Chapter 51: Her Last word

231 20 0
                                    

Amira's POV


"No. I won't leaving her here." Matigas na sagot ni Thea. Sumang ayon naman si Chelsea at Sophy na h'wag iwan dito si Floey. Buti na lang at dumating sina Lance, Kyze, Jack, Nike, Pink at Jona. Hindi pa nga sila makapaniwala na wala na si Floey. Lalo na si Lance. Ngayon ko lang nalaman na may pagtingin pala siya kay Floey. At sabi nina Thea may crush daw si Floey kay Lance. Nakakalungkot namang isipin na huli na ang lahat para sa kanilang dalawa.

"Una yung mga estudyante, pangalawa si Frank, tapos ngayon si Floey? Bakit? Bakit gano'n?" umiiyak na sabi ni Lance habang pinagsususuntok ang lupa. Inaawat naman siya nina Kyze.

"What do you mean about Frank?" naguguluhang tanong ko. Tumingin sa 'kin si Kyze. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya pero hinanda ko ang sarili ko sa kung anuman ang maririnig ko. Mula sa 'kin ay bumaling ang tingin niya kay Chelsea? Anong meron?

"He's gone. Katulad ni Floey. Iniwan na rin kami ni Frank." sagot ni Kyze habang umiiyak na dumagdag sa sakit na nadarama ng lahat.

"What? No. That's not true. Where is he?" hindi makapaniwalang sabi ni Chelsea.

"That was true. Wala na si Frank. Sa pagkakatama pa lang ng kutsilyo sa hita at tiyan niya kanina sa court marami ng nawalang dugo sa katawan niya dahilan ng panghihina niya. Nadagdagan pa yun nang makipagtulungan siya sa 'min sa pagkikipaglaban kanina para iligtas ang mga estudyante. Hanggang sa hindi na niya kinaya... at bumigay na siya." mahabang pahayag ni Jack.

"NO. Where's Frank? I wan'na see him." sabi ni Chelsea habang umiiyak. "Ba't kailangang mangyari 'to. Wala na si Floey. Bakit kailangan pati si Frank? Anong bang meron sa letter 'F' huh?"

May secret relationship pala si Chelsea at Frank. Pero hindi secret dahil nalaman na namin ngayon.

"Wala man lang akong nagawa. Hindi ko man lang siya napagtanggol, pati si Floey. Dapat hindi ako pumayag na humiwalay siya sa tabi ko." umiiyak na sabi ni Lance. "Bakit kasi humiwalay pa kayo sa 'min eh? Bakit hindi niyo pinrotektahan si Floey? Kaibigan niyo siya 'di ba? Bakit hinayaan niyong mangyari sa kaniya 'yan? Thea, bakit? Ikaw ang lider nila 'di ba?" umiiyak na sabi ni Lance kina Thea.

"Oo, ako yung leader. At kung pwede lang... Sana ako na lang yung namatay at hindi si.. si Floey.." umiiyak na sabi ni Thea.

"Walang may gusto ng nangyari. At kung mayroon mang dapat sisihin dito, ako 'yon. Ako ang Young Lady kaya dapat ako ang pumoprotekta sa inyo." sabi ko dahilan para makuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Wala kang kasalanan, Young Lady. Ang may kasalanan ay ang mga kalaban."

"Tama si Jona. Hindi ikaw ang pumatay sa kanila. Hindi ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kaya h'wag mong sisihin ang sarili mo."

"Oo, ikaw nga ang Young Lady at ikaw ang dapat na protektahan namin."

"H'wag kayong mag alala. Pagbabayarin ko ang taong may kagagawan nito." sabi ko at tumalikod na sa kanila. Maglalakad pa lang ako ng magtanong si Thea.

"Saan ka pupunta?"

"Protektahan niyo ang isa't isa. H'wag niyong hayaan na may malagas pa sa inyo." malayong sagot ko sa tanong niya.

"Sasama ako."

"Ako din."

"Kami din."

Humarap ako sa kanila dahilan para matigilan sila sa paglapit sa 'kin.

"Why?"

"We have to protect our Young Lady." sagot ni Thea. Napataas pa ang kaliwang kilay ko sa naging sagot niya.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now