CHAPTER 5: Meet Kevin Steeford

462 62 5
                                    

Kevin's POV

We’re here in our hideout. Iba ito sa dorm namin.

Dito ang tambayan namin kapag wala kaming ginagawa o kaya kapag boring ang  life.

Parang isang normal na bahay lang din ito.  May kwarto, comfort room, living room, kitchen. May mga appliances din. May billiard din kami dito. Iba’t ibang klase ng mga pampalipas oras. Alam mo ’yon?

Para lang talaga ito sa Demonic Eye Gang.

Walang pwedeng pumasok dito, kung hindi kami lang.
Maliban na lang kung may pahintulot galing sa amin.

Or maliban na lang kung matapang ka talaga.

Each group of gangsters have their own hideout.

Minsan may mga dalang chicks itong mga ito. Lalo na itong si Kiel at si Niel pati na rin Jeff.

Speaking of Jeff, kelan ba ang dating ng lalaking ’yon? Sa pagkaka alam ko'y nasa states ’yon.

Wala man lang sinabi kung kelan ang uwi, nakakag*go ’yon ah.

"Tapang ng mga ’yon ah!" tukoy ni Kiel sa mga babaeng transferees na ’yon.

"Sus, nagtatapang tapangan lang ang mga yun." Sabi naman ni Niel sabay upo sa couch.

"Akalain mo ’yon, magkakakilala pala ’yong tatlong babaeng ’yon!" cool na sabi niKiel.

"Dalawang beses nating nakaharap ’yong dalawang naunang transferees pero ngayon lang naisipan manghamon, bakit? Dahil kasama nila ’yong isang babae? Tss." Inis na sabi ni Niel "Lakas ng loob nila ha!" dagdag pa nito.

"Pasalamat sila at magaganda sila. Pwedeng paglaruan," nakangising sabi ni Kiel.

"But I'm still wondering. Paano mo nagawang makapagpigil dun sa babae kanina pagkatapos kang itulak at paliguan ng coke?"pang aasar ni Kiel dahilan para pagtawanan nila ako. Mga g*go!

"Kaya nga bro, bakit nga ba?" pag agree naman ni Niel.

"She's pretty. New chicks, right?" pang aasar ni Kiel.

"Tss, pretty? New chicks? Let me correct you Kiel. She's my new toy." Seryoso kong sabi habang inaalog yung wine na nasa glass. "Kung kanina nakapagtimpi pa ako, sa susunod na humarang pa siya sa dinaraanan ko, I'll make sure that her life will be miserable."

"And I'm sure na sa susunod na makita ulit natin sila, they're getting afraid na kasi siguradong kilala na nila tayo. For sure nagreresearch na ang mga ’yon ngayon kaya matakot na sila." Mayabang na sabi ni Kiel sabay ngisi.

Dapat lang na matakot sila, sino ba sila? Eh lahat ng tao dito ay takot sa akin. Tingin ko pa lang tiklop na, ’yon pa kayang mga babaeng ’yon? At isa pa, transferee lang sila at babae pa. So pathetic.

By the way, I'm Kevin C. Steeford. C for Cortez. Actually, I have a second name but I'm not using it ’cause it's none of your business. Ayoko pati, dahil everytime na naririnig ko ’yong second name ko may naaalala lang akong.. Basta, ayan naman. Naalala ko na naman tuloy. Well, change topic. The S. Cortez Company is my family business.

I'm a half Filipino, 1/4 korean and 1/4 American.

I have brown eyes but using black contact lense, brown hair na medyo curly, pointed nose with a kissable lips, and of course enough white skin with rosy chicks. In short, I’m such a handsome guy, kaya ngayon pa lang I’m warning you, iwasan mong tumingin sa gwapo kong mukha dahil paniguradong mababaliw ka lang sa akin. At isa pa wala akong time makipag flirt sa mga taong malalandi.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now