Entry #12

295K 7K 830
                                    

Dear Future Boyfriend,

Hindi man kita nakita ngayong araw. Natanggap ko naman ang regalo na ipinaabot mo kanina. Complete vitamins pa talaga from A-Z ha! At ang cute ng nakasulat sa card! ‘To my one and only future Wife,’ I hope you feel better. Please take care. ‘From your future Husband’ Kanino mo nalaman na may sakit ako kahapon? At Husband talaga? >.< Pero Future Boyfriend palang ang hanap ko. Pero kung ikaw lang din naman ang mapapangasawa ko sige na nga! >.< Mukhang hindi ko na kailangan magpapansin sa’yo kasi napansin mo na pala ako! :D

Bukas maaga akong papasok para hintayin ka sa may gate. Kung nahihiya ka sa’kin na lumapit ako na mismo ang lalapit sa’yo. Bukas sasabihin ko na sa’yong gusto kita! Gustong gusto kita Ryan! I love you! >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now