CHAPTER 26: Star Bravierz

266 40 1
                                    

Amira's POV

Ang buong akala ko talaga ay matatalo na si Cath ni Cydell. Ngunit nagkamali pala ako. Dahil ngayon, ang buong member ng Evil Queen ay naglalakad na papuntang center ng battle ring pati na rin ang Demonic Eye na galing sa kabilang side.

"Lodi ko talaga ang mga Salvador. Petmalu. Pero ang astig talaga ng pagsulpot ni Jona eh." Masayang sabi ni Zils pero hindi ko lang siya pinansin.

Si Sandy naman ay nakaupo lang sa isang gilid hawak ang phone niya.

Buti na lang at wala siyang sapi ngayon. You know? Iba ang tama niyan pagdating kay Cloud pero hindi na siya tulad nung last year.

Kanina nga nagulat na lang kami ni Zils nung dumating siya sa dorm na basang basa. Halata sa mga mata niya na kagagaling lang niya sa pag iyak pero halata din naman na naging masaya siya habang nagpapakabasa sa ulan, kasama si Kiel. Tawang tawa pa nga siya kanina eh, kaya wala kaming nagawa ni Zils kundi magtinginan at makitawa kay Sandy.

Napagdesisyunan ng Evil Queen at Demonic Eye na buong grupo na silang lalaban sa isa’t isa. Dahil medyo hilo pa ata si Pink. No choice naman ang Demonic Eye eh, kasi nga student president siya at isa pa kilala ng lahat si Cath bilang anak ng may ari ng University. Oh ’di ba? Saan ka pa?

So ayun na nga, tanaw na tanaw ko sila ngayon mula dito sa pwesto ko.

By the way, nandito nga pala si Lolo wearing gold mask. Nandoon siya sa stage, while seating on his gold chair. Walang sino man ang may karapatan na umupo dun, except sa kaniya. Even Dad, Mom, Kuya and even Cath.

Actually, mayroon silang sari sariling upuan. But of course ’yong inuupuan ni Cath is just for a while because that chair is mine.

Busy sina Mom and Dad, pati na rin si kuya kaya wala sila dito ngayon.

Tanaw ko rin si Lolo mula dito sa pwesto ko. Maging ang mga reapers na nakapaligid sa kanya ay tanaw na tanaw ko rin. Seryoso lang si lolong nanonood ng laban habang kumakain ng pop corn.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa dalawang grupo. Magkakaharap na sila ngayon. Four girls vs. five boys.

Nakita ko ang husay ni Cath kanina habang nakikipaglaban siya. Halos saulo ko na ang mga galaw niya. Maging ang techniques and strategies niya dahil halos sabay din naman kaming nagtraining noong mga bata pa kami. Pinatigil nga lang ako nung coach namin, you know.. asthma.

Nagpipilit pa nga ako nun na ipagpatuloy ang training ko, kaso sasabihin daw ni Coach sa parents ko na may asthma nga ako ’di ba? Kaya hindi na nga ako nagpumilit. And until now, my asthma is just a secret. Buti na lang nung araw na tumigil ako sa training ay nasa States kami ni Cath kasama sina Zils at Sandy. Mas magaling kasi ang mga trainer dun. So nung araw na tumigil ako dun sa pinagtetraningan ko, naghanap ako ng bagong trainingan. Ako ng nagpaliwag sa parents ko kung bakit gano’n ang nangyari. And of course everything that I explained to them was just a lie. Yeah, I don’t want them to know that I have asthma.

So, mabalik na nga tayo.

Napansin kong nag uusap si Cath at Kevin pero hindi namin marinig kung ano ang pinag uusapan nila dahil napagdesisyunan ni Lolo kanina na i-off ang speaker. Ang unfair ’di ba?

Halos sabay sabay rin silang lahat na nagsisuguran. Magaling nga ang Evil Queen pero hindi mapagkakaila na mas magaling ang Demonic Eye kesa sa kanila.

Kung hindi niyo nga pala nalalaman, nung araw na sinabi ko kay Cath na sasali kaming tatlo bilang isang grupo ng gangsters, minsan every Saturday and Sunday nag t-training kami nina Zils at Sandy. Lumalabas kami ng University, pwede naman eh. Nag g-gym din pati kami, kaya sobrang sexy na talaga namin lalo.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now