Chapter 35: James & Joanna

245 29 0
                                    

Amira's POV

"I don't have time to flirting with you sluts. We're on a date, so we gotta go." Cold na sabi ni Kevin sabay hawak sa kamay ko at nagsimula na kaming naglakad papalabas ng Jollibee.

Kita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat at pagkadismaya. Kahit ako man ay nagulat sa sinabi ni Kevin. Ang buong akala ko kasi okay lang sa kaniya na makipaglandian sa mga babaeng yun. May matinong utak rin naman pala ang lalaking ito.

Bago pa kami tuluyang makalabas ng pinto ng Jollibee ay nilingon ko pa yung mga malalanding babae sa huling pagkakataon. Nanlilisik ang mga mata nila na nakatitig sa akin. Nilabanan ko ang titig nila at unti unting sumilay sa aking labi ang pagngisi. Ngiting tagumpay. Bwahaha!

Nang tuluyan na kaming makalabas ng pinto ng Jollibee ay biglang nagsalita si Kevin.

"Where do you want to go next?" Tanong niya.

"I'm thirsty," sabi ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. Tiningnan niya ako na parang nagtatanong.

"I'm not yet done eating. Hinila mo agad ako eh hindi pa ako umiinom. Sayang tuloy pati yung fries ko," parang bata kong sabi dahilan para mapangisi siya.

"Tss. Para kang bata Amira, but it's okay. You're so cute. I will buy you a fries and ice cream if you want," Sabi niya sabay pisil ng ilong ko.

Tsk. Bakit ba kasi nagiging parang bata ako pagdating sa fries at ice cream? I'm so weak because of that.

"No need. Just buy me a drink. I'm so thirsty."

"Okay! Just stay here."

Naiwan akong nakatayo dito sa isang tabi dahil bumibili maiinom si Kevin. Uhaw na talaga.

Nagpaikot ikot lang ang mga mata ko. Ang daming tao. Ang laki pala talaga ng mall na ito.

"Ang tagal naman ni Kevin," bulong ko sa sarili ko.

"Ang bagal mo talagang tumakbo kahit kailan."

Napatingin ako sa batang lalaki na pinanggalingan ng boses na yun.

"Ang bilis mo naman kasi," sabi naman nung batang babae saka tumakbo para habulin yung batang lalaki hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap maging bata. Naalala ko na naman tuloy yung kababata ko. Naalala ko na naman siya. Yung childhood friend ko. Yung ikinikwento ko sa inyo.

Nasaan na kaya siya ngayon? Did he still remember me? Did he looking for me? Sabi kasi niya babalik daw siya at hahanapin niya ako. Is he okay? Is he happy? Sana naman okay lang siya.

I admit na masama ang loob ko sa kaniya kasi hindi niya ako binalikan. Inantay ko siya, inantay kong tumawag siya o kahit man lang sagutin yung tawag ko. Nagpapatulong pa nga ako kay Manang noon kung papaano tumawag sa telepono para lang tawagan siya. Nung una sumasagot naman siya kaya nagkakausap pa kami. Kapag siya naman ang tumatawag sinasagot ko rin naman. Kaso habang tumatagal madalang na kaming magkausap. Hanggang sa tuluyan na ngang nawala yung connection namin sa isa't isa. Hindi na niya sinasagot yung mga tawag ko.

But hopefully, makita ko ulit siya. Kahit hindi niya na ako maalala basta makita ko lang na nasa maayos na kalagayan siya, okay lang.

"Ouch!"

Nagulat ako nang makita ko yung batang babae kanina na nakadapa na sa sahig malapit sa pwesto ko kaya agad ko siyang nilapitan para tulungang tumayo.

"Are you okay?" Tanong ko nang makatayo siya.

"Ouch! Ang sakit waaaaah!" Halos mataranta ako ng umiyak yung bata. Baka isipin ng mga tao dito na pinaiyak ko ito.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now