaaist!
Ewan.Bahala ka na nga.Kung ayaw mo magsayaw,kahit tumayo ka lang dun sa dance floor.Wag kang mag iisa lang dahil lalapitan at lalapitan ka nila talaga!_AKO.Saka ako naglakad mag isa papunta sa mga kasama namin.
Naramdaman ko namang sumunod sya at nag enjoy kaming lahat sa pagsasayawan.

"Sorry guys,Need ko ng mauna.May emergency lang dun sa site ko.
Pasensya na._Nixx.Isa kasi syang engineer at may kontrata syang hinahawakan ngayon.Anytime na may problema sa site obligado syang icheck

"Magingat ka couz.Kita kita nalang next time.Yung number ni Miyata nakuha mo na ba?_Aycee.Tumango naman si Miyata sa kanya at saka ngumiti si Nixx.

"So papano ba yan guys,kanya kanyang uwian na din.Lumalamim na masyado ang gabi.May mga pasok pa yung iba bukas._AKO.
Actually,gusto ko na din makawala dito kay bisugo i mean kay Valleen pala.
Hindi ko gusto yung pagiging aggressive nya.Para syang babaeng pakawala.
Sa lahat pa naman ng ayaw ko yung walang ka class class na babae.

"Olryt.Mabuti pa nga.Syangapala TOP,Pakihatid na lang sina Miyata at Dess sa kanila,sa akin matutulog si Jane tonight eh._Aycee.Inexpect ko na din na ganun nga ang mangyayari.

"Naku okey lang naman kami.Kahit hindi na ihatid.Magtataxi na lang kami.Makaka abala pa kami sa ibang tao,nakakahiya naman._Dess.
Tumango naman si Miyata sa kanya.

"No,Its okey!Ihahatid ko na kayo.Si valleen nalang ang magtataxi.
Dun din naman ang ruta ko pauwi eh._AKO.
Mas okey ng sila ang ihatid ko kaysa sumama pa sa akin itong si Bisugo.
Teka,bakit nga ba bisugo ang tawag ni Dess sa kanya kaya pati ako yun na din ang tawag sa kanya.

"TOP naman eh...Akala ko pa naman isasama moko sa condo mo.
Pinaghandaan ko pa naman tong gabi na ito._Bisugo.Sinamahan na muna namin kasi syang mag abang ng taxi bago kami sumakay sa kotse.

"Sorry kasi nagtext yung barkada ko na may kasama din sya dun sa condo ngayon.Sige,ingat na lang._AKO.Saka ko sya halos itulak sa loob ng sasakyan para maka alis na.

"Dess,Top...Ako din baka hindi na muna makasabay sa inyo.
May nagtext kasi sa akin._Miyata.Saka ko napansin na nasa kabilang lane yung kotse ni NIXX.Napangiti na lang ako ng lihim.Ibang klase din talaga itong pinsan ko pagdating sa chiqs

"Sino naman yang nagtext sayo ha?Gabing gabi na kaya.Hindi kaba haha napin sa inyo?Baka naman ako ang mapagalitan ng mga nanay nyo ni Jane kapag nalaman nilang hindi tayo magkakasabay pag uwi._Dess.Napailing naman ako.
Kahit kelan talaga si Dess,Napaka NAIVE.Walang alam sa mundo.

"Hahahha.Ang manang mo talaga!Ang tatanda na ng mga yan noh.
Okey lang Miya,Ako na ang bahala dito sa kaibigan mo.Enjoy na lang ha.
Sabihin mo dun sa nagtext sayo,yung utang nya sa akin bayaran nya na._AKO.Bahagya namang nagblush si Miya.Nahiya sya na alam ko kaagad kung sino ang makakasama nya ngayon.

"Haaaaist!Naparami siguro ako sa ininum ko.Parang umiikot ang paligid ko eh.Pwede bang wag na muna tayong umuwi?Baka kasi pagalitan ako nila lola at tita kapag umuwi akong lasing na lasing eh._Dess.
Katabi ko sya sa front seat at para syang sira na pinagpipindot yung car stereo ko na nasa harap nya.

"Bakit ba kasi ang hilig mong uminum tapos hindi mo naman pala kaya?
Look at your self,Para kang crazy frog kapag nalalsing ka.hahaha.
_AKO.Natutuwa kasi ako sa itsura nya.Gulo gulo yung buhok nya tapos nakalabas ng bahagya yung dila nya habang kung ano ano ang kinakalkal sa harap ng kotse ko.

"Heeey!Makatawa ka dyan wagas!Wag ka ngang magulo.Naghahanap ako ng magandang song.Mas masarap mag drive kapag may malakas na sounds sa sasakyan.Parang yung sa napapanuod ko sa mga hollywood movies,Tumatayo tayo pa si girl dun sa sasakyan tapos sumisigaw._Dess.
Nang makahanap sya ng magandang kanta,itinodo nya yung volume nung sound system at saka iginalaw galaw ang ulo nya.

"Hindi pwede dito yang malakas ang sounds mo.Baka mahuli tayo ng mga pulis.Parehas pa naman tayong nakainum.Meron akong alam na lugar na pwede nating pagtambayan.Kahit magsisigaw at magpatugtog ka dun ng malakas,walang sisita at makakakita sayo._AKO.Hininaan nya naman kaagad yung volume ng pinapatugtog nya.

"Talaga?Meron bang ganung lugar?Sa crowded at sikip ng kamaynilaan, wala na yatang space dito na pwede kang magsisigaw at magsayaw ng magsayaw na wala kang magagambalang tao._Dess.Huminto na muna kami sa convinience store at bumili ako ng kape para sa kanya.
Habang beer in can naman ang binili ko para sa akin.

"Sa susunod,Hihiramin natin yung kotse nung pinsan ko para magawa mo yung sinasabi mong pang hollywood na pagtayo sa sasakyan at sisigaw ka kamo ng LIFE IS SO BEAUTIFUL! Hindi kasi convertible itong sasakyan ko at mahina din ang sound system kaya hindi ka mag eenjoy sa pagsakay.
_AKO.Nakarating din kami di Dess sa sinasabi ko sa kanyang lugar na pwede nyang gawin lahat.

RANCHO Katarina

Ito ang kabilang side ng Ranch nila Terry.Sa kabilang way ka daraan kapag sa park ka pupunta.Dito naman sa pinuntahan namin,mga punong pare pareho ang laki at maalikabok na daanan ang makakasagupa mo.

"Woooooow!Ang ganda naman dito.Meron pa nga pala talaga dito sa Metro Manilang paraiso anoh?_Dess.Salamat sa kape at medyo nahimasmasan na sya.

Overlooking sa mga nagtataasang mga building,Maliwanag na buwan at mga bituin sa langit,
At isang malakas na tugtugan mula sa sasakyan...Idagdag mo pa ang almost perfect na figure ni
Dess na parang batang nagsasayaw habang paikot ikot na nakatingala sa langit...Wala ka ng hahanapin pa.Tonight is indeed one of the most precious day of my life.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now