CHAPTER 20: I miss you!

332 45 0
                                    


Amira's POV

"Nawalan na ’ko ng gana." Simpleng sabi ni Sandy at naglakad palabas ng pinto. Napatingin ako sa kinakain niya na hindi pa nga ubos. Nagkatinginan kami ni Zils at nagtanguan. Tumayo si Zils at sumunod na kay Sandy. Ako naman ay uminom muna ng tubig tsaka tumayo. Hindi na rin namin naubos ni Zils ’yong kinakain namin.

"Una na kami." Sabi ko dun sa mga boys at tumango naman sila at sumunod na ako dun sa dalawa.

Sandy have a problem, we’re bestfriends, right? I know what is it, I can feel her.

Bestfriends knows your feelings, even you are sad or happy. Mostly when you are in pain.

***
Sandy's POV

Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Feeling ko babagsak na ang luha ko kaya lumabas na agad ako ng Canteen.

Hindi naman talaga ako naapektuhan sa sinabi ni Jeff, konti lang, charr.

Si Niel kasi eh, bakit kailangan niyang mag open ng ganoong topic?

"Sandy!" Rinig kong tawag sa ’kin ni Zils mula sa likod ko kaya pinunasan ko ang tumulong luha mula sa mata ko. Sabi ko na nga ba susunod sila eh.

"Bakit ka naman nag walk out? Hindi ko tuloy naubos ’yong pagkain ko. ang sarap pa man din ng ulam ko." Mukhang pagkain talaga ’to kahit kailan.

"Bakit ka kasi sumunod?" tanong ko sabay lingon sa kaniya at kita ko si Amira na naglalakad na din papunta dito sa direksyon ko.

"Oo nga ’no? Bakit nga ba ako sumunod?" tanong niya sa sarili niya sabay kamot sa ulo. Sira talaga ito. "Teka nga, babalikan ko lang ’yong pagkain ko."

"Where are you going?" rinig kong tanong sa kaniya ni Amira.

"Babalikan ko ’yong pagkain ko, sayang kasi, paborito ko pa man din ’yong--- oy Mirs, teka lang naman." Pag angal ni Zils kay Amira nang kaladkarin siya ni Amira papunta sa direksyon ko. May sinabi pa nga siya kay Zils kaso hindi ko narinig. Tumingin sa ’kin si Zils at sumunod na kay Amira papunta sa direksyon ko.

"Okay ka lang ba?" tanong sa ’kin ni Zils nang makalapit sila sa ’kin kaya napakunot ang noo ko.

"Ofcourse, why not?"

Ngumiti ago sabay iwas ng tingin. Tumango tango naman ’yong dalawa. Actually, mahirap talaga magtago ng tunay na nararamdaman sa dalawang ito, lalo na kay Amira. Mabilis ang pakiramdam niyan eh.

"Tara, tambay tayo." Masayang sabi ni Zils.

"Where?"

"Rooftop." Tipid na sagot ni Amira at naglakad na. Sinundan lang namin siya ni Zils. Sa totoo lang, favorite spot kasi talaga ni Amira ang rooftop. Gusto niya sa matataas na place, kasi ang saya lang daw.

I remember when we are in elementary, grade five, I guess. Nag punta kaming tatlo sa Enchanted Kingdom with our parents. Kasama din pala noon si Jeff. Sumakay kaming apat sa lantern wheel, then, noong umandar na eh takot pa man din ako noon sa heights so umiyak ako. Gusto ko ng bumaba noon. Feeling ko kasi mahuhulog ako sa maling tao, charing. Ang sakit kaya mahulog ’di ba? Lalo na at alam mong wala namang may balak na sumalo sa ’yo. So iyak ako ng iyak noon habang tinatawanan lang ako ni Jeff at Zils. Napaisip nga ako nun kung kaibigan ko ba talaga si Zils eh. Buti na lang nandoon si Amira, niyakap niya ako.

Sabi niya huwag daw akong matakot dahil nasa tabi ko lang daw siya. Hindi naman daw ako mahuhulog eh dahil magkahawak kamay kami. Isa pa eh naka-locked naman ang pinto.

Sabi pa nga niya, hindi hahayaan ng isang tunay na kaibigan na tuluyang mahulog at masaktan ang kaibigan niya, dahil ang tunay na kaibigan hindi bibitawan ang iyong mga kamay kapag alam niyang natatakot ka na.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang