CHAPTER 1: Hello Philippines

880 73 43
                                    

Amira's POV

"WHAT?!"

"Kuya, can you just lower your voice? Daig mo pa sina mom and dad 'eh. OA lang?" I just rolled my eyes on him. Close naman kami ni kuya 'eh.

Nandito na nga pala ako sa bahay, kadarating ko lang.
Kausap ko sina mom and dad pati si kuya Mike. Sinabi ko na sa kanila na sa R.S. University ako nagtransfer at sina Arzila ang nag aasikaso ng mga requirements ko. Kaya heto, pinagtutulungan nila ako.

But I'm still wondering kasi noong sinabi ko sa kanila kanina 'yong about dito, nagulat si kuya Mike kaya nga ang OA ni niya 'eh. Pero si dad and mom? Parang hindi man lang nausuhan ng pagkagulat. Alam kong normal na sa kanila ang walang expression ang mukha. Kaya nga madalas din akong naka poker face lang 'eh. Mana ata ako sa kanila pero iba kasi talaga kanina 'eh. Ewan. Basta.

Hindi ko alam kung bakit nalaman agad ni dad and mom na doon ako sa R.S. University mag aaral. Sa pagkakaalam ko ngayon ko lang sinabi sa kanila na doon ako nagtransfer. 'Eh sure naman ako na hindi sinabi nina Arzila. Subukan lang pati nila.

"Amira, I thought we're talk about this already, right?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita muli si dad.

"Yeah! But dad, bakit ba kasi bawal akong mag aral doon? Samantalang si kuya Mike doon nag graduate and si ate Cath doon din nag aaral. Hayst! May favoritism ka dad ha. Nakakapagtampo!" I pouted.

"Anak, hindi mo kasi naiintindihan," sambit ni mommy.

"Alin po ba ang hindi ko maintindihan? Can you explain me something? Bigyan niyo po ako ng magandang dahilan na siguradong magugustuhan ko. Kapag hindi ko nagustuhan, whether you like it or not sa R.S. University pa rin ako mag aaral," walang emosyon kong sabi sabay upo sa sofa at kinuha ko na lang sa pocket ko 'yong Vfresh. Buti na lang may natira pang bubble gum maigi din itong ngatain.

Narinig kong bumuntong hininga si Dad. "Fine," sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya pati si mom at kuya.

Kailangan ko pa pala talaga atang magtanong ng dahilan para pumayag si Dad. Kung alam ko lang 'eh di sana noon ko pa ginawa. Parang ayaw niya talagang sabihin kung ano man 'yong dahilan na 'yon, huh.

Pero pwede rin namang pumayag siya kasi no choice din naman siya 'eh. Haha.

Papayag din pala pinatagal pa.

"So, payag ka na dad?" Ang saya ko sa loob loob ko.

"Basta 'wag ka nang gagawa ng kahit anong gulo pati 'yang mga kaibigan mo. At kung pepwede lang avoid your curiosity. Kilala ko kayo ng mga kaibigan mo."

"Uhm, Okay. I'll try?"

"Amira!" may pagbabantang sabi ni dad.

"I'll try nga po. I won't make promise baka sabihin niyo paasa ako."

"No, not just try. You should and you could do it," sabi ni dad pero nagkibit balikat lang ako.

Napatingin ako kay mom at kuya na mukhang nagtataka at may iniisip.

Ano naman kaya 'yon?

"Hon, bakit naman pumayag ka?"

Mom, 'wag ka nang kumontra. Please!

"Hon, malaki na ang anak natin. Hindi pwedeng tayo na lang palagi ang magde decide for her."

"Dad is right, Mom. I can take care of myself."

"Yeah, I think dad was right Mom," dagdag pa ni kuya. Yes, may kakampi ako!

"Okay, pagkaisahan niyo pa ako," mom rolled her eyes.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now