Chapter 44: Take the chance

235 17 0
                                    

Third Person's POV

Ilang araw na ang nakakaraan nang makilala si Amira bilang Young Lady. Nagkaroon rin ng pagbabago sa loob ng University. Puno pa rin ng tensyon at tila hindi pa rin sila makapaniwala sa mga nalaman nila. Maging ang mga professors ay nag iba rin ang pakikitungo kay Amira.

Sa t'wing makakasalabong ng mga estudyante si Amira ay hindi nila alam kung anong gagawin nila. Kung babatiin ba nila si Amira bilang pagbibigay galang o lalagpasan at iiwasan lang nila ito dahil nakakaramdam sila ng takot, kaba, at hiya sa kanilang Young Lady. Halatang hindi pa rin nila lubos akalain na ang isang transferee student ay ang kanilang Young Lady. Dati rati nakakaramdam sila ng takot at kaba sa t'wing tinitingnan sila ni Amira pero ngayon hindi nila akalain na dodoble pa pala yung kaba na yun.

Sa ngayon ay kapapasok lang ni Amira sa loob ng Canteen para mag lunch kasama ang dalawang kaibigan niya na si Arzila at Sandy na nasa tigkabilang side niya.

Ang kaninang maingay na paligid ay nagkaroon ng katahimikan na para bang may dumaan na isang anghel. Ang lahat ng atensyon ay na kay Amira pero seryoso lang naman si Amira na naglalakad patungo sa counter para bumili ng pagkain. Nang makaorder na sila ay naglakad na sila patungo sa isang table na kalapit ng table na kinakainan nina Kevin.

Siguro naman ay natatandaan niyo pa na ang table na kinakainan ng dalawang grupo (D.E.G x S.B.G) ay ipinagdikit dati noong hindi pa nalalaman na Young Lady si Amira.. noong magkakasundo pa sila.. noong nabuo ang pagkakaibigan nila. Pero simula noong nagpakilala na si Amira bilang Young Lady ay siya mismo ang nagpahiwalay ng table na kinakainan nila sa table nina Kevin. Naging malamig rin ang pakikitungo ng dalawang grupo sa isa't isa. Siguro hindi lang rin nila matanggap na naglihim sina Amira sa kanila gayong sobrang close na naman nila sa isa't isa. Si Kiel at Sandy, at maging si Arzila at Jeff na naging malamig na naman sa isa't isa tulad ng dati.

At kung itatanong niyo kung kamusta sina Kevin at Amira, syempre katulad ng napag usapan nila.. 'yon ang ginawa nila.

*Flashback

Bago dumating ang araw na magkakaroon ng isang revelation about sa pagkatao ni Amira ay nagkaroon pa sila ni Kevin ng pagkakataon na maging sila sa loob ng isang araw. At sa loob ng isang araw na yun ay ipinakita at ipinaramdam nila sa isa't isa kung anuman yung nararamdaman nila. Sinulit ang mga natitirang sandaling 'yon.

Noong araw ng exam nang nagkasakit si Amira ay inihatid siya ni kevin sa Dorm. Ipinagluto pa ni Kevin si Amira ng sopas. Nang matapos si Amira kumain ng sopas na niluto ni Kevin ay uminom siya ng gamot pampawala ng sakit ng ulo niya. Actually, medyo naging okay na rin naman ang pakiramdam ni Amira nang magising siya mula sa pagtulog. Maybe, kulang lang talaga siya sa tulog kaya medyo nahihilo siya.

Napagkasunduan ng dalawa na mag uli muna sa labas ng University kaya gumawa sila ng paraan para makatakas.

Kung saan saan sila nagpunta para bawasan ang lungkot na nararamdaman nila.

Nagpunta sa Mall, nanood ng sine, kumain, naglaro sa toy kingdom at sa iba pa.

At nang maggabi na ay nagpunta sila sa Enchanted Kingdom. Nag aya kasi si Amira, hindi sana papayag si Kevin dahil baka mapagod lang si Amira pero mapilit eh kaya wala rin siyang nagawa.

Iba't ibang rides ang sinakyan nila.

***
Kevin's POV

"Amira, can you please have some rest?" tanong ko kay Amira nang mahalata kong hinihingal na siya. Maging ako nga ay napapagod na dahil kanina pa kami dito paikot ikot at halos lahat ata ng rides ay balak niyang sakyan.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now