CHAPTER 21: History

323 43 0
                                    

Arzila's POV

"I miss you!" sabi ni Jeff  habang nakayakap sa akin na siyang ikinabigla ko. Hindi ko na alam kung gaano katagal na siyang nakayakap sa akin. Nang makarecover na ako ay agad ko siyang itinulak papalayo sa ’kin at tumakbo na ako. Narinig kong tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ko na sia nilingon pa.

Pero sa pagtawag niyang muli ng pangalan ko ay napahinto ako sa pagtakbo kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. At tila nag uunahan pa sa pag agos ang mga luha ko na siyang naging dahilan ng pagkalabo ng mga mata ko dahil sa pamumuo ng bawat butil ng luha sa mata ko dulot ng sakit ng nakaraan.

Sa pagbigkas niyang muli ng salitang “Arzi” ay bumalik ’yong saya ngunit bumalik rin ’yong sakit. Mas nangibabaw nga lang ’yong sakit. Sakit ng nakaraang iniwan niya ako sa kabila ng kaniyang mga pangako. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa isang bagay na nakakahiwa. I miss you? Arzi? Mga salitang tila isang patalim na sumaksak sa puso ko, tumagos dahilam para mas humapdi ’yong sakit na nararamdaman ko. Nakakaloko.

(A/N: Lalim ba? Na-carried away si Author. Haha.:)

Nang ma-feel ko na papalapit na siya sa ’kin ay tumakbo na muli ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa bandang likod ng school at napasandal na lang ako sa pader habang umiiyak at napaupo na lamang ako.

Bumalik lahat ng ala ala. Malulungkot at masasayang ala ala pero sa kabila ng mga masasayang ala alang ’yon. Mas nasasaktan ako. I missed him.

Nakadukdok lamang ang mukha ko sa binti ko nang may makita akong pares ng sapatos sa harapan ko kaya itinunghay ko ang ulo ko at bumungad sa mukha ko ang isang panyo. Napatingin ako sa lalaking may hawak nun. Hindi siya familiar.

"Gusto mo bang ako pa ang magpunas ng luha mo?" tanong niya nang marealize niyang wala akong balak tanggapin ’yong panyo.

"Hindi ko kailangan nyan, may kamay naman ako eh." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang dalawang kamay ko.

"Alam mo ba kung gaano na kadumi ’yang mukha mo?" Nakangisi niyang tanong kaya bahagyang napakunot ang noo ko at pinunasan ko ulit ang mukha ko gamit ang kamay ko at tiningnan ko ang kamay ko. And what the heck? Ba’t ang dumi ng kamay ko.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko na ngayon ay nakangisi. Wala na akong nagawa kaya hinigit ko na ’yong panyo sa kamay niya at ipinunas ’yon sa mukha ko.

"Thank you ha!" Sarkastikong sabi niya.

"Welcome!" Walang gana at sarkastikong sagot ko dahilan para matawa siya. Ano naman kayang nakakatawa dun?

"By the way, I’m Chester," sabi niya dahilan para mapatigil ako sa pagpunas ng mukha ko at napatingin ako sa kaniya.

"Any problem?"

"Bakit sa dinami dami ng pangalan eh ’yan pa ang pangalan mo?" Inis kong tanong. Eh kasi naman bakit Chester pa? Kainis talaga!

"Kasalanan ko ba kung ’yon ang ipinangalan sa ’kin ng parents ko?"

"Hay! Whatever"

"Is there any problem on my name?"

"Nothing." I sighed.

"Actually, my name is Chester Rence but  you can call me Chester or Rence if you like."

May pagkamadaldal ang lalaking to parang si Ch--- Ah wala pala.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano. Masaya naman siyang kasama, masayahin kasi siya. Magaan nga loob ko sa kaniya eh.

"Dito na lang. Salamat nga pala Terence!" sabi ko ng ihatid niya ako sa may tapat ng dorm building namin.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now