Entry #25

246K 6K 493
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nagi-guilty ako sa makulit na txtmate ko. Hindi ko naman talaga sya ka-textmate pero parang yun ang hanap nya. Eh ayoko talaga ng mga textmates! Nakakaubos ng load yon at delikado kasi baka kung sino pa yon. Lam mo na, baka mamaya 50 y/o na pala ‘yon. Eew! Tapos manyak na kalbong lalaki! Nagpa-pasaload pa ako kay kuya makapag-reply lang. Kasi naman pang facebook, twitter, youtube, deardiary at instagram ko lang yun cellphone ko. :/

Pero nagi-guilty ako kasi baka malungkot na tao lang talaga yon na naghahanap ng friend. Pero ang weird kasi nya! Tinatawag nya akong future wife! Hindi naman siguro sya maglalaslas diba? Kayo pa naman mga lalaki mahina pagdating sa emosyon. Yung suicidal rate mas mataas sa lalaki. Pero di naman siguro no? Kasi di nya naman ako kilala.

Pero pano kung ikaw pala yon? Kung ikaw man yon, ngayon palang sasabihin ko na, ‘Sorry babe’. :O

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon