CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party

343 45 0
                                    


Someone's POV

"Alam niyo na ang gagawin niyo. Siguraduhin niyong mag eenjoy sila."

"Opo Headmaster." Sagot ng mga tauhan ko at umalis na.

BWAHAHAHA! Magsisimula pa lang ang paghihiganti ko kaya magpakasaya na muna kayo...

Mga Salvador.

***
Amira's POV

Tanaw na tanaw ko ang pagpasok ng mga tao dito sa venue. Ginanap kasi ang party ay dito sa gymnasium. Sobrang lawak kasi talaga dito. Infairness ang engrande ng party na ito. Tanging ang mga grade 11 and 12 lang ang mga estudyanteng nandito. May mga guro din naman pero sa tingin ko may mga nakapasok na mga outsiders. Karaniwan naman na kasi talaga ’yon sa mga ganitong party, you know.

Maya maya lang ay magsisimula na ang party pero feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari. Ano kasi eh...
Basta, ewan. Ang weird lang kasi ng nararamdaman ko or  baka naman napapraning lang talaga ako.

So, sa bawat bilog na lamesa ay mayroong eight chairs. At kasama naming tatlo ang ibang classmates namin.

Dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw, eh nakilala na rin kami ng mga estudyante rito at parang natatakot na nga rin sila sa amin eh. Para namang mangangain kami ng tao.

Sino ba naman ang hindi magiging famous kung ang mga new students ay kinalaban ang mga heartthrob na gangsters na kinababaliwan ng mga estudyante ng University na ito ’di ba? Ilang araw din kaya kaming pinag usapan. Tulad ngayon.

"Ang gaganda nila ’no?"

"Lakas maka artista."

"Ang ganda nung nakablack."

"Mas maganda pa ako d’yan."

"Sana isa sa kanila ang makapartner ko sa sayaw mamaya."

Anyway, naka long gown nga pala ang mga girls at naka toxido naman ang mga boys.

Naka blue gown si Zils, si Sandy naman ay naka red gown at ako? Of course naka black gown na may mga kumikinang.

"Kyaah... They are so handsome."

"Oh my papa Zach!"

"Sana dito sila umupo para katabi natin sila. Kyaaah!!"

Sabi ng mga malalanding babae sa kabilang lamesa ng dumating sina Kevin.

Grand entrance ang dale.

Ininom ko na lang ang wine na bigay kanina nung waiter.

Umupo sina Kevin dito sa katabi naming lamesa. Feel na feel naman nila na pinagkakaguluhan sila ng mga malalanding babae dito. May pakindat effect pa nga sina Kiel at Niel eh. Si Jeff naman nag “hi” lang. At si Zach at Kevin poker face lang.

Maya maya pa ay nagsalita na ang emcee.

"Good evening, R.Sians! May I call for Mr. Kevin Steeford the supreme councilor student of Rodavlla Samiera University."

Seryosong umakyat naman si Kevin sa stage.

"Good evening everyone! Just enjoy the party." Walang ganang sambit ni Kevin at bumaba na ng hagdan. Wow ha!Nagsalita pa siya.

At nagsimula na nga ang party. Wala akong ganang magsayaw ngayon habang si Sandy naman ay dinadamayang magsayaw si Zils.

Nang makaramdam ako ng pag ihi ay pumunta ako sa restroom. Hindi na ako nagpaalam kina Zils busy kasi eh. Gusto daw niya mag enjoy.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now