Epilogue

392 15 3
                                    


1 year later..

_____ _ __ _ _____

Kevin's POV

Tuluyan na ngang nawala ang R.S. University.

.. And everything was changed.

We, Demonic Eye Gang continued our senior high school in CorFord University until we graduated.

Ang mga dating mga professors sa R.S. University ay sa iba't iba't University na nagtuturo. Ang mga estudyante naman ay nagtransfer na rin sa iba't ibang school.

Maging ang mga R.Sians Gang ay nagkahiwahiwalay na din. Ang Black Angel Gang, Dark Prince Gang, Red King Warrior Gang, Evil Queen Gang at ang Star Bravierz Gang.

Wala na akong balita sa iba sa kanila lalo na sa B.A.G. at D.G.P.. Maybe, they are mad at me. They lost a friend because of my dad.. because of me.

Ang E.Q.G. naman nalagasan din sila. Pero kahit papaano may balita pa rin ako sa kanila dahil kay Cydell. Sabi ni Cydell nasa ibang bansa na daw si Cath pati yung ibang members.

Ang mga members ni Cydell ay nagtransfer na rin sa ibang University. Ang iba ay nasa ibang bansa na din. Sira na rin ang grupo nila. Kahit na alam ng mga members ni Cydell na magpinsan kami eh hindi pa rin nila natanggap na nagawa ko silang traydorin.

At ang S.B.G? Ayon, nung nagising na si Arzila at naging maayos na ang kalagayan niya, napagdesisyunan ng pamilya niya na sa ibang bansa na ulit siya pag aralin. At gano'n din si Sandy. Sa ngayon, nasa iisang University sila.

At si Amira?

One year na kaming walang balita sa kaniya. Hindi na rin namin makontak ni Jeff si kuya Mike. Pati family niya.

Deactivated na rin yung mga social accounts ni Amira.

Walang wala na kaming alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Kung buhay pa ba siya o ano. Pero naniniwala ako na buhay pa si siya. Buhay pa si Amira. Sana.

At kaming D.E.G? Heto, Second year college na sa CorFord University. Buo pa rin naman kami pero halos lahat kami nagbago. Lalo na si Zach. Napakalaki ng pinagbago niya.

Almost one year na nga rin pala simula ng makabalik si dad. Siya na ulit ang humahawak ng CorFord University. Siya pa rin ang Headmaster.

Sumuko siya noon at nakulong for only one month. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Basta ang alam ko nagpyansa siya ng napakalaking halaga.

Humingi rin siya ng tawad sa amin ni Kienna pati kay mom. Oo, buhay nga si mom at maayos na ang kalagayan niya ngayon.

Naibalita ang nangyari sa R.S. University at humingi din si dad ng tawad pero alam kong walang kapatawaran ang ginawa niya para sa mga taong nawalan ng kapamilya nang dahil sa kaniya.

Maging ako ay hindi ko pa rin magawang patawarin si dad. Ang hirap kasi. Sabihin ko man na napatawad ko na siya pero hindi sa puso ko. Hindi rin ako kumbinsido sa mga sinabi ni dad. Ewan ko.. basta.

Hindi ko lubos akalain na sa isang iglap magbabago ang lahat.

Ang dating nagkakaisang mga estudyante ng R.S. University.. ngayon ay hiwahiwalay na.

Ang mga R.Sians gang na ang tanging hangad ay ang protektahan ang kanilang mahal na University at ang protektahan ang kanilang Young Lady pero nabigo sila.

At ngayon, nakikipagsapalaran sila... kami sa mga bago naming buhay. Hiwahiwalay man pero patuloy lang ang laban.

At handa na akong harapin ang panibagong buhay ko as a freshmen (1st year college) sa CorFord University na pagmamay ari namin.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now