Entry #66

154K 3.9K 237
                                    

Dear Future Boyfriend,

Ngayon ko lang naisip na may posibilidad pala na hindi si Ashton ang katext ko. Kanina kasi habang nagpapaload ako naisip ko, paano kaya si Ashton? Nasa ibang bansa sya...paano yon? Ang mahal ng text kapag international text diba? Paano sya nakapag-load? Naka-roaming kaya sya?

Si Ashton ba talaga si Mr Creeper? Sya ba talaga ang ka-text ko? Paano kung hindi pala? Paano kung nag-assume lang ako? Paano kung hindi pala ako yung ka-text ni Ashton non sa vacation house nila sa Baguio? Paano kung si... Trisha pala yung ka-text nya non? Paano ako?

Siguro bukas ko malalaman. Basta! Dapat gumawa ako ng paraan para masigurado na sya nga ang ka-text ko. Hindi pwede na hindi sya yon! Pero sa ngayon, ite-text ko muna sya. :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon