Extra Chapter

59.4K 1.4K 240
                                    


Patuloy sa pag-drum ang daliri ni Ashton sa lamesa habang nakatingin sa kaibigan na si Gio. Hindi niya inaalis ang tingin sa hawak nito.

"College na tayo pero wala paring pangalan ang banda natin," buntong hininga ni Warren.

Nalipat ang tingin ni Trisha mula sa cellphone papunta kay Warren. "Paano naman kasi ang cheap ng mga naiisip nyo!"

Isa.

"Kaysa naman sa mga naiisip mo Trish, puro pambabae," reklamo ni Warren. Tumingin ito sa mga babaeng dumaan.

Nasa loob sila ng canteen ng Gertrude Academy. Inayos nila ang kanilang mga class schedules na magkakatugma sa isa't-isa.

"Ano'ng sinabi mo Warren? Alin sa mga sinabi ko ang tunog babae, ha?" irap ni Trisha.

Dalawa.

"Ashton! Gio! Ano na? Mag-participate naman kayo sa meeting," baling sa kanila ni Warren.

"Kung ano ang maisip ninyong pangalan, okay ako," ani ni Gio sa tono na minsan lang sumigla. At dahil iyon sa hawak nito na sanhi rin ng inis ni Ashton.

"Puro nalang 'yan ang sinasabi mo Gio," reklamo ni Warren.

Hindi sila magkaisa sa pagpapangalan ng banda dahil palaging hati ang desisyon. Mula highschool ay problema na nila ito. Sa tuwing battle of the bands ay pangalan ng section nila ang ginagamit nila.

Tatlo.

"Ikaw Ashton? Dude ano na?"

Apat.

"Gio pang-apat mo na 'yan," sita ni Ashton sa kaibigan.

"Masarap eh," sagot ni Gio at saka muling sumubo ng chocolate chip cookie.

"Inuubos mo na ang cookies," salubong ang mga kilay na sabi ni Ashton.

Ngumuso saglit si Gio. "Bigay sa'kin 'to ni Kayleen."

Lima. Anim.

"But seriously guys. Kailangan natin ng pangalan," sabi ni Trisha.

"The Science Project! Blue Horizon! Pati pangalan natin pinag-combine na pero wala parin tayong mapag-botohan!"

Pito. Walo.

"Gio!" tawag ni Ashton sa kaibigan na walang ginawa kundi ang kumain ng cookies.

"Ikaw Ashton? May naisip ka na ba?" tanong ni Warren.

"Pass the cookies!" malakas na sigaw ni Ashton kay Gio na ikinagitla ng lahat.

"Pass the cookies?" tanong ni Warren.

"Bigay sa'kin ni Kayleen 'to," sagot ni Gio saka hinigpitan ang hawak sa bilog na tupperware na may laman na mga cookies.

"Gio! Binigay niya 'yan sa'yo para kainin nating lahat."

"Ang sabi ni Kayleen pwede ko raw kainin kahit ilan."

"Hindi ibig sabihin non na kakainin mo lahat."

Ilang segundo na nagtitigan ang dalawang magkaibigan. Tumayo si Gio at tumakbo na tangay ang mga cookies.

"Gio!" tumayo rin si Ashton para habulin ang kabigan.

Naiwan sina Warren at Trisha sa lamesa. Hindi na sila naninibago sa kilos ng dalawa. Simula nang bigyan sila ni Kayleen ng cookies ay palagi nang nag-aagawan ang dalawa nilang kabanda.

"Pass the cookies," bulong ni Warren. Tumingin siya kay Trisha.

Inikutan ni Trisha ng mata si Warren. Kinuha niya ang ballpen at ibinigay rito. "Fine."

Kinuha ni Warren ang ballpen mula kay Trisha at ginamit na panulat ng pangalan nila sa form na kailangan isubmit para sa darating na music battle ng academy.

"What a weird name," tanging bulong ni Trisha bago muling humarap sa kanyang cellphone.

"Very original!" nakangiting sambit ni Warren. Tumingin siya kay Trisha. "Naka-decide ka na kung saan tayo magdi-dinner mamaya, babe?"

Itinago ni Trisha ang cellphone sa kanyang bag saka humarap sa binata. "Hmm. Let's see..."



***AN

After... four years ba bago ko na-post ang bonus chap? LOL May isa pang extra sa book ver yata? Di ko tanda. Hahaha! Thank you sa lahat ng bumili! May comic ver si Gio ah, nandito sa wattpad. Pass the Cookies ang title lol Nabasa nyo na ba 'yon? XD

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now