Chapter 32: Poor Amira!

272 36 0
                                    


Kevin's POV

"Amira?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko ng makita ko ang isang anino ng babae sa medyo madilim na parte ng University. Alam kong babae siya dahil mahaba ang buhok niya. Isa pa ay may konting sinag ng ilaw na nagmumula sa kabilang poste.

Hindi ko alam pero si Amira kasi talaga ang biglang pumasok sa isip ko nung makita ko yung babae.

Mga ilang kilometro rin ang layo nito mula dito sa pwesto ko. Napansin kong parang nahihirapan siyang maglakad dahil pagewang gewang siya na para bang lasing.

Unti-unti akong nagsimulang maglakad patungo sa direkson niya. Ngunit napatigil na lang ako nang bigla siyang natumba dahilan para kabahan ako. Sana mali ang iniisip ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya kaya agad na akong tumakbo patungo sa direksyon kung saan nakahandusay siya.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang maaninagan ko kung sino ang babaeng nakahandusay sa harapan ko ngayon at napamura na lang ako.

"F*cksh*t."

"Amira." Dali dali ko siyang nilapitan at kinapa ang palapulsuhan niya. Para naman akong nabunutan ng tinik ng maramdaman kong tumitibok pa ito. Tinampal tampal ko ang pisngi niya nagbabakasaling magkamalay siya. Napatingin ako sa kamay ko na may marka ng dugo na nagmula sa sugat na natamo ni Amira mula sa braso niya. Napansin ko rin ang isang maliit na patalim na nakatusok sa hita niya. Parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. F*cksh*ht, sinong may kagagawan nito?
Hinayaan kong nakatarak pa rin ang patalim sa hita niya dahil maaring magtuloy tuloy ang pagdurugo nito kung tatanggalin ko.

"Amira, please wake up. Open your eyes, please" Pagsusumamo ko dahil sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ganito ang epekto sa akin nang makita ko si Amira sa ganitong sitwasyon. Hindi naman ako nabigo nang makita kong gumalaw siya at bahagyang nagmulat ang mga mata niya.

"Amira? Thank God! You're safe."

"Kevin!?" Nahihirapan niyang tawag sa pangalan

"Yeah! Si Kevin 'to. I'm here Amira."

"Ke..vin!" Tawag niya ulit sa pangalan ko. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit alam ko ring nahihirapan siyang magsalita kaya itinapat ko ang hintuturong daliri ko sa labi niya para pigilan siyang magsalita

"Sshhh.. don't talk, I-" Pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng paglagay niya rin ng daliri niya sa may bibig ko kaya napatikom ang bibig ko. Inalis niya rin yung daliri kong nasa labi niya.

"Na..hihi..ra..pan na.. ako. Tell to my pa..rents and..to my kuya..that.. I.. love them.. and sorry.. for all my.. mistakes.. please,.. take care..of..my friends!"

Umiiyak na sabi ni Amira. Agad ko namang pinunasan ang mga luhang bumabagsak mula sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. At nasasaktan ako sa nakikita ko, parang tinutusok yung puso ko. Hindi ko lubos maisip na ang isang matapang at palaban na si Amira Salvador ay nasa harapan ko at nasa ganitong sitwasyon.

"Sshh Amira, stop it, please don't say that. You are now safe with me." sabi ko para pagaanin ang loob niya

Pero patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya sa kaniyang pisngi.

"I.. I can't.. breath." sabi niya na mas nagpakaba sa akin

"You're Amira, right? A brave one. Hey, hey! Don't close your eyes. Look at me, please Amira!"

Natataranta kong sabi nang unti-unti nang pumipikit ang mga mata ni Amira.

"Kevin!. I'm glad.. you're here! Thank.. you!" Sabi niya nang nakangiti habang hawak ang kanang pisngi ko

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now