CHAPTER 17: Blush

350 44 0
                                    


Amira's POV

A few weeks ago since the incidents happened.

Nagdadalamhati pa rin ang mga tao dito lalo na ang mga pamilya ng mga estudyanteng nadamay sa kaguluhang ito at iniimbestigahan na rin ang pangyayaring ’yon.

May mga bagay na rin akong nalaman tungkol sa pamilya ko.

**Flashback**

Nandito ako ngayon sa Mansion. Masyado kasing malaki ang bahay na ito kaya mansion na siya kung tawagin.

We’re here in the living room. Milk

Magkatabing nakaupo sina mom and dad sa malaking sofa. Si lolo naman ay nakaupo sa sofa na pang isahan lang, samantalang si kuya Mike naman ay nakatayo habang naka cross arms at si Cath naman ay naka upo dito sa gilid ng sofa na pinag uupuan ko.

"Cath, pwede bang ’wag ka d’yan? Sa pagkakaalam ko kasi hindi upuan ’yan. Sandalan ’yan ng kamay ko."

"Ayoko nga. Ang ganda ganda ng pwesto ko dito tapos paaalisin mo lang ako."

I just rolled my eyes to her.

"What do you want to know, my Princess?" tanong ni dad.

Ayan na naman sa princess princess na ’yan. Alam kong prinsesa ako pero sabing h’wag na akong tatawaging princess eh. Ang kulit, but I just ignored that ’cause I’m so desperate to know about everything.

"Who’s ruined the party? Why did they do that? Sinisisi nila ang pamilya natin, why? And they called me Young lady?" sunod sunod kong tanong.

"Amira, isa isa lang naman." Sabi ni Cath.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya ’wag kang sumabat." Seryoso kong sabi kay Cath kaya itinaas niya ang kamay niya na tila sumusuko.

"Amira apo, ako ay nagmula sa pamilya mga mafias, assassins, gangsters o kung ano pa mang ibang tawag d’yan. Pero mga kapwa criminals din ang mga kinakalaban namin. Until I met Myra, your grandma.  Binago niya ako at lumayo ako sa gulo. Nangibang bansa kami at bumuo ng masayang pamilya. Hinayaan ako ni dad. Then, nung 11 years old na si Michael, ang papa mo.. bumalik kami ng Pilipinas para bisitahin sina dad.

Then one night, masaya kaming kumakain nun nang nilusob kami ng mga kalaban. Nagkagulo na noon. sobrang daming kalaban kaya pinadaan ko na sa likod ng bahay si Myra at si Michael para makatakas na sila kasama ang mga ni-assign kong reapers para bantayan sila at nakipaglaban ako kasama si dad pero natamaan siya ng bala sa tiyan. Pinatatakas na niya ako nun dahil kaya na daw niya ang sarili niya at isa pa ay kasama naman daw niya yung mga reapers namin pero hindi ko pa rin siya iniwan at dumaan na rin kami sa likod ng bahay para makatakas. Gubat ang likod nun, akay akay ng mga reapers si dad habang nakikipagbarilan pa rin ako sa mga kalaban pati ang mga natitirang reapers. Hanggang sa pinasabog ng mga kalaban ang mansion buti na lang at nakalayo layo na kami pero bahagyang tumalsik pa rin kami nun dahil sa lakas ng pagsabog.

Nang makarating kami sa gitna ng gubat nakita ko ang mag ina ko. Nakita ko si Myra na nakalupasay at duguan habang si Michael ay umiiyak at may mga galos din ng sugat.

Naisugod pa namin sila sa Hospital pati si dad pero sa kasamaang palad hindi na nakaya ni dad. Nakita kong nagmulat ng mata si Myra at nakausap ko pa siya ng ilang saglit. Sabi niya ako na daw ang bahala sa anak namin at sa lahat. Mahal na mahal niya daw ako at mahal na mahal ko rin siya. Pero ilang saglit lang ay bumigay na rin siya." Mahabang salaysay ni lolo. Kitang kita sa mga mata niya ang kalungkutan. Tila pinipigilan niya pang umiyak. Grabe pala ang naranasan ni lolo.

"Sobrang nasaktan ako sa pangyayaring ’yon kaya naghiganti ako sa mga Cliffton. Cliffton ang dahilan sa pagkasira ng pamilya ko. Nang gumanti ako ay gumanti rin sila. Gumanti muli ako at gumanti muli sila hanggang sa hindi na natapos ang gulo sa pagitan namin. Puro gantihan na lang ang nagaganap sa pagitan namin. Hanggang ngayon gumagawa pa rin sila ng paraan para pabagsakin tayo. Gumagamit din sila ng mga taong malalakas ang pwersa para mas lumakas ang pwersa nila.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now