CHAPTER 24: Under the Rain

290 39 0
                                    

Kiel's POV

Nang matapos ang klase ay humiwalay muna ako kina Kevin.

Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya naglakad lakad muna ako.

Mamaya na ang laban namin. Sana naman maganda ang maging laban. Ang boring kasi nitong mga nakaraang laban.

Hindi na bumalik si Amira kanina, si Kevin kasi eh.

Pati ’yong dalawa hindi na rin bumalik. Saan naman kaya pumunta ang mga ’yon?

Si Sandy, kaninang umaga ko pa napapansin parang wala sa sarili.

Paano ba naman? Nakita ko siya kanina na naglalakad habang nakatingin sa baba.

Eh eksaktong may daraan na nagraragasang sasakyan, aba ay wala man lang balak umiwas. Kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya at agad na hinigit siya. Pasalamat siya at mabait pa rin ako sa kaniya.

"Magpapakamatay ka ba?" seryosong tanong ko sa kaniya

"Sana." Mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko

Napakunot ang noo ko.

"What? Baliw ka na talaga." Nakangisi ngunit naguguluhan kong sabi.

Nanatili lang siyang nakatungo. Hindi man lang nagawang tumingin sa ’kin at magpasalamat. Tumalikod na siya at muling naglakad

Napailing na lang ako. Hinayaan ko na siya nun at umalis na rin.

Then, kanina nung papaakyat siya sa hagdan, muntikan na siyang mahulog nang madanggil siya ng isang lalaki. Buti na lang at nasa likod niya ako dahil eksaktong papaakyat na rin ako papunta sa classroom namin. Kaya nasalo ko siya.

Hindi na naman niya ako pinansin nun.

Ano bang problema ng babaeng ’yon?

Si Amira naman napansin ko rin na parang galing sa pag iyak or ewan basta.

Si Zils lang ang walang pinagbago sa kanila.

Pero saan naman kaya sila pumunta kanina? Siguradong sinundan ni Zils si Sandy kanina. Mukha kasing nag aalala siya nung lumabas si Sandy.

Napatigil ako nang mapansin kong dito pala ako dinala ng mga paa ko sa roof top.

Ang tahimik talaga ng lugar na ito. Kaya minsan dito rin kami tumatambay ng barkada eh. Napansin ko rin noong nakaraang araw galing dito sina Amira.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa may bench. Pero napatigil din ako sandali nang may makita akong isang babae na nakaupo dun.

Parang familiar siya. Medyo naka side view siya habang nakatingin sa malayo.

Nang makalapit ako, nabigla ako ng mapagtanto ko kung sino ang babaeng ito.

"Sandy?" bulong ko sa sarili ko.

Lumapit pa ako sa pwesto niya pero hindi niya pa rin ako napapansin. Aasarin ko sana siya kaso nagtaka na lang ako nang makita kong may tumutulong luha mula sa mga mata niya. Umiiyak ba siya?... Umiiyak nga. Hindi ko alam pero parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ko siyang ganito ngayon. Hindi ako sanay. Kaya bigla na lang gumalaw ang kamay ko at kinuha ’yong panyo sa bulsa ko tsaka iniabot sa kaniya.

***
Sandy's POV

Nang makalabas ako ng classroom ay agad akong nagtatakbo papunta sa roof top. Tulad ni Amira, nakasanayan ko na ring pumunta ng rooftop sa tuwing gusto kong mapag isa, sa twing nalulungot ako at sa twing nasasaktan ako. Gusto kong huminga dahil pakiramdam ko nalulunod ako.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now