Chapter 42: Suspicious

233 19 0
                                    

Kevin's POV

"Okay ka na ba talaga?"

"How many times do I have to tell you that I'm okay?"

"I'm just assured that, Kevin."

Napakakulit talaga ng babaeng ito. Three days na ang nakakaraan at maraming beses na rin akong paulit ulit na tinatanong ni Amira kung okay na daw ba talaga ako. At ilang beses ko na rin nasagot yun, na okay na nga ako. Okay na ang pakiramdam ko. Kapag naman sinasabi ko na h'wag na siyang mag alala sa 'kin, sasabihin naman niya na hindi naman daw siya nag aalala. Nakokonsensya lang daw siya dahil dapat siya daw yung nabaril at hindi ako. Baliw talaga itong babaeng ito.

Remember the last time na tinamaan si Amira nung arrow na may poison, ganon din yung bala na tumama sa balikat ko, may poison.

Ibang poison nga lang yung nakalagay sa arrow kumpara sa poison na nakalagay sa bala. Mas malala itong poison na mayroon sa bala pero may gamot naman si Tito Rey para sa poison na yun. Boy scout yun eh, haha. Kaya heto, magaling na ako. Tsaka naagapan din ako noong araw na yun dahil nandoon si Tito Rey sa Underground para manood at para na rin kung sakaling may hindi magandang mangyari. At tama nga, mayroon ngang hindi magandang nangyari.

Siguro kung si Amira yung tinamaan ng bala mahihirapan na naman 'yan, epekto na rin ng asthma niya.

"You're so cute lalo na kapag nag aalala ka sa 'kin."

Tinaasan niya ako ng kilay at tinapik yung kamay ko nang hawakan ko yung ilong niya.

"Yuck! Ang baho ng kamay mo."

"Ay! Oo nga pala, tumae nga pala ako kanina," pang aasar ko pa. Ang cute niya kasi kapag naaasar. Namumula yung mukha.

"Yuck, Kevin. Eww!!"

"Ang arte mo," sabi ko saka ko siya hinigit palapit sa 'kin at inakbayan.

Nandito kami sa loob ng campus. Nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan yung tubig sa fountain.

"By the way, I saw you with Cath earlier."

Humiwalay si Amira sa pagkakaakbay ko sa kaniya at tumingin sa 'kin.

"H-ha? Ahh yun? Ano kasi.. nagkasabay kami kanina sa paglalakad. Then yun, we talk about.. everything."

"Ahh, gano'n ba?"

"Yeah!! Let's go, baka hinahanap na tayo nung mga yun."

Hinigit ni Amira ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa kung nasaan ang barkada. Ba't pakiramdam ko parang may iba sa ikinikilos niya ngayon? Weird.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko nang tumunog ito.

1 message received

From: Jeff
Where are you? Are you with Amira? We're here at the hideout with Zils and Sandy.

"Who's that?" tanong ni Amira.

"Jeff."

"What did he say? Where are they?"

"At the hideout."

Naglakad na kami ni Amira papunta sa hideout ng D.E.G. Ang saya sa pakiramdam na magkahawak kamay kami ni Amira habang naglalakad.

Parang kailan lang bago pa lang siya dito sa University. Madalas pa kaming hindi nagkakasundo noong mga araw na yun. Halos araw araw ay nag aaway nga kami. Naalala ko pa nung unang beses naming magkita. Noong nabundol niya ako at natapunan ako ng iniinom kong coke in can. Hindi ko man sabihin pero napabilib niya ako sa tapang na mayroon siya. Mas napabilib pa ako sa kaniya habang tumatagal. Hindi ko nga lubos akalain na magiging ganito kami ngayon. Na magiging close kami at higit pa sa inaakala ko. Hinayaan lang niya na ligawan ko siya kahit hindi pa niya ako lubos na kilala. Sabagay, wala naman siyang choice eh. Because weather she like it or not, I will do what I want and that is to court her. Napangisi tuloy ako dahil sa biglang pumasok sa isip ko. *Smirk

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now