CHAPTER 22: Volleyball

309 40 0
                                    

Amira's POV

"Sa dorm, baka nandoon na rin si Zi---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang...

*Kru kruu*

Kumulo ang tiyan ko, si Zils kasi eh, alam na hinihitay ko siya kanina pa, bibili lang ng Pizza kung saan saan pa atang lupalop napadpad.

(A/N: Kawawang Zils, nasisi pa nga, haha.:))

"Sorry, kanina pa kasi talaga ako nagugutom eh. Si Zils kasi."

Nakakahiya tuloy.

"Sinisi mo pa talaga ’yong kaibigan mo ha! Tara, meryenda tayo."

"Ha? Ehh..."

"Halika na."

Hinila niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa. Gutom na rin naman pati ako eh.

Nang makarating kami ng Canteen, nakuha namin ang lahat ng atensyon na nandoon. Palipat lipat ang tingin nila sa akin, kay Kevin at sa... teka...

Napatingin ako sa kamay namin ni Kevin na magkaholding hands? Agad kong binawi ang kamay ko sa kamay ni Kevin at dumiretso na ako sa counter at sumunod naman si Kevin.

Nang maka order kami ay umupo kami doon sa pwesto nila, sa teritoryo nila.

Habang kumakain ako ay napatingin ako kay Kevin na nakatingin sa akin pero agad din siyang umiwas ng tingin. Naiilang tuloy ako. Isa pa eh nasa amin pa rin ang atensyon ng mga tao.

Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay tinitigan ko ng masama ang mga tao dito.

"Anong meron?" Seryosong tanong ko sa kanila dahilan para umiwas sila ng tingin. Napairap na lang ako.

Napatingin ako kay Kevin na busy pa rin sa pagkain. Wala talaga itong pakeelam sa mundo.

Maya maya ay nagulat na lang ako nang marinig ko ang mga tao mula sa labas ng Canteen na nagsisigawan.

Nagkatinginan kami ni Kevin. Lumabas kaming dalawa at tiningnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Nadatnan namin ang dalawang estudyante na nagsusuntukan.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Seryosong tanong ni Kevin dun sa dalawa dahilan para matigilan sila sa pagsusuntukan, at tila hindi na maintindihan ang itsura nila kung natatakot ba o natatae lang talaga?

Si Kevin na leader ng isang gangsters group na nangunguna sa U. list at student officer na iginagalang ng lahat, malamang ganyan talaga ang mararamdaman nila.

"Kung magpapatayan lang din naman kayo, mas maganda kung ito ang gagamitin niyo."

Iniabot ni Kevin ang tig isang patalim sa dalawang estudyante at naglakad na si siya papalayo. Hindi na ako nagulat at nagtaka. Si Kevin ’yan eh.

Kaya nakisakay na lang ako sa trip ni Kevin at ni-cheer ko na lang ’yong dalawang estudyante.

"Goodluck!"

Tinapik ko sa balikat ’yong dalawa at iniwan silang lahat na nakatulala dahil sa ginawa namin ni Kevin.

Habang naglalakad kami ni Kevin papunta sa dorm ay tinawag niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now