CHAPTER 25: Underground Battle

292 41 0
                                    

Kevin's POV

"Are you all excited to meet the new group of gangsters?" sigaw ng emcee na siyang nakapag paingay ng paligid. Halatang excited ang lahat na makilala ang mga bagong salta.

At ako? Excited na rin akong ipatikim sa kanila ang talas ng mga patalim ko. Sayang lang at sila ang pipili ng grupong hahamunin nila.

Maya maya ay nagsimula nang iikot ng emcee ang isang bilog/ roleta o tinatawag nilang Bloody Round Set kung saan oras na tumigil ang bilog na ’yon, at kung anong grupo ang matapatan ng arrow ay sila ang may pagkakataon na pumili ng grupong hahamunin nila.

Nang tumigil sa pag ikot ang bilog ay tumapat ang arrow sa Ace of Flower. At isa lang ang ibig sabihin nun. Ang Black Angel Gang ang may chance para pumili ng grupong hahamunin nila.

Hinamon ng Black Angel ang Dark Prince Gang. At nagsimula na silang maglaban. Parehas silang four members. At balak nilang maglaban ng isahan.

Tumayo na si Sophy (B.A.G) at Kyze (D.P.G) at nagsimula nang maglakad papunta sa center ng battle ring. Habang ang mga kagrupo nila ay nakaupo sa tigkabilang side sa loob ng battle ring.

(A/N: Ang battle ring ay nasa center ng underground kung saan nagaganap ang mismong laban. Mayroon ditong nakaharang kaya hindi ka agad makakapasok ng basta basta dito at hindi ka rin makakalabas ng basta basta. Kung makapasok ka sa loob ng battle ring hindi ka na pwedeng umatras. Mapagangsters ka man o hindi dahil habang naglalaban ang bawat grupo ng gangsters, nakalock sila sa loob. At walang makakapagpatigil sa laban hanggat hindi nagbibigay ng sign ang may ari ng R.S. University. Tama kayo, nandito ang may ari ng University. Nandito ang Master J, ang lolo ni Amira. At maari rin namang matapos ang laban kung masugatan mo ang iyong kalaban. May times din na wala si Master JM kaya he assigned Cath para mamuno muna.)

Habang naglalaban sina Sophy at Kyze ay napakaingay ng Underground dahil sa mga tao dito.

Hayst! Ang boring naman ng laban nila.

Mabilis na napatumba ni Kyze si Sophy. Sumunod na naglaban si Chelsea at Frank. Sumugod agad si Chelsea kay Frank pero mabilis na nakaiwas si Frank hanggang sa masugatan ni Frank si Chelsea sa braso. Dahilan para tumunog ang bell, sign na tapos na ang laban nilang dalawa.

Ang laban na ito kasi ay parang pagpapractice lang ng bawat grupo para mapalakas ang pwersa nila. Kaya hindi talaga ito ang mismong patayan na talaga dahil mga gangsters kami ng R.S. University. Pero kung ibang University ang kalaban namin, ibang laban na talaga ’yon. Pwede kang mamatay kung hindi mo gagalingan.

Sumunod na naglaban sina Mike at Floey kung saan mabilis ding natalo ni Mike si Floey. Madali lang naman talagang pabagsakin ang Black Angel. Weak. Isa pa si Mike ang leader ng Dark Angel, so it's impossible na matalo ni Floey si Mike.

Huling naglaban si Frank at ang leader ng Black Angel na si Thea. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa mga kagrupo niya. Hindi ko alam kung sadyang nagpatalo lang ang mga kakampi niya o sadyang nanghina lang sila dahil Dark Prince ang kalaban. Mahina talaga ang mga babae kapag lalaki ang kalaban. Paano pa kaya kung kami ang kalaban nila? Paniguradong hindi pa nagsisimula ang laban eh bagsak na sila dahil sa kakisigan at kagwapuhan namin. Lalo na ako.

Halata ang pagkadesperada ni Thea na manalo ngayon.

Inilabas niya ang patalim niya samantalang wala kahit na anong hawak si Frank. Sumugod siya kay Frank pero agad na nakaiwas si Frank at hinawakan ang braso ni Thea at inikot ito dahilan para mabitawan ni Thea ang patalim niya. Agad na sinipa ni Thea ang patalim niya papalayo kay Frank. Umikot siya kay Frank at tinalapid ito na siyang ikinaluhod ni Frank. Kinuha ni Thea ang patalim niya at tumayo naman si Frank. Sumugod si Frank kay Thea at sinipa ito sa tiyan na siyang ikinatalsik ni Thea kaya napasuka siya ng kaunting dugo. Tumayo si Thea at siya naman ang sumugod kay Frank at sinuntok niya ito sa mukha. Naglaban pa sila ng naglaban hanggang sa masugatan ni Thea si Frank. At muling nag bell.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now