Chapter 52: After a few days

273 17 0
                                    

Sandy's POV

One week..

One week after what happened inside of R.S. University.

After ng masayang kaarawan ni Amira na pinalitan ng takot, kaba, kalungkutan at pighati.

One week ng nagluluksa ang pamilyang naiwan ng mga nasawing estudyante.

Wala na. Sira na ang mga pangarap nila. Sira na ang kinabukasan nila.

Alam ko ang mga pinagdadaanan ng mga pamilya ng mga nasawi. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nila dahil hindi lang naman sila ang nawalan. Nawalan din kami. We lose a friend too.

Ang ilan sa mga matatapang na gangsters ng R.S. University ay iniwan na rin kami. Si Floey, Frank, Chelsea at Pink.

Alam niyo na siguro ang nangyari kay Floey at Frank. Ikinwento lang din samin nina Thea ang nangyari sa kanila.

Si Chelsea naman ay binaril ng mga gangsters ng CorFord University. Nakalaban din kasi namin sila habang hinahanap namin si Amira. Maliban sa mga nakaitim na tauhan ng Karlo na 'yon ay nakipagsapalaran din yung mga gangsters nila. Kesyo poprotektahan daw nila ang Headmaster nila na si Karlo.. yung g*gong t*rantadong dad ni Kevin.

We got a lot of wounds from them. Pero hindi kami nagpatalo. May nasaksak pa nga ako sa kanila eh.. yung lalaking mukhang manok. May kulay red sa buhok.

Pero si Chelsea, napakagaling at tapang niya nung time na 'yon. Para kay Frank daw. Ang dami nga niyang napatay na tauhan pati CorFord gangster eh pero nakakalungkot lang dahil siya din pala mawawala. Kahit galit ako sa grupo nila Chelsea, ayoko pa rin na gano'n ang mangyari sa kaniya.

I'm so sure na napakasakit para kay Thea nung nangyari sa dalawang kaibigan niya. Maybe, sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya naprotektahan ang dalawang kaibigan niya. Wala pa nga akong balita sa kanilang dalawa ni Sophy eh.

Si Pink naman, tumama ang ulo niya sa bato. Napalakas siguro kaya bumigay agad siya.

Lahat kami ay tumalsik nung time na 'yon pero mas malala ang natamo ni Pink dahil na rin marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Umabot pa siya sa hospital pero bumigay rin siya.

At ngayon? Nandito pa rin ako sa hospital.. under recovering.

Katabi ko ngayon si Jeff, Kiel at Mike. Wala naman silang gaanong sugat na natamo.

Naghihintay kami ngayon ng resulta tungkol sa mga kaibigan namin at ng ibang gangsters na nandito.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sila nagkakamalay. Napasama rin kasi yung pagkakatalsik nila dulot ng malakas na pagsabog ng University.

Si Niel, Lance, Jack, Nike Ezza, Cath at Zils. Wala pa rin silang malay. Pati si Kienna. May mga nakakabit na swero sa kanila.

Si Kevin at Zach hindi namin alam kung nasaan sila ngayon.

Si Kevin.. alam na niya na si Amira at Jaine ay iisa. For sure, nagsisisi 'yon sa mga ginawa niya. Lalo na sa pagtraydor niya kay Amira.

Nung nagising si Kevin ako ang nagpaliwanag kung bakit nilihim ni Amira na siya si Jaine. At pagkatapos nun pinuntahan niya si Amira sa room nito. Wala pa ring malay nun si Amira. Ewan ko kung anong pinagsasasabi ni Kevin dun. Hindi na ako ako nakinig. I gave him privacy.

Nakakalungkot lang kasi kung kailan niya nalaman na si Amira pala ay si Jaine na matagal na niyang hinahanap eh huli na ang lahat.

Mula dito sa pwesto namin ay tanaw ko si Zils sa loob ng room habang may mga nakatusok na karayom at nakalagay na swero sa kaniya. Sa ngayon, siya ang may pinakamalalang kondisyon na pasyente dito.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now