Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye

222 18 0
                                    


Amira's POV

"Demonic Eye. Demonic Eye Gang ang hinamon ko." Matapang kong sabi na ikinabigla ng lahat. Pati na rin sina Zils at Sandy.

"Are you sure, Amira?" tanong sa 'kin nung dalawa.

"Are you questioning my decision? Or don't tell me, natatakot kayo?"

Ginalit ako ni Kevin, tingnan natin ang tapang niya.

"Pwede naman kayong umatras kung gusto niyo, kaya kong mag isa," dagdag kong sabi.

"No."

"Ofcourse not. We can do this."

Pumasok na kami sa battle ring, pati sina Kevin.

***
Kevin's POV

"Bro, ano ba kasing nangyari?"

"Oo nga, pati tuloy kami nadadamay."

"Kung tutuusin labas kami dito nina Sandy, eh."

"Hoy! Bro, don't you dare to touch my Zils ha?"

"Sandy, too."

"I can do this on my own, you may now leave if you want."

Naaasar na ako dito. Sinisisi nila ako. Aba'y kasalanan ko ba na ganito yung naramdaman ko nang makita ko si Amira na nakikipagtawanan dun sa Mike na yun?

Ano ba kasing pumasok sa kokote ng babaeng yun at kami pa yung hinamon? Tsaka, isa pa yung emcee na yun, alam na napahamak na nga si Amira last time. Tatlong linggo pa lang ang nakakaraan simula nung maaksidente si Amira, tapos... yari ka sa 'king emcee ka. Si Amira naman... hayst!.. Ba't ko ba pinoproblema yun? Ito naman talaga yung gusto ko 'di ba?

"Okay, Star Bravierz and Demonic Eye, you may now go to the center of battle ring."

Tiningnan ko yung grupo ko at walang nangangahas na pumunta sa gitna.

"You can do it, bro. Panindigan mo 'yan," sarkastikong sabi ni Jeff.

***
Amira's POV

Mukhang wala talagang balak na tumayo itong dalawa na nasa gilid ko.

"You can do it, Amira. Ginusto mo 'yan, panindigan mo."

"Cheer ka na lang namin!"

Napairap ako dahil sa sarkastikong sabi ng dalawang ito. Pinapamukha ba nila sa 'kin na kasalanan ko 'to?

Tiningnan ko si Kevin mula sa kabilang side. Kasalanan niya 'to eh.

Mukhang wala ring balak makipaglaban sina Zach. Sabagay, magawa ba ni Jeff at Kiel na saktan itong dalawa? Ofcourse not.

"Again, Star Bravierz and Demo---"

Hindi pa natatapos ng emcee ang kanyang pagsasalita ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at nagsimulang maglakad patungo sa gitna ng battle ring. Confidence akong naglalakad habang hindi ko inaalis ang titig ko kay Kevin.

Tumayo na rin si Kevin at naglakad na rin papalapit sa 'kin habang nakatitig rin sa mga mata ko. Kung nakamamatay lang ang pagtitig, malamang nakabulgta na kaming dalawa ni Kevin dito.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now