Call #1

274K 6.2K 1.5K
                                    

Calling Ashleen BFF <3...

“Hello?”

“Sissy! Kumusta yung date? Huh? Huh? Huh? Spill!”

“Ugh. I can’t believe na sinet-up mo ko sa kapatid mo Ashleen! How could you?! Bakit sa lahat ng lalaki sa kapatid mo pa? Ang sabi mo cute! Di naman cute si Ashton nakakatakot syang bata! Ang creepy nya, wala syang emosyon! Isa syang taong bato!”

“Nahihiya lang yung kapatid ko! First time nya kasi makipag-double date kaya ninerbyos. Hahaha!”

“Ashleen! Araw-araw ba syang ninenerbyos dahil twing nakikita ko sya ganon lagi mukha nya? At hindi nakakatuwa yung ginawa mo kanina ha! Bakit mo yon ginawa? Alam mo naman na galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya nung birthday nya! Matapos ko syang igawa ng birthday cake na three layers!”

“Sissy naman hwag ka nang magalit kay lil bro. Natuwa lang yun sa cake kaya ka nahalikan. Ganon sa france diba? Nagkikiss kahit di mag-boyfriend.”

“Ashleen nasa Pilipinas tayo! Ayoko parin sa kapatid mo! Naiinis parin ako sa ginawa nya.”

 

“HAHAHAHA! Ang cute nyo kaya! Sorry na sissy. Pero ano ba ang nangyari sa inyo kanina? Bigla kayong nawala after natin manuod ng movie. Saan kayo pumunta?”

“Pumunta ako ng ladies room. Paglabas ko, nasa tapat sya naghihintay.”

“Sinundan ka ng kapatid ko?”

“Di ko alam.”

“Tapos ano’ng nangyari?”

“Sabi nya sakin nakita raw nya ex nya.”

“MAY EX ANG KAPATID KO?!!!”

“OO!!! Hwag kang sumigaw. Masakit sa tenga...”

“Ay sorry. Tapos ano nangyari?”

“He asked me kung pwede ba nyang hawakan ang kamay ko sandali kasi kasama ng ex nya yung lalaking pinalit sa kanya.”

“KYAAAAHH!! Nag-holding hands kayo ng kapatid ko!!! OMG!! I’m so kilig!!!”

“Naawa lang ako sa kanya kaya ako pumayag, okay? At sandali lang yon, wala pang fifteen minutes. Hinatid lang nya ako sa exit kasi sinundo na ako ni Kuya Dylan sa may taxi bay.”

“Nag-holding hands kayo hanggang sa may taxi bay?!!! OMG mula 4th floor ng mall!”

“Sabi nya kasi kasunod daw namin yung ex nya. Pauwi na rin siguro...”

“Ano’ng feeling na hawak yung kamay ng kapatid ko?”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon