Next week na daw gaganapin ang Anibersaryo ng KWINTOP at kailangan daw akong umattend sa party.Uuwi din si Kuya sa makalawa mula sa Canada para dumalo kaya wala akong choice kundi ang magpakita sa okasyon.Isa pa,namimiss ko na din si kuya at gusto ko din syang maka usap tungkol sa planong kasalan na yan.
"Cuz,Kamusta naman kayo ni Dess?Balita ko magkasama daw kayo nuon sa Zambales ah!_Nixx.Nasa lahi na nga siguro namin ang pagiging lesbian dahil kahit maganda din itong si Nixx,mas gusto nya ng babaeng karelasyon kaysa guy.
"Actually after that vacation trip hindi na kami nagkita pa ulit.Wala na din akong balita sa kanya.How about you and Miyata,Kayo na ba?_AKO.
Nakabalik na ulit ng Japan si Miya pero pupusta ako na madami ng naganap sa kanila ni Nixx kaya nasisiguro kong sa relasyon din sila mapupunta gaya nila Jane at Cuz Aycee."Hahahahha.Hindi pa kami.Ayoko ng LDR eh!Pero malay natin kapag namiss ko sya,bigla ko na lang syang sunduin dun sa Japan._Nixx. Unlike me na maiksi ang buhok,si Nixx yung tipo ng lesbian na hindi halata.Para syang si Terry nuon na hindi mo aakalaing pusong lalaki pala dahil mahilig mag make up at magbestida.
"Mabuti kapa,wala kang problema sa pamilya nyo.Hindi kagaya ko...Ang tingin at akala ng lahat,Im free as a bird pero deep inside me,Im broken.
Bakit ba kasi hindi nalang ako hayaan nila mom and dad na magdesisyon para sa sarili ko._AKO.Napasipa tuloy ako sa gulong ng kotse ni Nixx.Andito kasi kami sa bahay nya at sinasamahan syang maglinis ng kotse nya."Hey,Take it easy Cuz!Madali namang masolusyunan yang problema mo eh.Yun nga lang kung may papayag na babae para magpanggap na gf mo.
Teka,Why dont you try DESS?Tutal sya na din naman talaga yung pinaghihinalaan ni Leslie na karelasyon mo eh._Nixx. As if naman ganun lang kadali mapapayag si Dess"Hindi naman pupwede yun cuz,Madadamay pa sya sa gulo ng pamilya ko at ni Leslie.Alam mo naman kung ganu ka warfreak ang babaeng yun...
Isa pa,Para namang di papayag si Dess na magpanggap na magiging gf ko.
Lalaki kasi ang gusto nun eh._AKO. Wala pa kasi akong nabalitaang girl na dini date yun.Unlike Sally at Joyce na open sa gxg na set up."Hahahahaha.Ganun ba?Well,Sayang naman kasi perfect gf material naman na si Dess para sayo eh.Sigurado ka pang di pagsasamantalahan yang kayamanan mo dahil matinong tao yang si Dess according to Miya.
Matagal na nga daw nyang inaaya yun na mag Japan na lang din pero ayaw nya._Nixx.Saka ako napapikit at nag isip.Totoo namang pang gf material si Dess pero ayoko syang madamay at baka this time mas higit pa ang gawing masama sa kanya ni Leslie."She's not into a lesbian boyfriend.Dati nya pang sinasabi yun sa amin ng harapan.Gusto nya ng pamilya,sariling anak at asawa.Kaya never syang nagkainteres sa akin._AKO.Masakit man tanggapin pero yun ang totoong sinabi nya sa amin minsang nasa park kami at magkakasamang lahat.
"Wooooooh!May ganun?Asawa at anak ba kamo,Kayang kaya mo namang mag produce din ng anak ah!Sa yaman mo at sa makabagong teknolohiya ngayon,wala ng imposible kahit ilan pa ang maging anak nyo.Kalokohan yang hindi sya magkaka interes sa kapwa nya babae,Magpagupit ka lang ng pang lalaki at saka pumorma ng pang lalaki...ewan ko lang kundi sya mafall bigla sayo!hahahha._Nixx.Maiksi lang naman ang buhok ko pero hindi gupit lalaki.Hindi din ako pumoporma na pang lalaki talaga liban sa puting shirt at pants dahil paminsan minsan kailangan ko ding humarap sa mga ka negosyo ko na naka formal dress ako.
"You mean magpapaka butch talaga ako ganun ba?Naku e di lalong nagalit sa akin sila Mom and Dad nyan.Hahahaha.Pero kidding aside,Since sinasagad na din kasi nila lahat ang pasensya ko,Parang gusto ko na din talagang magpaka lalaki na lang.Nakaka init na kasi talaga ng ulo yang si Leslie at hindi pa ako tinatantanan._AKO.
"Why not?I dare you to do that cuz.Tutal,hindi din naman nila Tita at Tito iniisip ang nararamdaman mo bakit di mo na lang gawin ang gusto mo.
Bilib pa nga din ako sa kabaitan mo eh,Kasi kung sa akin mangyayari yan at pipilitin talaga nila mom na ipakasal ako sa taong di ko gusto,talagang lalayasan ko sila at magpapaka layo layo ako._Nixx.Saka ako napayakap bigla kay Nixx.Masaya ako na may mga kakampi ako at nakaka relate sa nararamdaman ko ngayon."Alam mo gusto ko na talagang gawin yang sinasabi mo pero hindi pa din ako nawawalan ng kumpyansa na magbabago din ng isip sila mom and dad at mari realize nila na mali sila sa gusto nilang mangyari sa akin at sa buhay ko.Gusto ko pa ding paniwalaan na sa huli,Ang damdamin at kaligayahan ko pa din ang gusto nilang sundin ko at hindi ang napagkasunduan lamang._AKO.Pumasok na kami sa bahay ni Nixx at nag bukas sya ng beer in can para sa amin.Solo lang din na namumuhay si Nixx at sarili nyang pundar ang lahat ng meron sya ngayon.
"Pagdating ni Kuya Tom bukas,Mag usap kayo mabuti.Sabihin mo sa kanya lahat ng plano mo pati na din ang tungkol kay Dess.Wala na akong iba pang nakikitang sulusyon dyan sa problema mo kundi si Dess lang...
Kapag ipinakilala mo sya kay kuya Tom,sigurado ako na kahit sya papayag sa suggestion ko._Nixx.Naka dalawang lata pa lang kami pero maingay na si Nixx makipag usap."Actually,nuon pa sinaggest sa akin yan ni GD eh.Wala din syang ibang babaeng gustong pagpanggapin bilang gf ko kundi si Dess lang.Pero after nga nung panunugod ni Leslie sa kanya,Hindi na nila ginusto pa na madamay sa gulo si Dess dahil nakaka awa nga naman.Kahit naman ako nuon,sobrang guilty ko sa ginawa ni crazygirl sa kanya.Kung pwede lang na upakan ko yang si Leslie nung mga oras na yun ginawa ko na eh._AKO.
Wala na din akong nagawa kundi ilayo na lang din si Dess ng mga oras na yun."See?Diba sayo na din nang galing...Concerned ka sa kanya.Ayaw mo syang nakikitang nasasaktan.Ibig sabihin, may pagtingin ka sa kanya.
Ayaw mo lang aminin yan sa sarili mo kasi pinangangatawanan mo na playboy ka at Never kang maiinlove sa babae._Nixx. Parang totoo nga lahat ng sinasabi ni Nixx sa akin.Naramdaman ko nga na may nagbago sa akin after naming magkasama nuon sa Isla.Sa totoo lang,hinahanap hanap ko na nga din sya pero pilit nya akong iniiwasan at hindi na sya sumasama kina Sally ag Joyce kapag may lakad sila with GD and Terry.

YOU ARE READING
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)
RomanceTRICIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a T.O.P. is a certified Womanizer At dahil natira at nakapag aral sa isang bansang liberal,Nasanay syang naglalaro at nang iiwan na lang basta ng mga babaeng kanyang naikakama. Never pa syang nagkagusto sa lahat ng m...