CHAPTER 19: With them

322 43 0
                                    


Amira's POV

"Kailangan pa bang magparegister para maging isang gangster?" tanong ko kay Cath.

"Huwag mong sabihing gusto mong sumali sa grupo ng mga gangsters? Naku! Hindi kita pasasalihin sa grupo ko ha!"

"No, hindi ako sasali sa grupo mo. Ayaw kitang makasama ’no. I will make my own group."


"With Zils and Sandy? Well, hindi naman kita pipigilan. I trust you cous, sa daming beses ba namang napapasabak kayo sa gulo ’no. Kung sasali kayo, sa mismong araw bago magsimula ang laban, magparegister kayo." Sabi niya habang may inaayos na papel.


"Nga pala, every leader of each gangsters group ay sila ang namumuno ng bawat dorm building nila. Tulad ko, ako ang namumuno ng dorm building na ito." Pahabol pa niya. So, ’yong lalaking paepal sa dorm namin. Member pala siya ng D.P.G. Kaya pala.

"Sige na, I’ll go ahead "

"Okay, take care!" Sabi niya.

Kaya lumabas na ako ng dorm niya.

Naglalakad na ako papunta sa dorm ko at nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ay nakaramdam ako na parang may sumusunod sa ’kin, pero sa halip na bilisan ko ang lakad ay binagalan ko pa. t
Tumingin ako sa likod pero wala akong nakitang kahit na ano.

Madilim na dito. Ganitong oras kasi eh pinapatay na ang lahat ng ilaw.

Muli akong naglakad nang may mabunggo akong isang tao na lumabas sa may maliit na iskinita.

"Sino ka?"

"Amira? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah." tanong ng isang familiar na boses. Teka...

"Zach?"

"Yes, I am."

"Gabi na ah. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ginaya mo lang ang tanong ko eh, pero sasagutin kita, naiwan ko kasi phone ko sa cr kaya binalikan ko."

Uso ba ang makaiwan ng phone?

"Ah, buti may binalikan ka pa." Sabi ko tsaka naglakad na ulit.

"Yeah, akala ko nga wala na akong babalikan eh."

Teka, parang iba na ’to ah.

"How about you? Where have you been?" tanong niya. Magkasabay na kami ngayong naglalakad papunta rin kasi sa isang direksyon ang dorm namin eh. Mauuna nga lang ’yong kanila sa dorm namin.

"Ah nagpahangin lang. Hindi kasi ako makatulog eh." I lied.

"Why? 11pm na ah, mag
t-twelve na nga ata eh."

"I don’t know. " I shrugged. "Maybe, someone’s thinking of me."

"Gano’n ba ’yon?" He smiled and I smiled too then shrugged.

Habang naglalakad kami eh nagkaroon pa kami ng ilang conversation. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng dorm niya.

"Ba’t hindi ka pa pumapasok?" tanong ko.

"Ihahatid na kita."

"No need. D’yan lang naman ang amin oh." turo ko sa dorm namin.

Malapit na lang naman talaga ’yong dorm namin. Mga ilang kilometro na lang. May ilang puno kasi sa pagitan ng dorm namin eh.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Onde as histórias ganham vida. Descobre agora