Entry #22

252K 5.7K 174
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nasa Baguio ka ba? Pupunta kasi kami ng family ko sa baguio after ng exams namin ni kuya. Excited na ako! Makakasakay ulit ako sa kabayo na alaga ni Lola. Haay! At strawberries! Yum! :D

Okay naman yung exam kanina. Sisiw lang! Haha! Last day ng exam bukas. Hanggang Friday pa ang pasok namin pero sa pag-aayos nalang ng requirements at projects yon. Mabuti nalang wala akong hindi natapos na project.

Iniisip ko parin na mag-shift ng course. Ano sa tingin mo? Lumipat kaya ako ng school? Wala kasi dito yung course na hinahanap ko talaga. Kaso mapapalayo ako. Baka mag-dorm pa ako eh ayoko ng may kahati sa bathroom. :(

Mag-summer job kaya ako para may maipambayad ako sa apartment? Kaso ano naman kayang trabaho? Hindi naman ako pwede sa mga fastfood chains. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ako fast. Haha! Get it? :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now