Chapter 39: Finding Joanna

221 18 0
                                    

Kevin's POV

"How is she?" tanong ko kay Tito Rey. Yung doctor na naggamot kay Amira noon. Nandito kami ngayon sa clinic ng University, may dala si Tito Rey na gamot para sa lason. Remember, expert siya pagdating sa experiment, right?

"She's now okay. Don't worry."

"Doc, uhm.. wala na po ba yung lason?" tanong ni Zils.

"Wala na, ija. Maigi rin at natalian agad ni Amira yung kaniyang braso kaya't napigilan ang pagkalat ng lason sa katawan niya."

"Buti na lang po magaling kayong gumawa ng experiment 'no?"

"Matanong ko lang, ano bang nangyari? Sa twing pumupunta ako dito, si Amira lagi ang pasyente ko. Kaya nung tumawag si Kevin alam ko na 'eh."

"They are also need a cure," turo ko kina Arzila and Sandy pati kina Cydell na nandito rin, tsaka kina Cath, dahilan para mailihis ko ang usapan.

"Infairness magaling talaga kayo 'ha," sabi ni Cydell kina Arzila.

"Ofcourse, ngayon mo lang nalaman."

"Kevin, I have to go. Ipainom niyo na lang ito kay Amira pagnagising siya para masaid lahat ng lason kung may natitira pa, liquid lang 'yan, isang inuman. And this, para magkaroon siya ng lakas, baka makaramdam kasi siya ng panghihina, 3 times a day 'yang tablets after niya kumain, for 5 days." Tinanggap naman nina Sandy yung kulay white na liquid na parang tubig lang pati yung tablets.

"And this is for all you, ipahid niyo sa mga sugat niyo para mabilis mabahaw," mabilisan naman silang nag agawan dun sa ibinigay ni Tito Rey na kulay blue na liquid.

"Thank you, Tito Rey!" pagpapasalamat nila.

"Oh I forgot, ito pa pala."

"What is this?" tanong ni Sandy sa ibinigay ni Tito Rey.

"Just give it to Amira, she needs it for her asthma. I'll go ahead na. Ingat kayo 'ha!"

"Sige po."

"May asthma si Amira?" tanong nina Cydell. Nagtinginan lang si Arzila at si Sandy, then tumingin kay Cath. Anong meron?

"Ano kaya 'to?" pag iiba nung dalawa ng usapan.

"Okay. May asthma nga si Amira," sabi naman ni Skyler.

"Bakit ba tinatago niyo pa na may asthma si Amira?" tanong ni Kiel.

"Eh kasi nga.. ayaw niyang malaman yun ng family niya," sagot ni Arzila.

"So, it means they didn't know that, 'til now?" tanong ko. Curious na rin ako 'eh.

"Parang ganon na nga," sagot ni Arzila.

"But why?" tanong ni Kiel.

"Ba't ba tanong kayo ng tanong? Nalaman niyo na nga na may asthma si Amira, may following question pa? Secret nga yun eh, kaso wala na."

"We're just curious."

Feeling ko tuloy may iba pa silang itinatago. Hindi naman nila itatago na may asthma si Amira kung walang dahilan. Family ni Amira yun, pero wala silang alam. Ano pa bang sikreto mo Amira?

Tumingin ako kay Amira na ngayon ay wala paring malay. Malalaman ko rin kung ano pa ang tinatago mo, kung sakaling mayroon nga.

***
Amira's POV

"Amira."

"Oh, Kevin."

"Alone?"

"May nakikita ka bang kasama ko?"

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now