Chapter 45: Letting go

224 18 0
                                    

Amira's POV

"Ba't ba sila nagsisialisan?" tanong ni Zils.

Nandito kami ngayon sa Canteen kumakain ng lunch. Naiinis ako sa inaakto ng mga estudyante rito. Napaingay nila kanina tapos biglang tumahimik nung dumating kami. Tapos ngayon nagsisialisan. Iba eh. Iba ang dating sa 'kin. Nakakabastos lang. May sakit ba kaming nakakahawa? Sabihin na natin na natatakot sila sa 'kin. But hello, hindi ako nangangain ng tao. Isa pa ayoko ng nilalayuan ako na para bang may nakakahawang sakit. Uminom ako ng tubig bago magsalita.

"STOP." sigaw ko dahilan para makuha ang atensyon nila. Nagsitigil naman sila. "Sit down." sabi ko sa mga babaeng katapat ng table namin na magsisialisan na rin sana. "YOU ALL. SIT DOWN." sigaw ko at naupo nga silang lahat. Good.

"Why did you all are leaving?" tanong ko pero walang sumasagot. "You?" turo ko sa isang babae. "May sakit ba ako na nakakahawa?" umiling naman siya. "What? I can't hear."

"No, you haven't."

"Then, why are you leaving?"

"I'm s-sorry, Young Lady. I-Im just ashamed to you."

What? Nanggigil ako sa sagot ng babaeng 'to.

Tumayo ako kasabay ng pagpalo ko sa mesa. "All of you, stop avoiding me. I'm not a monster, so act normal." seryosong sabi ko na sapat na para marinig ng lahat. Huminga ako ng malalim at tsaka naglakad palabas ng Canteen. Nakasunod naman sa 'kin yung dalawa. Para tuloy akong may buntot.

"Pumantay nga kayo sa 'kin. Palagi kayong nasa likod ko eh." sabi ko. Ayoko kasi yung may nauuna, may nahuhuli. Gusto ko pantay pantay.

"Okay lang. Moment mo 'yan eh." sabi ni Zils.

Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong namin sina Kevin. Para bang nagkaroon ng tensyon sa paligid. Seryosong nakatingin lang sa 'kin si Kevin at sinalubong ko naman yung tingin niya. Napatingin ako kina Kiel at Jeff na nakatingin dito sa dalawang nasa gilid ko. Si Niel naman palipat lipat lang ang tingin sa aming tatlo tapos lilipat ng tingin kina Kevin. Para bang may kahulugan yung tingin na yun. Napatingin naman ako kay Zach na nasa gilid. Nakatingin siya sa 'kin na para bang may gustong sabihin.

"MIRA!" napalingon naman kami sa taong tumawag sa pangalan ko. Si Christoff. Bumalik ang tingin ko kay Kevin na nakatingin pa rin sa 'kin.

"Let's go." walang ganang sabi niya tsaka naglakad. Sumunod naman sa kaniya sina Niel. Tinaasan ko ng kilay si Niel nang lumingon pa siya sa 'kin tapos biglang ngumiti ng kakaiba. May pagtaas baba pa ng kilay. Baliw talaga 'tong lalaking 'to. Siya lang yung taong nakilala ko na parang walang nangyari kahit mayro'n naman talaga.

"Chris, what are you doing here?"

"Because you're here." he smiled.

"Chris.."

"I'm just visiting my Young Lady. Is that bad?"
napakunot ang noo ko.

"Kuya Mike told me about what happened. And I'm just assure that you're okay."

"I'm always okay, Chris. You know me."

"Yeah, I really know you, Amira Salvador. And you're not okay. Am I right?"

"Ehem, ehem.."

"May tao po dito."

Napatingin kami kina Zils at Sandy na nagpaparinig.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now