Chapter 49: Debut

210 15 1
                                    

Amira's POV

Bumukas ang lahat ng ilaw sa court na nagbigay ng liwanag sa kaninang madilim na paligid. Naiharang ko pa ang kaliwang kamay ko sa mukha ko at napapikit dahil nakakasilaw ito sa mata dala ng pabiglang pagbukas ng mga ilaw.

"Happy birthday, Princess Young Lady."

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa harap ko ang sangkaterbang confetti at ang pagbagsak ng mga lobo mula sa itaas.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga nakatayo at nakapalibot na estudyante. Ang iba ay nasa hagdan at ang iba ay nasa baba. Marami ding mga lamesa at upuan na binalutan ng puting mantle at nakaribon ang kulay pink, blue, violet, at red na ribbon sa mga upuan. At may mga nakapatong na flowers sa bawat lamesa. Nakita ko si Lolo, si mom and dad, si kuya Mike at si Cath na nakangiti habang nakatingin sa 'kin. Nasa taas sila ng stage. Oo, nagkaroon ng stage sa loob ng court. Ang galing 'di ba? Malamang pinalagay ni Lolo 'yon. Nilagyan ng harang yung isang basketball ring tapos doon inilagay yung stage. Malamang gawa sa kahoy 'yon. Alangan namang semento, eh 'di hindi naalis.

Ngayon ko lang narealize na nasa gitnang parte pala ako ng court. At nasa tabi ko itong dalawang baliw na kaibigan ko.

"Ayos ba?" Nakangiting sabi ni Zils habang nataas baba pa ang kilay. Kaya pala. Sabi na 'eh.

Mahimbing akong natutulog sa dorm room namin kanina nang gisingin ako ng dalawang ito. Pinagbihis ako ng fitted na red dress na above the knee. Half half siya. Sleeveless yung kanan, yung kaliwa hindi. Kumbaga kita yung kanang braso ko pati shoulder. Then, yung kaliwang braso ko naman ay hindi kita dahil mahaba yung pangkamay nito, pero off shoulder. So, kita yung shoulders ko. Gets niyo ba? Bahala kayo d'yan. Nakahigh heels ako. Nakaponytail at syempre naka make-up. Suot ko rin yung necklace na bigay ni.. ni Rylie. Gusto kong isipin na sana magkaibang tao na lang sila. Haaay. Then, yun dinala na nga nila ako dito nang nakapiring. At heto na nga ang dinatnan ko.

I sighed.

"What's this?" inis na tanong ko.

"Surprise." pang asar na sagot nung dalawa.

Alam nila at alam din nina Lolo na ayaw kong magparty. Hindi na ako bata. Sabi ko sa kanila yung ipangpaparty ko, peperahin ko na lang. Charr.. Pero ayoko talaga ng party, lalo na't ganito. Nakakahiya, ang daming estudyante. Tsaka, sabi ko rin na baka may hindi magandang mangyari. Hindi naman sa ang nega ko pero iniisip ko lang rin kasi yung kapakanan ng mga estudyante. May iba kasi akong nararamdaman. Hindi maganda. Naalala ko lang kasi yung letter na natanggap ni Lolo, yung Death threat. Anumang oras pwedeng sumugod ang kalaban. Hadlang sila sa anumang kasiyahan ng Salvador. At ngayong magsasaya ang lahat hindi imposibleng may mangyaring hindi kaaya aya.

"Don't worry, my granddaughter. Maraming reapers sa labas. Nakapalibot ang mga tauhan ko. And if there's something wrong nagpahanda na ako ng mga military. Kaya ligtas tayo. Gusto mo magpahanda na rin ako ng ambulance eh."

"Joke lang apo. Masyado naman kasing seryoso ang mukha mo." sabi ni Lolo gamit ang microphone nang mapansin niyang seryoso pa rin ang mukha ko.

"Don't worry, Mirs. Handa rin ang mga gangsters." sabi ni Sandy.

Hinanap ko ang mga kapwa ko gangsters. Nakapwesto sila malapit sa kung saan nakapwesto ang stage. Nagthumbs up pa nga sa 'kin si Mike at ang grupo nito.

Wala na akong nagawa kaya nakisakay na lang ako sa mga pakulo ng pamilya ko. Naglakad ako papuntang stage kung saan nandoon ang pamilya ko. Binati ako ni mom and dad, pati si kuya Mike. Na-miss ko sila.

Hanggang sa nagsimula na ang event. Teka.. anong oras na ba? Tiningnan ko ang wrist watch ko. 8:25pm.

Kumain muna ang lahat dahil gutom na daw sila. Well, ako din naman.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now