CHAPTER 14: The truth

375 51 0
                                    


Zach / Zi's POV


"Oy bro, tulala ka d’yan. Ikaw na ang titira." Pagsiko sa ’kin ni Jeff.

"Tamo itong si Jeff ang bastos. Titira bagang." Pang aasar ni Niel.

"Anong bastos dun? Napaka green minded mo eh." Binato ni Jeff kay Niel ’yong hawak niyang towel.

Nandito kami ngayon sa Hideout namin nag bi-billiards. Inayos ko na ’yong position ko pati ’yong tako at tinira ’yong white ball at na-pashoot ko naman ’yong target ko. Then ’yon, tapos na ang laro panalo na ako eh.

"Ang daya mo talaga Zi kahit kailan." Pagrereklamo ni Jeff.

"Anong madaya dun?"

Anyway, I’m Zach Ivan Morales, Zi for short. 18 years old.

Wala ako sa mood para i-describe pa ang sarili ko. Basta gwapo ako. Walang kokontra, totoo naman eh. Kamukha ko nga daw si Jungkook from BTS eh sabi ni author.

(A/N: Ayieeh! Kaway kaway mga kpoppers d’yan. ’Yong mga ka-army ko oh haha!!)

Well, I’m just wondering about Amira. She’s different.

I remember last night.

**Flashback**

Naglalakad ako ngayon papuntang dorm nang mapansin kong bukas pa ang ilaw ng restroom na nilinis namin at bukas pa rin ang pinto.

7pm na ah. H’wag mong sabihing may tao pa dun. Pwede namang mag cr na lang sila sa dorm nila ah.

Naglakad ako papuntang cr ako at pumasok sa loob. Laking gulat ko nang makita ko ang isang babaeng sugatan. Teka...

"Amira? Amira, are you okay? What happened?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya umimik at may pilit na inaabot. Tiningnan ko ’yong inaabot niya. Wait, is this nebulizer? Nakita kong nahihirapan na siyang huminga, so I gave it to her. May asthma siya? Hindi halata. Ang lakas kasi niya kung titingnan.

Nang umayos na ang paghinga niya ay nagsalita na siya.

"Hindi mo ba ako papatayin?"

Anong pinagsasasabi nito? Mukha ba akong serial killer?

"Ha?"

"Uhh.. Nevermind!"

Tinulungan ko siya na ilagay ’yong mga gamit niya sa bag niya pagkatapos nun ay tinulungan ko rin siyang tumayo. Ayaw pa nga magpatulong eh. Ang tigas pala talaga ng ulo nito.

Nang makita kong nahihirapan siyang maglakad eh isinakay ko na lang siya sa likod ko. Nagpupumilit pa ngang h’wag na daw eh pero wala rin siyang nagawa. Pasalamat nga siya at may malasakit pa ako eh.

"May Asthma ka pala?" tanong ko habang buhat ko pa rin siya sa likod ko at naglalakad papunta sa dorm niya para ihatid siya. Ano bang nakain ko ngayon at tinutulungan ko ito?

"Uhm.. Sa totoo lang wala na talaga ’to eh. Ang tagal na noong huling nagka asthma attack ako. Napagod lang talaga siguro kaya ganon’n." Walang gana niyang sagot.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng dorm building nila ay nagpababa na siya.

"Uhm.. Zach, wala sanang makaalam sa pangyayaring ito ha? ’Yong kanina, ’yong sa asthma ko. Makakaasa ba ako?"

"If that’s what you want. Besides, I’m not that a talkative person."

For the first time I saw her smile. Hindi ngisi, totoong ngiti.

"Sige na, umalis ka na."

"Grabe ka naman makataboy." Napangiti na lang ako at tumalikod na.

"Zach..." Napatigil ako ng tawagin niya ang pangalan ko. " Salamat!" sabi niya at nang humarap ako eksaktong pagsara niya ng pinto. Napangiti na lang ulit ako dahil sa inasal ng babaeng ’yon.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now