72.DESS

1.2K 65 5
                                    

Sa isang 5 star hotel ako nag stay malapit sa St.Jude hospital kung saan ako naka schedule manganak this week.Mas pinili kong dito na muna pansamantalang mag pabook just in case mapaanak ako ng mas maaga.
Ayoko naman kasing abalahin at pag alalahanin pa sina lola at tita kung sa kanila ako uuwi.Sigurado din namang dun ako unang hahanapin ni Top kaya maige ng wag akong pumunta sa mga posibleng lugar na alam nya.

"Iha,Kamusta ka naman dyan?Hindi kaba naman nahihirapan?Gusto mo bang ipadala ko dyan si JUVY?_Mommy Ava.Actually,sila ng daddy ni TOP ang unang una kong pinaalaman kung saan ako nagpunta.Naikwento ko din sa kanila ang nakita ko kaya naiintindihan nila ang nararamdaman ko.Kausap ko sila ngayon thru videocall ni Daddy.

"Okey naman po ako dito mommy.Maayos ang serbisyo ng hotel nila kaya hindi ako nagkaka problema.Wag nyo na pong papuntahin si Juvy,baka kasi maghinala pa si Top kapag wala si Juvy dyaan at siguradong kokornerin nya ito kapag nakausap nya._AKO.Pasalamat na lang din ako at kakampi ko ang parents ni Top.Sila din ang nagsabi na dapat bigyan ng leksyon si TOP para madala.Kaya naman lumakas din ang loob kong umalis ng bahay.

"Iha,Wag kang mag alala kay TOP.Alam ko namang iniisip mo kung ano na ang ginagawa nya.Tumawag sa akin si NIXX at sinabing nandun nga daw si Top at iyak ng iyak habang nagkukwento sa nagawa nya sayo.Siguradong SISING SISI na yun sa lahat ng ginawa nya sayo.Wag mong patawarin kaagad para matuto sya._Daddy.

"Tama anak,Hayaan mo syang mag iiyak hanggang sa magtanda! Kung alam mo lang ang itsura nya kanina habang nandito,dyos mio.Parang tumanda ng limang taon!Dapat lang sa kanya yun.Maramdaman nya kung ganu kasakit mawalay sa taong nagmamahal sa kanya na nagagawa nya pang saktan.Wag kang mag alala anak,Nasa likod mo lang kami ng daddy mo.Kahit anak namin sya,kapag mali sya hindi namin sya kakampihan.
_Mommy Ava.Naipaliwanag naman kaagad sa akin nina mommy at daddy na si Vivian nga daw ang sadyang humalik kay Top ng makita nyang padating ako.Pinanuod kasi nila sa CCTV ng opisina kanina kaya kahit papaano,nabawasan ang sama ko ng loob kay TOP.

"Salamat po mommy,daddy sa lahat ng suporta.Sobrang blessed po ako sa pagkakaroon ng kagaya nyo.Dont worry din po,Hindi ako nagpapabaya at nag iingat po kaming mag ina palagi._AKO.Matapos naming mag usap ay kaagad na din akong natulog.Ayoko kasing masanay na mapuyat dahil masama yun para sa baby.Madalas na gulay at prutas din ang mga ki nakain ko kaysa mga karne para mas healthy ang baby ko paglabas nya.

Kung totoong may tao talagang itinadhana para sa bawat isa,Totoo din palang may taong makikita at makikita mo kahit na hindi mo gugustuhing makita pa sana.Iba din talaga magbiro ang tadhan at of all places,dito sa hotel na ito din pala nag i stay si VIVIAN LEGARDA(Hotel magnate HEIR).

"What a pleasant surprise!If im not mistaken,Hindi ba ikaw yung GF ni TOP right?Uhmmm,What are you doin here?Don't tell me nilayasan mo na si TOP?_Vivian.Naimagine nyo ba yung feeling na lahat ng tao dun sa restaurant na yun ay sa aming dalawa nakatingin.Sa lakas ba naman kasi ng boses nya,Walang hindi mapapalingon sa aming dalawa.

"Well andito ako para mag unwind.Alam mo na,kapag ganitong kabuwanan mo na mas masarap mag relax relax bago makapanganak.
Opppss,im sorry pero hindi mo pa nga pala alam ang feeling ng malapit ng maging mother kaya wala kang idea.
Anyways,its nice to meet you here.And f.y.i lang,hindi ko nilayasan si Top para lang sa kaalaman mo...Hindi ko ugaling MANG IWAN na lang basta sa taong MAHAL ko.Hindi ko sya ipagpapalit sa kung kani kanino lang._AKO.
Saka ako naglakad papalabas ng resto.Pero bago pa ko makalayo ay kaagad nya akong hinawakan sa braso at saka sinalya kaya bahagya akong na out of balance.

"How dare you!If i know inakit mo lang si TOP kaya ka nya pinatulan.
Hindi ang kagaya mo lang ang magugustuhan ni Top.Mas mahirap kapa sa daga at hindi ka nababagay sa kanya.Ginagawa mo lang dahilan yang pagbubuntis mo para hindi sya makawala sayo pero hindi ko papayagang mapunta sya sayo at babawiin ko sya!_Vivian.Kaagad naman akong tumayo at saka lumapit sa kanya.Isang malakas na sampal ang isinagot ko sa mga sinabi nya na lalong nagpatindi sa galit nya.Pero kung galit sya,mas galit ako kaya hindi ko sya mapapalampas sa kalandian nya.

"Hindi kita kasing yaman OO,Mahirap man ako kaysa sa daga,atleast nasa akin naman ang MAHAL ko.Hindi ko na kailangang gumawa pa ng ikabababa ng dangal at puri ko para lang makuha ang taong AYAW na at sinusuka ng makipagbalikan pa sayo.Nakaka awa ka girl,Kasi kahit na ang yaman yaman mo,hindi mo pa din kayang bilhin ang kaligahayang meron ang isang mahirap na tulad ko.Sorry ka na lang at ako ang nagwagi dahil sa akin napunta ang taong PINAGSISISIHAN MONG INIWAN NUON._AKO.
Saka ko sya iniwan ng tuluyang hawak pa din ang pisngi nyang pulang pula dahil sa pagkakasampal ko.

*VIRAL VIDEO ng BABAENG BUNTIS NA ITINULAK NG SPOILED BRAT at anak ng HOTEL MAGNATE  na si VIVIAN LEGARDE KUMALAT*

*BABAENG BUNTIS,HINDI NAGPATINAG SA SPOILED BRAT NA ANAK NG HOTELIER GUMANTI NG SAMPAL,VIRAL NGAYON*

*NAKAHANAP NG KATAPAT ANG BRATINELANG SI VIVIAN LEGARDA SA KATAUHAN NG ISANG MAGANDANG BUNTIS NG GANTIHAN SYA NG MALAKAS NA SAMPAL MATAPOS NYANG ITULAK ITO*

Ilan lang iyun sa mga post na nabasa ko sa nagviral na video naming dalawa ni Vivian Legarda kagabi.Si Sally ang nagbalita sa akin pagka gising ko kinaumagahan kaya ganun na lang ang gulat ko ng lahat ng mga kapamilya ko at kaibigan ay kaagad na nagsitawagan sa akin sa telepono.

"Dess!Will you please open the door or gigibain ko itong pinto kapag di mo ito binuksan._TOP.Malakas na doorbell at malakas na sigaw nya sa labas ng pinto ng room ko.Alam kong ganito na nga ang mangyayari matapos ang pagba viral ng video namin.

Wala na akong nagawa kundi pagbuksan si TOP ng pinto.Alam ko naman na hindi din nya ako tatantanan at maaabala pa ang mga katabi kong mga nakatira din sa hotel na yun.Kaysa mag viral na naman kami sa social media,Wala akong choice kundi harapin at pagbuksan sya.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon