Chapter 36: Christoff

270 21 0
                                    

Amira's POV

"Here," sabi ni Kevin sabay lapag ng pagkain sa lamesa kung saan nakagisnan na naming walo ang pwestong ito dito sa Canteen. Yung pwesto na teritoryo daw nilang lima. Pero ngayon, dahil friends na naman daw kaming walo, edi walong myembro na ang nagmamay ari ng pwestong ito. Hindi man namin binili, pero alam niyo naman na apo ako ng may ari ng University na ito. So, dapat lang na may pagmamay ari din ako.

Agad na inilapag na rin naman nung tatlong boys yung inorder nila ng makarating na sila dito sa pwesto. Sila na rin kasi pati ang bumili ng pagkain nina Zils at Sandy, pati na rin pala yung kay Zi. 'Zi' na nga rin pala ang tawag namin kay Zach. Dahil friends naman na daw kami. Tss. Daming alam.

Ilang araw na nga rin pala ang nakakaraan simula noong lumabas kami ni Kevin. Oo, parang date na nga yun.

Pagkauwi ko nga noon sa dorm, akala ko tulog na yung dalawang bruha, pero nagkamali ako dahil inaantay pala talaga nila ako.

Kinulit ako nang kinulit nung dalawa para magkwento, so wala na rin akong nagawa. Hindi rin naman nila ako titigilan hanggat wala silang update tungkol sa paglabas namin ni Kevin.

At syempre dahil ganap na mga chismoso rin naman yung boys, edi alam na rin nila.

At imposible rin namang hindi kumalat yung tungkol sa paglabas namin ni Kevin dito sa University. Such a talkative. Ayaw ko pa man din na pinag uusapan ako lalo na kung hindi maganda. Pero karamihan naman sa mga estudyante dito ay takot sa'kin eh. Dapat lang.

Hindi ko rin naman sila masisisi, dahil sobrang obvious ni Kevin.

Simula nung araw na nagdate kami, hindi na kami nag aaway. Napapadalas pa nga na magkasama kami, but ofcourse kasama rin yung anim.

Unti unti na kaming lahat na napapalapit sa isa't isa. May pagkabaliw rin kasi talaga ang grupo nila.

Si Zils at Jeff nga napapansin ko these past few days na hindi na sila masyado naiilang sa isa't isa hindi katulad noon. Eh paano, naririnig ko na lang minsan este madalas pala bigla bigla na lang tatawa. Yun pala pinag uusapan nila yung kabataan nila, yung mga katangahang nangyari noong mga bata pa sila. Mga sir*ulo.

Tapos ito namang si Sandy, napapansin ko na mas napapadalas niyang kaharap ang cellphone niya, tapos bigla na lang ngingiti ng kakaiba. Tss.. baliw na ata.

"Oh, anong iniiling-iling mo d'yan, Mirs?" Napatingin ako kay Zils na katabi ni Kevin na nasa harapan ko nang bigla siyang magsalita. Pati ba naman ang pag iling ko papansinin pa niya? Pati tuloy ang barkada ay napatingin na rin sa'kin.

Ganito kasi ang arrangement namin.

     Kevin, Zils, Sandy, Niel
   •----------------------------------•
   •----------------------------------•
       Ako,   Jeff,   Kiel,   Zi

Tumingin ako kay Zils at tinaasan ko siya ng kilay.
"Masama na bang umiling ngayon?" sarkastiko pero seryoso kong tanong.

"Mukha ka kasing baliw d'yan eh. Tahimik kang kumakain tapos maya maya bigla ka na lang iiling," sabi niya dahilan para marinig ko ang pagsinghap ni Jeff na halatang nagpipigil ng tawa.

Binaling ko ang tingin ko kay Jeff na katabi ko ngayon at saka ko siya inirapan.

"You know what, Jeff? Kung tatawa ka ilabas mo na, wag mo nang pigi--" hindi ko pa naman natatapos ang sasabihin ko pero pinangunahan na ako ng pagtawa ni Jeff.

"HAHAHAHAA!"

See!. Napailing na lang ako ng wala sa oras, pero hindi ko inaasahan ang pagsabay ng pagtawa ni Zils sa pagtawa ni Jeff dahilan para mapatawa na rin yung iba except sa aming tatlo nina Zi at Kevin. Masasasabi ko talaga ngayon na ang pagtawa ay para rin 'yang sakit, nakakahawa rin. Haay! Mga baliw talaga sila. Ano bang nakakatawa? Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at kinontrol ang sarili ko. Pasalamat sila ngayon at hindi ako bad mood, kung hindi, ewan ko na lang sa kanila.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now