Chapter 33: I'll court you!

300 32 0
                                    

Arzila's POV

"Zils, are you okay? Ba't parang ang tahimik mo ata?" Nag aalalang tanong sa akin ng katabi ko.

"Bakit? Masama bang maging tahimik?" Sarkastikong sabi ko.

"Nakakapanibago ka lang kasi." Sabi ni Jeff. Oo, si Jeff yung katabi ko. Wala atang makausap kaya ako yung ginugulo.

Napatingin ako sa direksyon ni Sandy na nasa kabilang sofa. Agad ko rin namang binawi yung tingin ko nung bigla rin siyang tumingin sa akin.

Nagiguilty kasi ako. Siguro, kasalanan ko talaga ito. Kung hindi ko kasi dinaldal si Amira kanina sa room edi sana hindi siya lalabas ng classroom. Edi sana hindi rin nangyari ito. Sana ayos lang si Amira. Sana hindi kami ganito ni Sandy, yung hindi nagpapansinan.

Nandito pa rin kasi kaming lahat sa infirmary, maliban kay Kevin. Hindi pa siya bumabalik simula nung umalis siya kanina.

"Wait! I smell something fishy." Sabi ni Niel kaya nagkatinginan kami ni Sandy ngunit agad din na nag iwasan ng tingin.

"I knew it. Magkaaway kayong dalawa ano?"

"Sinong magkaaway?" Sabay na sabi namin ni Sandy dahilan para magtinginan silang lahat.

"Sino nga ba?" Sarkastikong tanong ni Kiel.

"Anong nangyari ba't kayo magka away?" Tanong ni Jeff.

"Anong nangyari? Ba't nagkaganyan si Amira?" Balik na tanong naman ni Sandy kay Jeff dahilan para magbuntong hininga si Jeff.

"Hindi namin alam. Naabutan na lang namin si Kevin na binubuhat si Amira habang walang malay." Sagot ni Kiel sa tanong ni Sandy.

"Bakit pinabayaan ni Kevin na mangyari 'yan kay Amira?" Seryosong tanong muli ni Sandy habang nakatingin sa direksyon kung nasaan si Amira.

"Bakit parang sinisisi mo pa ata si Kevin?" Balik na tanong ni Kiel kay Sandy.

"Ikaw ang nagsabi niyan." Sabi ni Sandy.

"Parang yun kasi yung pinapalabas mo. Sa tingin mo ba kung nandoon si Kevin pababayaan niya lang si Amira?" Halata sa mukha ni Kiel ang pagkairita kahit na seryoso lang ang mukha niya.

"Malay ko." Sagot ni Sandy dahilan para mapatingin sa kaniya si Kiel na nakaupo sa gilid ng sofa, sa sandalan.

"LQ?" Pang asar na sabi ni Niel dahilan para tingnan siya ng masama nung dalawa. Itinaas naman ni Niel yung Dalawang kamay niya na tila sumusuko.

"Easy, easy." Sabi ni Niel.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Kasalanan ko talaga 'to eh" Sabi ko at tumingin sa gilid kung saan walang tao, para hindi nila makita ang pagpatak ng luha ko.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Jeff.

"Sana hindi ko na lang siya dinaldal kanina." Matamlay na sabi ko.

"Edi sana hindi siya lumabas kanina, sana hindi 'to nangyari." Dagdag ko pa.

"Sinong may sabing sisihin mo ang sarili mo? Ikaw ba ang bumugbog kay Amira? Hindi naman ah." Sabi ni Jeff.

"Oo nga Zils, wala kang kasalanan. Ang dapat sisihin dito ay yung mga may gawa nito kay Amira." Sabi naman ni Niel.

"Isa pa eh.. gutom na ako, kaya wag na kayong magdrama dyan. Bumili na lang tayo ng pagkain." Dagdag pa ni Niel kaya natawa na lang bigla kami. Ang seryoso ng usapan eh bigla na lang babanat na nagugutom na siya.

"Yeah! It's already 7:32pm. Nakalimutan na nating kumain." Pagsang ayon naman ni Kiel.

"Kami ng bibili ni Kiel. Ano bang gusto niyo?" Tanong ni Niel.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now