Entry #13

286K 6.7K 308
                                    

Dear Future Boyfriend,

Isa itong malungkot na liham para sa’yo. Ayoko man magsumbong pero naiinis ako! Naiinis ako sa isang batang paslit na ang lakas man-trip kanina! >.< Naiinis ako sa kanya! Habang inaabangan kita sa may gate kanina bigla nalang lumapit sa akin si Ashton at sinabing nakita ka raw nya sa may chapel. Ako naman pumunta don at hinanap kita. Pero namuti na ang mga mata ko wala ka naman don at inabutan na ako ng bell. Muntik pa akong ma-late at mapagalitan ng terror teacher ko sa Calculus. Bakit ba ako minalas nang ganito?! Hindi ko maintindihan! Saan ako nagkamali? Ang aga ko pa naman kanina sa school tapos... tapos... nasayang ang effort ko! Minemorize ko pa ang linya na sasabihin ko sa’yo sa confession of love ko! Sinusumpa ko talaga ang batang ‘yon! Nakakainis sya! >.<

PS: Sorry kung medyo nag-rant na ako. Hindi ko kinaya ang inis ko. Kung pwede lang pumatol sa bata ginawa ko na! Yung paslit na ‘yon! Hindi ako pupunta sa birthday nya! >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now