Chapter 37: Death Threat

270 19 0
                                    

Amira's POV


I can't believe na nandito talaga ngayon si Chris. Hindi man lang ako ni-inform. May pasurprise surprise pang nalalaman. I'm so glad dahil nagkita muli kami. Ilang buwan na rin nung huli kaming nagkita dahil umuwi ako dito sa Pilipinas. Classmate pa nga kami n'yan nung highschool eh.

Napatingin ako sa unahan ko nang magsalita si Sandy at Zils. "Oyy, Mirs ang laki ng pinagbago ni Chris noh?"

"Oo nga. Lalong gumwapo."

"Sus! H'wag niyong sasabihin 'yan kapag kaharap niyo siya. Lalaki ulo nun," pabiro kong sabi dahilan para matawa yung dalawa. Pero naputol din yun nang patigilin sila ni Kevin.

"Sshh.. too noisy."

Napatingin sa 'kin yung dalawa habang may nakasilay na kakaibang ngiti sa mga labi nila.

"Selos," bulong nung dalawa sa isa't isa pero yun ang pagkakamali nila dahil malakas ang pandinig ni Kevin.

"What?"

"Wala. Sabi ko ang dali ng lesson," pagsisinungaling ni Zils. Natawa na lang ako sa kanila.

Nandito na nga pala kami sa classroom. Nagdidiscuss si Ms. V.

Dapat talaga kasi hindi kami papasok ngayong tanghali dahil nga kay Chris. Magkukwentuhan pa dapat kami kaso paepal itong si Kevin. Sabi ko silang boys na lang ang pumasok. Aba'y hindi pumayag, hindi daw pwede. Student councillor daw siya, kaya siya ang masusunod. Ang yabang diba? Dinamay pa yung pwesto niya. Tss.

Tsaka pansin ko lang ang initin ng ulo niya ngayon. Dinaig pa ang babae kapag nagkakaperiod. Ang dali niyang mahighblood. Kaasar.

Nang matapos ang buong discussion ay umalis na ang prof. Mabilisan kong inilagay yung notebook at ballpen ko sa aking bag.

"Oh my.."

"Madali pa," sarkastikong sabi ni Sandy.

"Yahh, excited kasing makita si Christoff," pang aasar naman ni Zils.

"'Di ah," pagmamaang maangan ko.

"Sus! 'Di daw."

*Riiing.. riingg*
📱 Chris pogi...

Si Chris ang naglagay n'yan. Ang kapal noh?

"Amira!."

"Oh Chris?"

"I'm bored!"

"We'll go there na. Just wait!"

"K. I'll waiting."

*Toot toot*

( Hang-out the phone )

"Let's go," sabi ko kina Zils and Sandy.

"Where are you going?" tanong ni Kevin. Kami na lang walo ang nandito sa classroom.

"Cafeteria," tipid kong sagot.

"And what are you doing there?" Seryosong tanong ni Kevin.

"Pupuntahan namin si Chris. Kayo ba?"

"Sabay sabay na tayo," sabi niya dahilan para tumaas ang kaliwang kilay ko.

"And what are you doing there?" takang tanong ko.

"Kiel have something to buy."

"Ha? You said you'll-"

"Let's go," putol ni Kevin sa sasabihin ni Kiel. Ang weird talaga ni Kevin ngayon.

Sumunod na kaming lahat kay Kevin na nauunang maglakad.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now