CHAPTER 6: Fight or Trouble?

418 58 0
                                    


Amira's POV

Kinabukasan...

"Hey Mirs, wake up!" nagising ako sa pag yugyog sa ’kin ni Zils. Haays! Istorbo sa panaginip. Makikita ko na ’yong mukha ng prince charming ko eh. Ang aga aga pa eh.

"Hmm?"

"Bumangon ka na d’yan, malelate ka n’yan bahala ka!" pangungulit sa ’kin ni Zils

"Aa, Inaantok pa ko! "sabi ko habang nakapikit sabay taklob ko ng unan sa mukha ko.

"Ah ayaw mo bumagon ha, sige!" may pagbabantang sabi ni Zils at bigla na lang umakyat sa kama ko at nagtatalon dahilan para mawala ang antok ko, haaay!

"What the? Zils ano ba?" inis kong sabi.

"Ano? Hindi ka pa ba babangon?"

"Heto na nga oh, bumabangon na!" At tuluyan na nga akong bumagon at tumayo.

"Good!" sabi niya pero tuloy pa rin sa pagtalon sa kama ko.

"Oh ba't nagtatatalon ka pa rin d’yan?" tanong ko ng hindi pa rin siya bumababa sa kama ko.

"Hehe, nag e-exercise."

"Gusto mo ba talagang sirain ’yang kama ko o ’yang mukha mo ang sisirain ko?" I said seriously and gave her a death glared.

"Hehe, sabi ko nga liligo na ako eh." Sabi niya sabay takbo sa cr "Hoy, Sands kanina ka pa dyan ah bilisan mo nga?" sigaw niya kay sandy.

"Anong kanina pa? Eh kapapasok ko nga lang. Maghintay ka!" sigaw ni Sandy.

I just rolled my eyes and sigh.

.
.
.
.

Naglalakad kami ngayon papunta sa Cafeteria para mag breakfast.

It's already 6:21am. 7:20am pa ang time namin. So, almost one hour pa ang ang meron kami.

May nagdala na kanina ng uniform ko sa dorm at sa totoo lang ayoko nung uniform, ang baduy.

So, naka black short ako ngayon, naka blazer then white ’yong panloob. Naka boots din ako na hanggang tuhod. Then, naka ponytail.

Si Zils ay naka skirt at si Sandy naman ay naka jumper na pantalon

Two weeks pwede mag free style, so until Friday na lang ito. Eh ’di sulitin na.

Oh ’di ba?

Nakuha ko na nga din pala ’yong schedule ko kahapong hapon at classmate kaming tatlo.

7:20am - 4:30 pm ang schedule namin.

Whole day. Kainis!

"Ganito ba talaga tayo kaganda at halos lahat sila’y nakatingin sa ’tin." Tanong ni Zils kaya napatingin din kami ni Sandy sa paligid at lahat nga sila at nakatingin sa amin.

"I think so!" sagot ni Sandy.

"Just don’t mind them, I'm hungry." Seryoso kong sabi at dumiretso ng Cafeteria sumunod naman sila.

Nang maka order kami ay nagpwesto na kami sa may dulo at lahat ng mga tao dito ay nakatingin na naman sa amin at nagbulong bulungan.

Ang iba ay nagtataka. Naiinis. Naka ngisi. Ang iba naman ay mukhang nag aalala.

’Yong totoo? Anong meron?

I just gave them a death glared kaya umiwas na lang sila ng tingin.

While drinking my favorite caramel coffee ay biglang nagkaroon ng natahimikan.

At naramdaman ko na lang na may mga nakatayo sa harapan namin. At nang itinunghay ko ang ulo ko. Nakita ko ang isang familiar na mukha. Kevin.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now