Chapter 34: Date

274 33 1
                                    

Amira's POV

"Amira!" Tawag ni Kevin sa pangalan ko kaya nilingon ko siya.

"Hmm?"

"I'll court you!"

Ano daw? Court? Liligawan?Tama bang narinig ko?

"Huh?" Bahagyang napakunot ang noo ko.

"I said, I'll court you."

"Why?"

" 'Cause I want to," sabi niya sabay tingin sa akin at saka ngumisi.

Magsasalita pa sana ako nang iharang niya yung hintuturong daliri niya sa bibig ko dahilan para mapatigil ako.

"I don't need your opinion, Amira. I just want to informed you," seryosong sabi niya saka inalis na yung daliri niya na nakaharang sa bibig ko.

"But-"

"No buts. 'Cause whether you like it or not, I will court you."

Tututol pa sana ako kaso tiningnan niya ako ng seryoso. *Death glared*

Sa tingin ba niya maapektuhan ako nun? Hello! I'm Amira Salvador. Duh!

"No. I don't-"

"Let's go," Sabi ni Kevin kasabay ng pagtunog ng bell, sign na lunch na namin.

"Oh! san kayo pupunta?"

"Hoy! San mo dadalhin yung kaibigan ko?"

"KEVIN!"

"AMIRA!"

Rinig kong tawag nina Zils. Pero hindi ko na nagawang sumagot pa dahil hinigit na agad ako ni Kevin.

"Kevin, ano ba? Let me go."

Parang nagsalita lang ako sa hangin dahil wala man lang akong natanggap na response mula kay Kevin.
Ano bang binabalak nito?

Napatigil ako ng marealize kong nasa parking lot kami.

"Where are we going?" Seryosong tanong ko. Bahagyang napakunot ang noo ko nang bigla siyang ngumiti. As in ngiti talaga siya, hindi ngisi. Ngiti na parang excited. Ngiti na parang.. basta, hindi ko maipaliwanag. Kakaiba kasi yung ngiti niya.

"Let's have a date," nakangiti niyang sabi dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kaba ba itong nararamdaman ko o ano. Basta ang bilis ng tibok ng puso ko.

"D-date?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Anong bang nakain ng lalaking ito?

"Yeah! Date. And now, I will start to courting you," nakangiti pa rin niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dapat mainis ako kasi parang siyang t*nga. Pero bakit parang ang saya ko pa.

Para tuloy tumutalon yung puso ko, nakakainis ito si Kevin.

"But-"

"Let's go," sabi niya at nagpatuloy siyang maglakad habang hawak parin ang kamay ko. Kaya heto ako naglalakad na rin dahil nga hawak niya ang kamay ko.

"Get inside," sabi niya ng buksan niya yung pinto ng kotse niya.

"We have class," sabi ko dahil naalala ko na may klase pa nga pala kami ngayong hapon.

"I know. And I don't care."

Tinitigan ko lang siya. Itinuro niya yung kotse habang nakatingin sakin.

Hindi ko alam pero wala na akong nagawa. Pumasok na ako sa loob ng Ferrari Car. Nang maisara niya yung pinto ay sumakay na rin siya sa driver seat.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now